Is this Felip Jhon Suson? Carrie Garcia is on the hospital.
"Ha, si Carrie!? Teka oo, salamatㅡ teka anong- este saang hospital iyan?" Taranta 'ko nanamang tanong pati ang dalawa 'kong kasama nataranta na 'rin.
At San Lorenzo Ruiz, General Hospital. Nahihirapan na siya huminga, pumunta na po kayo.
"Abat pupunta na talaga kami diyan!" Sigaw ko at pinatay ang phone, kinuha ko ang wallet at hindi na nagpalit ng t-shirt.
'Ano ba 'tong pinapasok mo Carrie? Masyadong malayo ang Malabon pero kakayanin ko para sayo Insan.'
FLASHBACK
"Ang tagal ng kape ko." Bulong ni Justin sakaniya atsaka isinara ang magazine na kaniyang binabasa. "Carrie! Pwede bang tawagin mo si Jen! Yung kape ko!" Sigaw nito at sumandal sa kaniyang swivel chair.
Agad na namang tumayo si Carrie at lumabas ng opisina nito. Narinig ni Jen iyon at naisipan niyang pahirapan ang dalaga kaya nag-tago muna ito.
Tumitingin ito pakaliwa't kanan at nakita niya ang room ni Jen. Pinasok niya iyon at wala naman siyang nakitang tao nang biglang nagulat siya. "Ah! Sorry po, alam niyo po ba kung nasaan si Ma'am Jen?" Tanong nito habang inosente ang mukha.
"Hindi ko alam eh, try mo sa rooftop baka nandon." Sagot naman ni Ely at binigyan siya ng ngisi. Ngising napag-utusan.
"Ahh, sige po. Salamat." Inosenteng sagot ni Carrie, hindi niya alam ang papuntang rooftop kaya agad siyang sumakay ng elevator.
Lumabas si Jen habang tumatawa, binigyan niya ng pera si Ely at agad na tumungo sa office ni Justin.
Pinindot ni Carrie ang 9th floor na button, nagsara ang pinto ng elevator, ilang segundo pa't nawalan ng ilaw at para bang lumindol sa loob nito.
"Hala, sir! Tulong! Tulong!" Sigaw nito at hindi niya alam ang kaniyang gagawin, kinuha niya ang kaniyang phone at pinindot ang flashlight. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin at pinangungunahan na rin siya ng takot at kaba kaya sumikip ang kaniyang dibdib.
Kinapa-kapa niya ang bulsa ngunit naalala niyang hindi niya naidala ang kaniyang inhaler.
Habang hirap sa pag-hinga aksidente niyang napindot ang emergency button. "Ka-ka-kalma, Ca-carrie." Bulong nito at pilit na ikinakalma ang sarili.
Ilang minuto siyang naghintay at pilit niyang ipinapa-kalma ang kaniyang sarili hanggang sa bumukas ang elevator at maraming taong naka-abang sa kaniya kabilang na rin si Justin.
"Carrie?" Nag-aalala niyang sambit at agad siyang kinuha. "Bakit hindi kayo tumawag ng ambulansya?!" Sigaw pa nito at binuhat ang dalaga na ngayo'y wala nang malay.
END OF FLASHBACK
BINABASA MO ANG
Maid in Love.
FanfictionCarrie Sepico Garcia, babaeng probinsyanang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral para lang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng suman at kung ano-ano pang mga kakanin. Isinabak siya ng isang sa mga anak ni Marites na maging isang katulong sa Ma...