ikawalo

375 18 21
                                    

Ken's Point of View:

Halos dalawang oras ang aming biyahe patungo sa Malabon. Nag-aalala na ako sa'yo, Carrie. Malalagot sakin 'yang boss amo mo.

Galit akong naglakad papasok sa hospital, tinanong ko na rin kung nasaan ang room number nito. "Room 23 po." Sambit nito at agad kaming pumunta doon. Walang nakabantay sa kaniya kaya agad na kaming pumasok, nakita namin siyang tulog, nilapitan ko agad ito at hinawakan ang pisnge.

"I'm glad to meet her before she die." Sambit ni Pablo kaya napatingin kami ni Stell sakaniya, hindi nalang namin pinansin ang sinabi niya.

Habang hinihintay namin si Carrie magising narinig naming bumukas ang pinto, revealing her boss amo na akala mo Diyos. May kasama din siya, walang pahintulot ko siyang pinuntahan at sinuntok.

"Gago ka ba!? Hindi mo ba alam na may hika 'yang pinsan ko!" Sigaw ko habang hawak-hawak ang kaniyang kwelyo. Pinipigilan ako nina Stell at Pablo samantala siya ay pinipigilan rin siya ng kaibigan niya.

"Kasalanan 'ko bang uto-uto 'yang pinsan mo!" Sigaw naman niya at pilit niya akong inaabot.

"Mga sir! Tama na po, masyadong nakaka-abala kayo!" Sigaw ng guard kaya binitawan na ako nina Pablo at Stell.

"Tandaan mo, sa susunod na gawin mo pang saktan ang pinsan ko, mararamdaman mo nanaman 'tong kamao ko." Pagmamanta ko sakaniya at pumasok na muli sa kwarto ni Carrie.

---

Justin's Point of View:

"The hell, Jah. Ginawa mo 'yun kay Carrie?" Sabi ni Josh ngayo'y nasa loob na kami ng kaniyang kotse. "No! Inutusan ko lang naman siya na hanapin si Jen eh." Sagot ko naman habang ginagamot ang suntok ng pinsan niya kanina.


"Sabi ko naman kasi sa'yo na tanggalin mo nalang si Jen." Sambit nito at nagsimula nang mag-maneho.

Tinignan ko siya ng nagtataka. "Siraulo ka ba? Mom hired her, wala ng pag-asa na tanggalin ko siya sa trabaho." Sagot ko naman sakaniya, tinignan niya ako na para bang may tinatago siya. "Is there something wrong?"


"Wala."

Kinabukasan, lumabas ako ng kwarto at si Manang Linda lang ang nakita kong nag-aasikaso sa lahat ng mga gamit namin.

"Manang, nasaan si Carrie?" Tumingin siya saakin at lumapit. "Nako iho, hindi ko muna pinapasok ngayon para makapag-pahinga siya."


"Ahhh, tawagan niyo nalang ako pag may kailangan kayo, kasi inatake pa." Sabi ko habang inaayos ang aking neck tie.

Sumakay na ako ng kotse at nag-maneho na patungo sa aking kompanya. "Good morning, Sir." Bati saakin ni Jen, inirapan ko siya at naglakad patungo sa aking opisina.

Ramdam kong sumusunod siya saakin. Nang makapasok kami ay agad ko siyang hinarap. "Bakit mo naisipang pag-tripan si Carrie?" Tanong ko sakaniya habang nakadikit ang aking waist sa aking table at naka-kibit balikat.

"Ahm, Sir." Nakatingin lang siya sa mata ko habang lumalapit siya saakin, she seductively hold my cheecks down to my chest.

"Ayaw 'kong may iba kang kasama, ako lang dapat sir." Nakahawak lang siya sa pisnge ko at hinalikan na rin ako. 


----

Carrie's Point of View:

"Okay ka na ba, insan?" Tanong ni Manong saakin, tumango lang ako at hinawakan ang kaniyang kamay na naka-lapag sa hospital bed.

"Sorry, manong. Alam 'kong may ginagawa ka pa sa bahayㅡ."

"Insan, ano ka ba? Okay lang noh, ang mahalaga ay ligtas ka. Huwag mo kasing kakalimutan ang inhaler mo ha." Singit niya kaya napatigil ako sa pagsasalita kanina. "Nandito lang kami, Carrie." Sambit naman ni Stell kaya napatingin kaming dalawa sa kaniya.


Ngumiti nalang ako bilang pagsagot at tumingin sa isa pa nilang kasama. "I'm Pablo." Nakangiti nitong sambit, ngumiti rin ako pabalik at nakipag-kamay.

"Papasok na ako simula bukas, manong."

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon