"Take care of yourself," sambit ni Margaux.
Today is the day, aalis na si Aurea. Hindi pa kami sigurado kung saan siya pupunta, pero sigurado na kami kung ano ang kailangan niyang gawin, at mahirap iyon lalo na dahil mag isa siya.
"Update us if you have free time," dagdag naman ni Millicent.
Tumango si Aurea at inayos na ang mga dadalhin niya.
"Don't worry, I won't die." sagot niya lang.
Inayos niya ang kaniyang salamin, nilagay niya rin sa bulsa niya ang kaniyang sigarilyo.
Kung ako ang papapiliin, mas gugustuhin kong samahan siya o kaya naman ay may isa sa 'min ang sasama sa kaniya. Mahirap umalis ng mag isa.
Nag aalala ako para sa kaniya, mas nasa panganib ang buhay niya dahil mag isa lang siya samantalang tatlo kami.
Kahit gusto namin siyang samahan ay hindi pwede.
Hinatid namin siya hanggang sa labas ng hotel, naroon na kasi ang sundo niya.
Nang makarating kami sa labas ay naroon ang isang itim na sasakyan, may mga tauhan roon. Iyon na siguro ang naghihintay sa kaniya.
Bago tuluyang umalis ay lumingon ulit siya sa'min. Simbolo na magpapaalam na siya.
"Ayos ka lang ba talaga na mag isa? Pwede mo namang sabihin kay Aleli na kailangan mo ng kasama."
Dahil sa sinabi ko ay dahan dahan siyang lumapit sa'kin. She hugged me. Mas lalo lang akong nag aalala dahil doon.
Ayos lang ba talaga 'to sa kaniya? Mahihirapan siya kasi mag isa lang siya.
After she hugged me, tinapik niya ang balikat ko.
"I can do it, don't worry."
"Pero kasi—"
"I'm a police woman with a criminal mind. I'm fine, really."
Tumango na lang ako, she can do it. Alam kong kahit delikado, kahit mahirap ay kaya niyang gawin iyon.
Millicent and Margaux tapped Aurea's shoulder.
"Kung kailangan mo ng tulong andito lang kami, you can contact us anytime. Huwag mong solohin kung hindi mo na kaya."
Iyon ang huling sinabi ni Millicent kay Aurea.
Aurea smiled.
Nakangiti siya pero alam ko na hindi siya masaya. Sa lahat ng andito mas alam ko ang mga ngiti na iyan dahil kahit ako ay gawain iyan.
Hindi siya ngumingiti basta basta kaya alam kong kapag ngumiti siya ay may iba siyang nararamdaman.
Tumalikod na siya at unti unting lumapit sa sasakyan na naghihintay sa kaniya. I want her to turn around but she didn't. Tuloy tuloy lang ang paglalakad niya, noong nasa harap na siya ng sasakyan ay dere-deretso lang ang pagpasok niya.
If I were in her shoes, hindi rin ako lilingon.
Hindi ako lilingon dahil baka hindi ko kayaning umalis, hindi ako lilingon dahil baka makita nila ang lungkot sa mga mata ko.
Kahit sino naman siguro sa 'tin hindi gustong iwan ang mga taong nakasanayan na nating kasama.
Margaux sighed. Tuluyan nang nakaalis ang sasakyan at wala na ito sa harap namin.
Kung kanina ay unti unti itong nawawala sa liwanag na galing sa mga kotse, liwanag dahil sa street lights, ngayon naman ay wala na talaga ito sa paningin namin.
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomantikLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...