Sumapit ang linggo at maraming taong nag-iingay, mga batang nag-lalaro at bumibili ng mga sisiw.
"Hi po tita Mylene, ako na po diyan." Sabi ni Ken at tinulungan ang nanay ni Stell sa pagbuhat ng mga prutas. "Hoy Ken! May sisiw dito, arat!" Sigaw ni Pablo at nakikipag-agawan sa mga sisiw, agad namang pumunta si Ken doon at tilang sabik na sabik na makakuha ng sisiw.
"Ang cute para ako!" Sigaw niya habang pumapalakpak.
Habang nag-aayos ng hapagkainan sila Stell napansin naman niya ang dalawa. Tumitingin-tingin siya sa paligid at baka dumating si Carrie.
----
Lumabas ng kwarto sina Manang Linda at Carrie na may ngiti sa kanilang mga labi habang nagkwe-kwentuhan, narinig nilang nagsara ang pintuan sa itaas kaya agad silang napatingin doon. Naka-blue hawaiian over loose long sleeve along with his dirty white pants, naka-suot din ito ng white rubber shoes.
Tinignan siya ni Carrie mula ulo hanggang paa na ipinagtaka ni Justin. "Is there any problem?"
"Yes, Sir. Bakit ka naka-white rubber shoes at dirty white pants? Baka madumihan iyan." Reklamo nito habang naka-kibit balikat, itinaas ni Justin ang kaniyang kilay.
"I'm the boss here, wala kang pakialam kung ano ang susuotin ko. Tara na, Manang." Sagot nito at naunang lumabas ng bahay. Bubuksan na ni Manang Linda ang gate nang lumitaw si Josh sa kaniyang harapan. "Hi po, Manang. Nasaan po si Justin?" Tanong nito habang nakalagay ang kamay sa likod.
"Ahh, aalis kasi kamiㅡ" hindi naitapos ni Manang Linda ang kaniyang sasabihin nang sumingit si Justin. "Josh?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito at pinuntahan siya. "Wala kasi akong magawa sa bahay. Tsaka, saan kayo pupunta?" Tanong nito habang hawak-hawak ang susi ng kotse.
"Ah, sa Las Piñas kasi birthdayㅡ"
"May fiesta doon." Singit ni Carrie at bumati na rin kay Josh. "Pwede bang sumama?" Tanong nito habang nakangiti, nakatalikod si Justin kay Carrie kaya hindi niya nakitang nakakunot ang kaniyang noo na para bang ayaw niyang isama si Josh.
"Sige!" Masayang sambit ni Carrie, humarap si Justin sa kaniya na seryoso at pumasok na sa kotse.
Umupo si Manang Linda sa passenger seat samantalang magkatabi si Carrie at Josh sa likod. Nagmaneho na si Justin at tumitingin siya sa salamin para tignan ang ginagawa ng dalawa.
Wala siya sa concentration, hindi rin niya alam na may dadaan na motor. "Justin!" Sigaw ni Manang Linda, agad naman napa-preno ito at buti nalang naka-seat belt silang dalawa ni Manang Linda.
"Manang, ayos lang po ba kayo?" Tanong nito, tumingin naman sakaniya ang dalawang nasa likod. "Are you okay, Jah?" Tanong ni Josh at para bang hindi na nakasalita si Justin dahil sa nangyari.
"Sir Josh, pwede bang ikaw muna ang mag-maneho?" Tanong ni Carrie kay Josh habang nakahawak kay Justin, ramdam niya ang pagkanginig nito.
"Ha? S-s-sure." Sagot nito at parang ayaw niyang pumunta sa driver seat. "Tara dito Sir Justin." Sabi ni Carrie at naupo na ng maayos. Lumabas na silang dalawa at inalalayan ni Josh si Justin papasok sa kotse.
Nakatulala lang ito't nanginginig pa rin, hinawakan ni Carrie ang kaniyang kamay at sinenyasan na ilagay ang ulo sa kaniyang balikat.
She gently rubbing his palm. "Shh, ang mahalaga okay tayo." Bulong nito at tinap ang pisnge nito. Ilang oras ang kanilang pag-lalakbay at nakita ni Josh na tulog na ang kaniyang mga kasama.
Nakita niya kung paano ang posisyon ng dalawa sa likod, kaya hindi niya mapigilang mag-selos.
![](https://img.wattpad.com/cover/279139461-288-k57144.jpg)
BINABASA MO ANG
Maid in Love.
FanfictionCarrie Sepico Garcia, babaeng probinsyanang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral para lang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng suman at kung ano-ano pang mga kakanin. Isinabak siya ng isang sa mga anak ni Marites na maging isang katulong sa Ma...