ikaanim

382 16 5
                                    

"Nako, 07:12 pm na, nakakaloka naman."

Lumabas si Justin sa kwarto at saktong naabutan niya si Carrie kaya nag-init nanaman ang kaniyang ulo. "Anong narinig mo!?" Medyo inis na tanong nito at papalapit nang papalapit kay Carrie, lumalayo rin ito hanggang sa tumama na sa pader ang kaniyang likod.

"Anong narinig mo?" Diin nitong tanong, seryoso siyang nakatingin kay Carrie, habang ang dalaga ay takot na takot na umiiwas ng tingin.

"Ahm, u-u-ungol?" Nauutal na sagot nito, he gave her a sarcastic laugh, inilayo niya ang kaniyang mukha at agad na tumalikod.

"You have a dirty mind." Umiiling na bulong ni Justin at agad na pumasok muli ng kaniyang kwarto.

----

"Jen! Where's my fucking coffee!?" Sigaw nito mula sa kaniyang opisina. Sinama ni Justin si Carrie sa kaniyang opisina dahil sa.

"Ayaw kitang iwanan dito dahil alam 'kong lampa ka."


Umuulit pa rin kay Carrie ang mga masasakit na salita ni Justin sa kaniya simula nung umalis si Alexia sa bahay nito, pero kahit ganon ay pinipilit niya pa rin para makapadala.

"Sirㅡ who is she?" Tanong ni Jen kay Justin nang makapasok sa kaniyang opisina. Inirapan siya nito't inayos ang neck tie.

"Maid. So, where is my coffee?" Sagot at tanong ulit nito sa kaniyang sekretarya, tinignan ni Jen si Carrie mula ulo hanggang paa at patagong inirapan. "Jen! Coffee!" Malakas nitong sigaw na ikinagulat ng sekretarya. "Yes sir, wait." Sambit nito at lumabas na ng opisina.


Habang tumitingin si Justin sa mga papeles na nasa lamesa niya ay napunta ang kaniyang atensyon sa kasama niyang dalaga.

"Nilalamig ka?"

"O-opo, sir."

Pinatay nito ang aircon at hinagisan siya ng pamaypay. "Kung naiinitan ka, paypayan mo nalang yung sarili mo." Malamig na sambit nito at tinuon muli ang kaniyang atensyon sa mga papeles.

----

Ken's Point of View:

Habang nag-papalit ako ng t-shirt ay may bigla akong nakita sa mesa, blue na parang maliit na container? Hindi ko alam eh.

Pupuntahan ko na sana kaso may biglang kumatok sa pintuan. "Oh, Stellㅡ" napatigil ako dahil may kasama siyang lalaki kaya napatingin din ako sa kasama niya.

"Oh dre, si Pablo isa sa mga tropa ko. Dito muna siya makikitira sa'yo kasi wala naman dito yung pinsan mo eh." Sambit nito, dahan-dahan akong tumango sa sinabi niya.

"Hi, housemate! Hahaha!" Natawa ako sa sinabi niya, kwela siya pero parang pakiramdam ko eh magaling 'to mag-english. Hi palang nga, may accent na. Yawa.

"Hi! Pero Stell, paano kung bumalik dito ang pinsan ko?" Tanong ko sakaniya, tinuro niya ang itaas kaya tumingin kaming dalawa ni ano, sino 'to? Ah, si Pablo. Yawa, bangag.

"May isang kwarto sa bahay namin, pwede pa naman siya doon. Sa ngayon nandiyan ang tito ko kaya dito muna siya." Sagot niya sa tanong ko, tumango kaming dalawa ni Pablo. Tinulungan 'kong ipasok ang mga dala ni Pablo at ni-tour siya sa maliit naming paupahan.

Binuksan ko ang pinto ng cr. "Oks lang ba sa'yo ganyan kaliit ang inidoro?" Tanong ko sakaniya, nung una nag-dalawang isip siya pero tumango rin ito.

Lumibot si Stell at Pablo sa may mesa at napatingin sila sa pader na may tatlong frame. "Sino 'yung babae?" Tanong ni Pablo, sabay-sabay kaming nag-kibit balikat.

Naks, synchronized.

"Ahh, pinsan koㅡ only child siya kaya ako ang kuya niyan." Sagot ko sa tanong niya. Tumango ito nang biglang may nakita. "Kanino itong inhaler?" Tanong niya muli at kinuha ang inhaler na iyon.

"Yawa kay Carrie pala 'yan! Nakalimutan niya!!" Taranta 'kong sambit. "May asthma siya?" Tanong ni Stell at tumango ako, bago ko pa makuha ang cellphone ko may biglang tumawag na unknown number.

"Hello? Sino 'to?"

Is this Felip Jhon Suson? Carrie Garcia is on the hospital.

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon