labing-lima

400 19 11
                                    

Nagising si Carrie at ramdam niya ang makapal na kumot na gamit niya, tinignan niya ang kaniyang katabi na mahimbing na natutulog. Ayaw niya maalala ang nangyari kagabi. Tatayo na sana siya nang hilain siya ni Justin pahiga ulit. "Where are you going?" Tanong nito habang nakapikit ang mata nito.

"Ahm, 8:30 AM na sir. Late ka na sa trabaho mo." Sagot nito at umiwas ng tingin kay Justin, kahit na napakipit ang binata ramdam niyang nakatitig pa rin ito.

"Hmmm, about last night."

"Wala na 'yun, Sir. Tumugon ako eh." Sabi ni Carrie pero sa kaniyang damdamin ay hiyang-hiya siya, idinilat ni Justin ang kaniyang mata at ngumiti ng malawak kay Carrie.

"Magre-eady lang ako." Nakangiting sambit nito, tumalikod ito para kuhain ang kaniyang damit. "Talikod ka muna, mangboboso." Tumatawa niyang sambit, sinunod ni Carrie ang kaniyang utos.

Nagtago ito sa kumot at sumigaw-sigaw ng walang tunog. "Oh, damit mo." Sabi ni Justin at binato ang kaniyang damit.

"Ah, opo." Sabi nito at dahan-dahan na kinuha ang kaniyang damit, nakita naman niyang tumalikod na si Justin kaya agad niyang sinuot ang kaniyang damit.

Tumayo si Carrie mula sa kama at akmang lalabas na ng biglang nagsalita si Justin. "You're so tight last night. I guess, hindi na ngayon." Biro ni Justin sakaniya, naintindihan ni Carrie ang kaniyang ibig niyang sabihin kaya agad niyang sinara ang pinto.

"Arghh!" Mahinang sigaw nito at tumakbo na pababa sa kusina.

----

Justin's Point of View:

Napa-iling ako dahil sa reaction ni Carrir sa sinabi 'ko, she's so cute, habang naghahanap ako ng maisusuot sa opisina biglang nag-vibrate ang phone 'ko. Tinignan ko ito pagkasabay ng aking pagkuha.

Unknown number.

Thankfully, I already got your number. Please, answer this message back. Jah, I missed you.

Napa-irap ako dahil sa message, alam 'kong si Rose ito. At iisa lang ang magbibigay sakaniya ng number 'ko. "Josh." Bulong 'ko. Agad 'kong blinock ang kaniyang number at here I am again, remembering te past.

FLASHBACK

Palabas na ako ng building nang makita 'ko si Rose na may kasamang lalaki, natakpan kasi niya ang mukha nito kaya hindi 'ko masyadong malinaw kung sino ang kasama niya. "Babe!" Sigaw 'ko, nakita 'ko namang nagulat siya at ngumiti ito ng pilit. Nag-taka ako dahil sa ngiti niya, alam 'ko ang totoong ngiti ni Rose.

Naka-facemask ang kausap niyang lalaki, nag-tanguan muna sila at kumaway sa isa't-isa, lumapit siya saakin at binigyan ako ng mabilis na halik sa aking labi.

"Sino 'yun?"

"Ah, wala 'yun. Kaibigan 'ko." Simple niyang sagot, kinuha niyang dala-dala 'kong suit case at pumasok na sa kotse.

She's the one who took my virginity, hindi 'ko alam kung bakit ako pumayag. Pero hindi naman ako nagsisi sa nangyari.

Tumagal ng isang taon, tatlong buwan, apat na linggo, dalawang araw, limang oras, apat na pung-apat na minuto, at sampung segundo. Dito 'ko nalaman ang lahat. Josh's confessed everything about his relationship with my girlfriend.

"I'm sorry, Jahㅡ."

"I'm sorry!? Sa tingin mo matatanggap pa kita bilang kaibigan 'ko!? Wala kang kwenta alam mo 'yun!? You're an asshole!" Sigaw ko sakaniya at binato siya ng basong may alak, alam 'kong hindi 'ko siya natamaan dahil sa nakailag ito.

"Jah, hindi mo naiintindihan!"

"Ano sa tingin mo, tanga ako? Josh, naintindihan 'ko na ang lahat. As in lahat-lahat!" Sigaw ko nanaman sakaniya at doon na ako umiyak.

"Jahㅡ"

"Get out! Get out of my house, ayaw 'ko ng mga manloloko dito!" Sigaw 'ko, hinawakan ko ang kaniyang kwelyo at hinila palabas ng aking bahay. "Hindi pa ako tapos, Josh." Bulong ko sakaniya at sinuntok siya sa bandang labi kaya napaupo ito.

"Josh!" Sigaw ng babae, tumingin kaming dalawa at nakita naming si Rose ito kaya agad akong lumapit sakaniya pero iniwasan lang niya ako.

"Are you out of your mind!? Josh has a cancer!" Sigaw nito at para bang gumuho ang mundo 'ko.

Ang kaibigan 'kong parang kapatid 'ko ay may sakit.

Nakita namin na hirap nang huminga si Josh kaya tinulungan namin siya. Umuubo na rin siya at matamlay na ang kaniyang itsura, ubo lang siya ng ubo at may dumampi saakin na dugo. Tinakbo namin siya sa sasakyan habang hawak-hawak siya ni Rose. Tinignan ko muna silang dalawa bago paandarin ang kotse, kita ko kay Rose ang sobrang pag-aalala.

Nang makarating kami sa hospital ay agad nang inasikaso si Josh, habang si Rose ay iyak ng iyak sa gilid. Yayakapin ko sana siya nang sampalin niya ako.

"H'wag na h'wag kang lalapit kay Josh, ang kapal ng mukha mo! Hindi mo inalam ang mga pangyayari bago mo siya saktan!" Sigaw nito at napaupo dahil sa sobrang lungkot at galit saakin.

"I'm sorry."

"I hate you! We should break up!" Sigaw niya at tinanggal ang singsing pagkasabay ng pagbato niya saakin.

Matapos ang ilang oras ay unang pumasok ng kwarto si Rose, ilang minuto ang kanilang pag-uusap at lumabas na umiiyak si Rose. Napatayo ako mula sa aking upuan at pinuntahan ko siya.

"Aalis na ako." Taka ko siyang tinignan papalayo, agad naman akong pumasok at nakita 'kong nahihirapan ang bestfriend 'ko. Nanghihina siyang tumingin saakin, umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kaniyang kamay.


"I-I'm s-sorry, Jah. H-h-hindi ko a-agad sinabi sa'yo." Nahihirapan niyang sambit, hindi ko naman mapigilang maluha dahil sa nakikita ko ngayon.

"Nakipag-bre-break n-na rin ako kay Rose, a-ayaw k-ko kasing s-sab-sabihin sayo, kaya s-s-siya ang nag-a-alaga saakin. H-h-hindi ko naman alam na mam-mu-muo ang feelings n-niya pa-par-ra sa-aakin." Paliwanag niya, binigyan ko nalang siya ng ngiti.

"I'm sorry din, sa suntok at sa mga sinabi ko kanina sayo, magpapagaling ka ha, magpapa-treatment ka." Sabi ko nalang at pinunasan ang luha na pumatak.

"Oo naman." Pilit niyang itinaas ang kaniyang kamay para makipag-fist bump saakin.

END OF FLASHBACK

Bumalik ako sa aking sarili nang biglang may kumatok sa aking pinto, binuksan ko iyon at si Manang Linda lang pala.

"Kailangan mo nang pumasok, may sasabihin sayo ang secretary mo."

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon