labing-dalawa

376 17 12
                                    

Alas-dose na nang makarating sina Carrie sa bahay nila, maraming kanto-kanto ang kanilang dadaanan at maraming tao ang kanilang nababangga. Sabay na hinawakan ni Josh at Justin ang magkabilang kamay ni Carrie kaya napatigil ito at napatingin sa dalawa, nang biglang may tumahol na aso sa tabi ni Josh.

"Takot ka pala sa aso, kasoㅡ" Nakita niyang umirap si Justin at bumitaw sa kaniya.

"I'm good with manang." Malamig niyang sabi, tumingin siya kay Josh at ngumiti. He immediately interlocked their hands.

Naghihintay ang lahat sa kanilang presenya, nakita ni Ken na paparating na ang kaniyang pinsan. "Guys, nandiyan na sila Carrie!" Sigaw ni Ken at lumabas silang tatlo, nang makalapit ang apat agad namang napatingin ang tatlo sa kamay ni Josh at Carrie.

Agad naman niya tinanggal ang kanilang kamay, lumayo naman ng konti si Josh dahil sa masama ang tingin ni Ken sa kanilang dalawa, lumipat ang kaniyang tingin kay Justin.

"Hi, manong!!" Masiglang bati ni Carrie at niyakap si Ken. "Hi, Stell. Hi, Pablo." Bati rin niya sa dalawa na nasa likod ni Ken, kumawala ito at pumasok na sila.

"Ah, hi po tita, hi po tito." Bati rin niya sa magulang ni Stell, ipinakilala rin niya ang tatlo niyang kasama. Seryosong nakatingin lang sina Stell at Pablo kay Carrie.

"Saan ang banyo dito?" Tanong ni Justin sakaniya, tumayo silang dalawa at para bang nawalan ng gana ang tatlo sa kanilang pagkain.

Binuksan niya ang pinto ng banyo at nanlaki ang mata ni Justin. "Seriously, sa ganito mo ako paiihiin?" Tanong niya kay Carrie, nakita niya kasi ang kanilang inidoro. Dahil sa maliit ang space malapit ang mukha nila sa isa't-isa.

"Sir, 'yan lang ang meron dito. Dalawang buhos ng tubig tapos, tapos na." Pagpapaliwanag nito sakaniya, hindi na nakapag-salita si Justin dahil sa nakatitig lang ito sa kaniya.

"Sir?"

"Ah, o-oo."

Kumuha ng pansit si Ken at tumabi kay Pablo at Josh, habang si Stell naman ay katabi ang kapatid niya. Pansin ni Ken na nakatingin ang tatlo sa pintuan ng CR kaya agad niyang kinalabit ang dalawa niyang katabi.

"Kain, nilalangaw na 'yung mga pagkain niyo."

Napansin nilang babalik na si Carrie sa kaniyang upuan kaya itinuon na nila ang kanilang atensyon sa pagkain. "Kanino 'yung gitara?" Tanong nito at tinuro ang gitara, agad namang tumingin si Pablo sa kaniya.

"Saakin."

"Nagi-gitara ka pala? Pwede mo ba akong turuan kung paano?" Tanong ni Carrie pagkasabay ng pag-subo ng pansit. Mabilis namang inubos ni Pablo ang kaniyang pansit. "Gusto mo ngayon na? Tapos na ako." Sambit nito at inilapag ang plato sa lababo.

"Hindi pa ako tapos."

"Susubuan nalang kita." Sambit nito at hinawakan ang kamay ni Carrie papunta sa sofa, sakto rin na lumabas na si Justin sa CR at nakita si Carrie. Masaya ito dahil sa tinuturuan siya ni Pablo mag-gitara. Umupo siya sa tabi ni Ken at inirapan lang siya ng pinsan ni Carrie.

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon