"Baka gusto mong lumibot dito sa Las Piñas?"
Nagtinginan ang dalawang mag-pinsan at tumango si Ken kay Carrie. "Ahh..." Papunta ang kaniyang tingin kay Stell na ngayo'y nawala ang kaniyang malawak na ngiti. "Sige, mabilis lang. Kasi aalis pa ako eh." Sagot ni Carrie na ikinangiti ulit ni Stell.
Pumasok ito at agad na umupo sa tabi ng dalaga, kinuha niya ang kaniyang mga damit at tinupi ng maayos.
"Dapat ganyan, hindi 'yung makalat." Sabi ni Stell habang tintupi ang damit nito. Nakatitig lang sakaniya si Carrie pero agad rin itong umiwas nang tumingin pabalik sakaniya si Stell.
"Ako na'ng bahala dito, magbihis ka na." Sambit nito at inilagay ang mga damit sa bag. "Ah... Oo hehe." Nahihiya niyang sagot at kumuha ng magkapares na damit sa maliit nitong lalagyan.
----
Habang nag-titingin sina Stell at Carrie sa shop ng mga simpleng damit ay may nabangga ito. "I'm sorryㅡ Sir?"
"Carrie? Hanggang dito ba naman ba, you're such a clumsy shit!" Sigaw nito dahil sa nahulog ang mga damit na dala-dala nito. Hindi makapag-salita si Carrie dahil sa pinupulit niya ang mga damit pambabae na dala-dala ni Justin.
"I'm sorry, Sir." Nakayuko niyang sambit habang nakalahad ang kamay upang ibigay kay Justin ang mga damit.
"Huwag ka kasing tanga-tanga!" Sigaw nito at tinulak si Carrie.
Sabay na dumating si Stell at Ken. "Hoy! Anong karapatan mong gawin sakaniya 'yun!?" Sigaw ni Ken habang hawak-hawak ang braso ni Carrie.
"Eh tanga-tanga siya!"
"Dre, umayos-ayos ka. Hindi porket may itsura ka pwede ka nang manakit ng tao!" Sigaw naman ni Stell at binitawan ang kanang braso nito at nilapitan si Justin.
Seryoso silang nakatingin sa isa't-isa, nang biglang may dumating na babae.
"Justin, is there something wrong?" Tanong nito habang naka-hawak sa kaniyang kamay. Napunta sa kaniya ang atensyon kaya agad siyang hinarap ni Justin.
"Nothing, Lexia. Nabangga ko kasi 'yung tanga 'kong katulong." Sambit nito, tumingin ito kay Carrie ng masama nang ibinalik niya ang tingin kay Alexia. "I think we should go now, babe." Sambit nito at umalis na silang dalawa.
"Tarantado, huwag ka nang tumuloy Carrie baka mamaya saktan ka no'n, nako!" Saway ni Ken sa pinsan niya, niyakap siya ni Stell habang hinihimas-himas ang buhok nito.
"Okay ka lang ba?" Tanong nito habang magkayakap pa rin silang dalawa. Yumakap pabalik si Carrie sa kaniya ng sobrang higpit. "Hoy! Hoy! Tama na yan!" Singit ni Ken at pinaghiwalay ang dalawa sa pagyayakapan.
----
Pumasok si Carrie sa bahay nila Justin at sinabihan siya ng matandang katulong na umalis na ang mga magulang ni Justin.
"Ahh, eh nasan po si Sir Justin ngayon po?" Tanong nito habang dala-dala ang kaniyang mga bagahe. "Nasa taas kasama si Ma'am Alexia, ako na ang bahala sa mga gamit mo." Sambit ni Nanay Linda, ngumiti ito at ibinigay ang bagahe sa matanda.
Umakyat si Carrie sa kwarto ni Justin, may naririnig siyang ungol mula sa kwarto nito at tinignan niya ang oras sa kaniyang relo.
"Nako, 07:12 pm na, nakakaloka naman."
BINABASA MO ANG
Maid in Love.
FanfictionCarrie Sepico Garcia, babaeng probinsyanang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral para lang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng suman at kung ano-ano pang mga kakanin. Isinabak siya ng isang sa mga anak ni Marites na maging isang katulong sa Ma...