Chapter 9

32 12 3
                                    

Suot ko ang isang eleganteng dress na hapit na hapit ang katawan ko. May slit iyon sa kanang bahagi ng aking hita. Above the knee at may malalim na neckline.

Kung malaki ang boobs ko ay paniguradong nakakahiya itong susuotin dahil panigurado ay kitang kita, mabuti na lang at hindi naman kalakihan ang aking boobs. Sakto lang. Hindi ito flat at hindi rin naman malaki.

"Take care, don't drink too much. Virginity is cool, remain pure." Margaux said bago ako umalis.

Gusto ko pa sana siyang tanungin kung anong ibig niyang sabihin roon ngunit hindi ko na nagawa dahil baka umusok na naman ang ilong ni Connor dahil lang pinaghintay ko siya. May pumuntang bellboy dito kanina at sinabing sa lobby na lang maghihintay si Connor sa'kin.

As he said, naroon nga siya sa lobby at naghihintay sa'kin. He's wearing a black tuxedo with a black necktie. Nang makitang papalapit na ako ay tumayo na rin at naglakad papalapit sa'kin. Kahit talaga anong damit ang suotin niya, halata pa rin ang pagiging mayabang niya.

Hinagod niya ng tingin ang buong katawan ko. "Not bad, you look like a woman now." isang papuri na may kasamang pang iinsultong bungad niya sa'kin.

Hindi ko ugaling gumanti ngunit katulad ng ginawa niya ay hinagod ko rin siya ng tingin.

Tiningnan ko siya sa mata at nakipagsukatan naman siya ng tingin sa'kin. "Kahit anong suotin mo, mukha ka pa ring demonyo."

Ngumiti siya. "Do you wanna go to hell with me?" tanong niya.

Hindi ako maarte pero napairap na lang ako sa kaniya.

"Hindi ako nababagay doon," sagot ko.

"Really? You're not? Are you sure?"

Natahimik ako dahil sa sinabi niya. He's right, doon talaga ako nababagay.

Nahalata niya na natahimik ako kaya nagsalita siya ulit.

"I can take you to heaven, though." Mabilis na lumapat ang kamay ko sa tiyan niya dahil sa sinabi niya. Seryoso pa rin ang mukha niya ngunit kita ko ang pang aasar doon.

Inignora ko na lang ang matigas na bagay na nahawakan ko.

Nauna na akong maglakad sa kaniya. "Tara na nga, kung wala lang talaga akong utang na loob sa'yo hindi talaga ako sasama."

"I doubt that," sagot niya na nakasunod na rin sa'kin.

Walang imik kami pareho sa loob ng sasakyan. Hindi dahil sa ayaw kong magsalita kundi dahil sa tanong niya kanina. Yeah, I know I'm a sinner. I killed someone at kung tutuusin mas demonyo pa akong maituturing kesa sa kaniya.

Hindi na rin naman siya nagsalita nang makitang tahimik ako kaya hanggang sa makarating kami sa isang five star hotel ay walang nagsasalita sa'min.

Ideas came into my mind pero isinawalang bahala ko na lang iyon. Hindi kaya dahil andito kami sa hotel upang hingin ang isa sa mga importante sa'kin? No way! Kaya ba nasabi sa'kin ni Margaux iyon kanina?

I can take care of myself whatever happens.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, gentleman din naman pala siya, konti.

Ang mga tanong sa isipan ko kanina ay biglang nawala at nakahinga ako ng maluwag nang makitang maraming mga bisita ang dumadating at halos lahat sila ay sobrang elegante sa suot nila. Nanliit ako bigla sa sarili ko, gusto ko na lang biglang umalis dahil pakiramdam ko ay hindi ako bagay dito.

Napahinto rin si Connor nang makitang huminto ako saglit. "What's wrong?" tanong niya.

Umiling ako at lumunok bago nagpatuloy sa paglalakad. Nasa likuran ko siya. Nang makalapit kami sa entrance ng hote ay nagulat ako dahil may bigla humawak sa likod ko. Handa na akong saktan kung sino man ang humawak sa'kin ngunit nang makitang si Connor 'yon ay kumalma ako.

Mildred (La Equipé Series 1)Where stories live. Discover now