labing-apat

391 18 24
                                    

"Carrie, I like you. Please, let me love you."

Napabitaw si Carrie kay Josh at yumuko, hindi niya alam ang kaniyang isasagot sa sinabi ng binata. Ayaw 'kong masaktan si Sir Josh. Hays, siguro ire-reject ko nalang siya in a good way.

Napabugtong hininga ito at tumingin muli kay Josh kita sakaniya ang kaba dahil sa isasagot ng dalaga. "Ahm, Sir Joshㅡ"

"Josh." Sabi nito.

Tumango si Carrie, "Josh, hindi pa po kasi ako handa, pagdating sa pagmamahalan." Sambit nito, napakamot ng batok ang binata dahil sa nahihiya ito.

"So, if you are ready, pwede na kitang mahalin?

"Ahm... Hindi pa rin po. I'm sorry po, sir." Sagot nito sa tanong nito, tumango-tango si Josh at sinenyasan na pwede na siya pumasok. Malungkot na tumango si Carrie at nagsimula na siyang maglakad, tatlong hakbang ang kaniyang ginawa nang hilain siya nito at hinalikan.

Nakita lahat ni Justin kaya agad itong tumungo sa opisina ng kaniyang ama at kumuha ng alak at nagsimulang inumin ang laman nito.

Kumawala si Carrie sa halik at hindi sinasadyang sampalin si Josh. "Sir, please! Respetuhin mo naman ang desisyon 'ko!" Sigaw nito at galit na pumasok sa loob ng bahay.

"Ah! Shit!"

Pumasok agad ito at napasandal sa pader habang hawak niya ang kaniyang labi. "First kiss ko." Bulong nito at para bang gusto umiyak, nagulat ito nang marinig niya ang malakas na music, umakyat ito at narinig niya ang ingay na nagmumula sa opisina ng tatay ni Justin. Pumasok siya kaagad at nakita niya ang binata na pawis na pawis.

"Sir?" Agad siyang tumakbo at hinawakan ang pisnge.

"Congrats, Carrie! Kayo na ni Josh!" Sigaw nito at halata sakaniya na natamaan na siya ng iniinom na alak. "Ha?" Nalilitong sambit ng dalaga ngunit tumawa lang si Justin, niyakap siya nito na ikinagulat nito. "Nangako ka kay Mommy na hindi mo 'ko iiwan diba?" Tanong ng amo habang nakayakap pa rin kay Carrie, marahan niyang tinapik-tapik ang likod nito. 

"Oo naman." Sagot nito, inilagay ni Justin ang kaniyang kamay sa batok ni Carrie at dahan-dahan na dinampian ng halik, bumaba ang halik nito sa leeg ni Carrie at humiga na silang dalawa.

----

Ken's Point of View:


Sinusubukan 'kong tawagan si Carrie at tanungin 'kung nakauwi na sila. Naka-ilang contact na ako sakaniya pero wala pa rin siyang sagot. "Pst, tulog na tayo. 7:30 PM na." Sambit ni Pablo, tumango lang si Ken habang nakatingin sa kaniyang phone.

"Alam mo, ang swerte ni Carrie, kasi ikaw ang nagbabantay sakaniya. Pwede baㅡ"

"Na ano? Jowain mo ang pinsan 'ko? No way!" Singit ko at tumingin ng masama kay Pablo, hinagisan niya ako ng unan pagkasabay nang kaniyang pag-irap, aba partida napaka-chona.

"Gago, patapusin mo kasi ako!"

Tumango ako, "Pwede ba akong maging pangalawang kuya ni Carrie?" Tanong nito at naupo sa kanilang sofa.

"Ah, oo naman. Pangarap nun na magka-kuya, hindi lang siya sinuwerte kasi pinsan niya ako." Sagot naman ni Ken at masayang pumalakpak si Pablo. "Ako rin!" Singit ni Stell na ikinagulat naming dalawa. "Hayop!" Sigaw ko habang si Pablo ay napahawak sa kaniyang dibdib.

Bakit kaya niya gustong maging kuya rin ni Carrie? Ahhh!


"Ahh! Kasi rejected ka na sa pinsan ko, bwhahaha." Pangangasar ko pero batok ang kaniyang sagot saakin, daopacity. "Ulol! Babantayan natin 'yan si Carrie don sa Justin De Dios na 'yun." Sambit ni Stell, pinaalis siya ni Pablo sa sofa at nahiga.


"Ate chona." Bulong nito, narinig niya 'yun kaya sinipa siya. "Edi wow." Boom, sapol.

"Tara na nga matulog na tayo, ang ingay niyo, para kayong mag-jowa." Reklamo ko at nahiga na sa kama, what if?

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon