ikaapat

390 19 6
                                    

'Hay naku, Jah. Kailan ka kaya mag babago?'

Habang nag-huhugas ng mga plato si Carrie bigla siyang tinawag ng mama ni Justin. "Carrie, itanong ko lang kung ayos ka lang ba dito?" She asked as she repositioned her reading glass.

"Ah, opo naman po." Sagot nito habang may ngiti sa kaniyang labi.

"Buti naman. Kailangan kasi namin na pumunta ng america for some bussiness, isasama namin si Yani. Kayo lang maiiwan dito dalawa." Mahabang sambit nito at tumayo, magsasalita sana siya nang biglang sumingit si Justin.

"What!? Pwede naman akong sumama sainyo, Ma eh." Sigaw nito habang naka-bulsa ang kaniyang dalawang kamay.

"Anak, hindi pwede. May sarili kang kompanya na kailangan mong pagtuunan ng pansin." Sabi nito at hinawakan ang mag-kabilang pisnge ng kaniyang anak habang nakabusangot.

"Just stay with her. Kami nang bahala." Dagdag pa pagkasabay ng kaniyang pag-ngiti. He just glared at Carrie, she nervously gulped because of Justin's badly staring at her.

"Be friendly, Jah." Singit ni Yani habang naka-sandal sa pader kaya nailipat ni Justin ang kaniyang tingin sa kaniyang kuya.

"Friendly? Bilang katulong dapat mo sundin ang inuutos ko. Get it?" Sambit nito at tumingin ulit kay Carrie ng seryoso. "O-opo, sir." Sagot nito habang nasa likod ang kaniyang kamay.

"Good."

But then suddenly someone entered the house. "Yow, Jah!" Sigaw ni Josh at nakipag-apir.

"Hi po, tita! Hi, bro!" Bati nito sa nanay at kuya ni Justin, nakangiti naman silang kumaway kay Josh. Napunta ang atensyon nito kay Carrie na tahimik na nakatayo sa kanilang harapan ngayon.

"Who is she?"

"She's Carrie, my maid."

"Oh, nice to meet you Carrie." He handed his hand infront of her. Hinawakan niya iyon at itinaas-baba, "Nice to meet you din poㅡ?"

"I'm Josh."

"Sir Josh." Kinabahan itong ngumiti at ibinawi ang kamay kay Josh. He gave her a sweetest smiles he ever had.

"Introduction's over. Go back to your work." Singit ni Justin at pumagitna sa dalawa. Agad namang umalis si Carrie at pumunta na muli ng kusina.

"Hindi mo sinabing maganda ang katulong mo."

----

Kumatok si Carrie sa pintuan ng kanilang paupahan, binuksan ito ni Ken na ikinagulat niya. "Oh! Kamusta ang trabaho?"

"Ayos lang naman, manong." Sagot nito at agad na kinuha ang isang malaking bag. "Ahh- teka nga! Saan mo dadalhin 'yang mga gamit mo?" Tanong ni Ken habang naka-kunot ang kaniyang noo.


"Masyadong malayo ang Las Piñas sa Malabon, manong. Naka-usap ko na 'ring yung amo ko na doon muna ako matutulog." Paliwanag ni Carrie at kinuha ng mga damit sa drawer.

"Buang ka ba? Ang sabi ni tita, dito ka lang at babantayan kita." Sabi ni Ken at tinulungan ang kaniyang pinsan na mag-ayos ng mga gamit nito.

"Manong, kaya ko naman pumunta doon ng mag-isa, tsaka hindi naman ako gagala noh. Tsaka yung magulang ni Sir Justin eh aalis, wala siyang kasama doon."

Tumango nalang si Ken at kinuha ang kaniyang isang phone. "Tawagan mo 'ko kung kinakailangan." Sabi nito at tinanggap ni Carrie ang kaniyang phone, niyakap siya nito na ikinangiti naman ni Ken.


"Alam mo manong, the best ka talaga." Sabi nito, kinotongan siya nito at inirapan.

"Sus, nang bola pa."

Napatigil ang dalawa dahil sa may biglang kumatok sa kanilang kwarto at binuksan iyon ni Ken.

"Hi, Ken!" Bati ni Stell, ramdam niyang may tao pa sa likod ni Ken kaya sumilip ito.

"Hi, Carrie!" Bati rin nito at binigyan niya ng malawak na ngiti.

"Baka gusto mong lumibot dito sa Las Piñas?"

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon