Isang linggo ang lumipas at nalaman nilang hindi kay Justin ang dinadala ni Jen, alam rin nilang malungkot ang secretary ni Justin. Hindi alam ni Ken na may relasyon na ang kaniyang pinsan sa amo nito, mahigit magda-dalawang linggo na rin hindi umuuwi si Carrie sa Las Piñas.
Kaya kung minsan ay nag-aalala ito.
Habang nagha-handa ang dalaga ng almusal ay nagulat ito nang biglang may yumakap sakaniya patalikod. "Jah, ikaw talaga!" Mahinang sigaw nito at hinampas ang kamay nitong nakapulupot sa kaniyang bewang.
"Huwag ka ngang ganyan, baka makita tayo ni manang." Bulong ni Carrie ngunit naramdam niyang inilagay ni Justin ang kaniyang ulo sa balikat ng dalaga. "Wala pa naman si Manang ah." Bulong na sagot ni Justin pagkasabay ng pag-halik nito sa pisnge. "Tumigil-tigil ka nga de Dios." Inis na sambit nito at kumawala sa pagkayakap ng binata.
Nang biglang lumabas na ng kwarto si Manang Linda. "Ay nako, mga bata nga naman." Sabi nito at tinulungan si Carrie sa pag-dala ng mga pagkain sa mesa. "Manang, Love, sabay na kayo saakin." Utos ni Justin, nagkatinginan sina Manang Linda at Carrie pagkasabay ng kanilang pagtango.
Habang kumakain ay biglang hinawakan ni Carrie ang kamay ni Justin. "Jah, what if sabihin na natin kila Manong?"
"Baka masapak ako ng, manong mo. Ayaw niya saakin, love. Please, itago muna natinㅡ"
"Hanggang kailan nalang ba natin itatago 'to kay manong? Kung kailan pag nahuli na tayo!?" Inis na tanong nito, magsasalita na sana ito nang biglang tumayo, "Manang, excuse me lang po." Tumango lang ang matanda at ipinag-patuloy ang pagkain.
Tumungo si Carrie sa kwarto nila ni Manang Linda, maya-maya pa ay binuksan ni Justin ang pinto, nakita niya ang kaniyang kasintahan na nakahiga kaya agad niya itong nilapitan at niyakap.
"Sasabihin natin, not now, maybe soon. Okay?" Ramdam niya ang dahan-dahan na pagtango nito. "But! Punta tayo bukas!" Masayang sambit ni Carrie, umiling si Justin. "Why?"
"May trabaho ako bukas. Babawi nalang ako, Love. Hindi naman kita pipigilan kung gusto mo talaga pumunta."
"Oo naman, thank you, I love you." Masayang sambit nito at hinalikan si Justin sa pisnge, tumayo na sila at pumunta ng dining table para kumain na muli.
----
Ken's Point of View:
Habang nanonood kaming tatlo nina Pablo at Stell sa tv ay may biglang kumatok sa pinto. Ako na ang tumayo't binuksan, nagulat ako dahil si Carrie ang nakita 'ko.
"Insan!"
"Manong!"
Napatingin ako sa kaniyang likod, "Himala. Wala ang boss mong akala mo naman Diyos."
"Manong, h'wag ka na ngang ganyan. Tara na, nagugutom ako." Sabi nito't hinila na si Ken papasok sa loob ng bahay. "Hi, kuyas!" Bati niya sa dalawa, agad namang tumayo ang dalawa at niyakap ang pinsan 'ko.
"Na-miss ka namin! Halos dalawang linggong hindi ka napadpad dito." Sabi ni Stell, kinuha naman ni Pablo ang kaniyang shoulder bag at inilagay sa sofa. "Anong gusto mong kainin?" Tanong ni Pablo, tumingin sa kaniya si Carrie at nag-isip.
"Gusto ko ng santol, mansanas, at mangga, yung hilaw." Suggest nito at nagpa-cute sa harap namin. Kinalabit ko siya. "Hoy, walang santol dito, tsaka bakit puro prutas ang gusto mo?"
"Eh, pake mo ba?" Sagot nito, muntik ko na siya masapak buti nalang pinigilan ako ng dalawa. "Sige, bibilhan ka naming tatlo. Dito ka lang." Sabi ni Stell at ginulo ang kaniyang buhok, hinampas niya ang kamay nito't inirapan.
Magkapatid ba sila ni Pablo?
Nandito na kami sa palengke at ilagaga kaming naghahanap ng gusto ni Carrie, nakahanap na si Pablo ng mangga, nakahanap na rin si Stell ng mansanas. Samantala ako, wala akong nakita kahit kapiranggot ng santol. Kahit balat, wala.
"Hayop, bakit wala pa akong nahahanap na santol!?" Reklamo ko at kunwari akong naiiyak, pero deep inside naiiyak talaga ako. "Hays, hirap noh?" Tanong saakin ng dalawa.
"Yabang." Seryoso 'kong sambit. "Teka nga! Bakit ba siya nagpapabili ng mga ganito?" Dagdag ko pang tanong sa kanilang dalawa, kinuha ni Pablo ang kaniyang phone.
"I think she's pregnant." Napatingin kaming tatlo sa isa't-isa at tila bang gusto nilang suntukin si Carrie kahit na babae siya.
"Paano!?"
"How!?
"How-how, dekarabaw." Nabatukan ako ng dalawa 'kong katabi at sinamaan ako ng tingin, nag-peace sign ako sakanilang dalawa habang hawak-hawak ang aking ulo.
"Tara na, baka makakita tayo ng ligaw na santol." Sambit ni Stell at nagsimula na kaming maglakad.
Huwag mong ipaalam saakin na buntis ka, mapapatay 'ko ang tatay niyan.
Nang maka-uwi kami ay nadatnan namin na tulog si Carrie sa sofa, agad ko siyang nilapitan at tinignan kung may kakaiba sa kaniyang pangangatawan. Nilagay ko ang dalawa kong daliri sa gilid ng leeg niya para tignan kung mabilis ang pintig ng puso nito, hinawakan ko rin ang tiyan niya.
Nagtatakang tumingin sa akin ang dalawa, "Anong meron?
"Confirmed, buntis siya."
BINABASA MO ANG
Maid in Love.
FanfictionCarrie Sepico Garcia, babaeng probinsyanang hindi nakapag-tapos ng pag-aaral para lang tulungan ang kaniyang nanay sa pagtitinda ng suman at kung ano-ano pang mga kakanin. Isinabak siya ng isang sa mga anak ni Marites na maging isang katulong sa Ma...