Chapter 23

10 3 0
                                    

Wala akong ganang lumabas ng kwarto. Ilang araw na akong nagmumokmok dito. Lumalabas lang ako kapag kakain.

Margaux and Millicent tried to talk to me pero hindi ko sila pinapansin.

Fresh pa rin sa utak ko ang nangyari sa Malaysia. Noong nalaman ko ang lahat ay wala akong ibang naramdaman kundi galit.

Isang katok sa labas ng kwarto ko ang narinig ko. Lumapit ako roon upang pagbuksan.

Naabutan ko sa labas si Margaux na nakatayo roon.

"Hindi pa rin nagpaparamdam si Aleli, what should we do?" tanong niya.

Umiling ako. To be honest, hindi ko rin alam. Hindi ko rin alam kung ano ang susunod kong gagawin.

"Hintayin na lang natin kung kailan siya magpaparamdam, kailangan ko pa siyang tanungin kung ano ang gagawin ko."

Kaya ko namang gumawa ng susunod na plano ngunit gusto ko pa rin kumonsulta kay Aleli.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako at naglakad papasok sa loob habang naiwang bukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ayos lang ako, ayos lang," sagot ko.

Nilingon ko si Margaux na nakaupo na ngayon sa kama ko. She's examining my expression.

"If you need someone to talk to, andito lang ako."

Tumango ako.

Alam ko naman na andiyan sila lagi para sa 'kin.

"I need to go," paalam niya.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Naalala ko na naman ang nangyari sa Malaysia. Hindi iyon mawaglit sa utak ko.

"I'll let you feel my pain, Connor..."

Pinigilan kong tumulo ang luha sa 'king mga mata. Hindi ngayon, hindi sa harap niya.

Kita ko ang takot sa mga mata niya. Tama iyan, matakot ka talaga. Pagsisisihan mo kung bakit ginawa mo sa 'kin ito.

"Mildred... put your gun down, let's talk about it."

Sinubukan niyang humakbang ngunit tinutukan siya ng baril ni Margaux at Millicent.

The way his eyes looked at me, it's pleading. Pleading for what Connor? For peace? Huli na ang lahat.

Ayoko nang magpakatanga. Ayoko na, sawa na ako.

"Mika, mali ang narinig mo. Let us explain—"

I cut Rhys words.

"Isa ka pa! Don't go near me, don't call me Mika. Wala kang karapatan pa na tawagin akong ganiyan!"

Binaling ko ulit ang paningin ko kay Connor. I laughed sarcastically with a visible pain in it.

"Bakit ko nga ba kayo pinagkatiwalaan? Sana pala una pa lang hindi ko na kayo hinayaang lumapit sa buhay ko. Especially you, Connor," turo ko sa kaniya gamit ang baril na hawak ko.

Kita ko ang sakit na dumaloy sa mga mata niya ngunit balewala na iyon sa 'kin. Wala akong naramdamang awa o kung ano pa man. That's right, ganiyan nga.

"Feel my pain, Connor."

Umiling siya at sinubukan ulit akong lapitan. Isang hakbang niya pa lang ay kinalabit ko ang gatilyo ng baril ko at tumama iyon malapit sa paa niya.

Nanlalaki ang matang napatingin siya sa 'kin.

Umiling siya. "Mildred, please... don't do this."

Mildred (La Equipé Series 1)Where stories live. Discover now