ikasiyam

391 17 24
                                    

Ken's Point of View:

"Papasok na ulit ako bukas, manong."

"Ha?!" Sigaw ko at napatayo dahil sa sinabi ni Carrie. "Ikaw ba ay gusto mo pang mabuhay?" Tanong ko sakaniya, nakatingin lang saamin ang dalawa kong kasama.

"Oo naman po."

"Oh edi mag-resign ka na sa trabaho mo." Sabi ko habang naka-kibit balikat, nakita ko namang nalungkot ang kaniyang mukha. "Pero manong, 'yun nalang ang maitutulong ko kay Nanayㅡ."

"Oo na oo na, basta pag ikaw nasaktan nanaman ng de Dios na 'yun, mag-resign ka na don ah." Sambit ko para mapatigil siya sa kaniyang sinabi.

Sumaya ang kaniyang itsura at niyakap ko siya. Tumayo si Pablo at Stell at nakiyakap saaming dalawa. "Teka-teka, bakit kayo nakikiyakap?" Tanong ko sakanila at kumawala ang dalawa.

"Na-touch lang ako." Sambit ni Pablo habang nakangiti, tumango nalang ako.

Nakita 'kong tumingin si Stell kay Carrie at hinawakan ang kaniyang kamay. "Kung may mga pangangailangan ka, sabihan mo ako ha." Bulong nito at hinawakan ang pisnge ni Carrie, tinignan ko ang pinsan 'kong namumula.

"Hoy! Tara na uwi na tayo, okay ka naman na eh." Sabi ko at kinuha ang maliit niyang bag.

----

Justin's Point of View:

Habang nag-ta-type ako sa aking laptop ay biglang nag-pop up ang call ni Mommy, agad ko itong sinagot.

Justin, ano 'tong nabalitaan naming may nangyari sainyo ni Jen?

"Po? Hindi, walang nangyari samin."

Jah, magsabi ka ng totoo.

Napaiwas ako ng tingin. "We're just maked out." Sabi ko at tumingin muli sa camera.

Magsabi ka saakin kung gusto mo siya, okay? Need to end this call, bye na nak, ingat kayo diyan.

Hindi man lang ako nakapag-paalam kay Mommy, and first of all hindi ko gusto si Jen. Hindi siya yung type ko na katulad ni Rose.

Si Rose ang babaeng nagpa-tibok ng puso ko, but everything changed. Hindi ko naman inaasahan na biglang babago ang ihip ng hangin at nag-loko siya saakin. Hindi na siguro ako maghahanap muli ng babaeng mamahalin 'ko.


Kinabukasan, hindi ako papasok ng opisina dahil sa nandito naman ang mga papeles na kailangan 'kong pirmahan. Umupo ako sa dining table namin at kinuha ang laptop. Ala-syete palang ng umaga at alam 'kong tulog pa si Manang Linda.


I'm peacefully signing all of my papers but someone opened the main door.

Nagtaka akong tumayo at pumunta sa main door, nakita ko si Carrie na may dala-dalang plastik. "Oh, akala ko ba hindi ka na papasok?" Tanong ko sakaniya, tumingin lang siya saakin at agad na umiwas.

"Ah Sir, ano pong nangyari sa labi niyo?" Tanong niya saakin. Tanungan Show na ba 'to?

"Ito?" Tinuro ko ang pumutok 'kong magandang labi at sinamaan siya ng tingin. "Gawa 'to ng pinsan mong akala mo naman may pinag-aralan!" Sigaw ko sakaniya, huminga siya ng malalim at galit rin niya akong tinignan.

"Ganyan ka ba talaga sa mga taong gustong mapalapit sayo? Ang taas ng pride mo noh, porket may pinag-aralan ka at may kompanya ka ang taas-taas na ng tingin mo, kaya kaming mga mahihirap minamaliit mo!" Sigaw niya saakin, alam 'kong natamaan ako sa mga sinabi niya.

I felt so guilty.

"Alam mo sir, ayaw ko na, give up na ako, aalis na ako. I'm quit." Sabi niya at tumalikod na, pipigilan ko sana siya nang humarap siya muli saakin at binigay ang plastik na hawak-hawak niya kanina.

"Tamales Sir, para kahit papaano mawala 'yang inis mo!"

Maid in Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon