Anong ibig sabihin nito? Nagbibiro lang ba si Aleli? Pinagtitripan niya lang ba ako?
Gulat pa rin akong nakatingin sa email na pinadala ni Aleli.
"Connor and Rhys were not your enemy, they're on our side."
Paano nangyari iyon? Narinig ko mismo, narinig ko mismo sa lalaking nagngangalang Casper at narinig ko rin ang pag uusap ni Connor at Rhys.
Paanong mali ako? Guni guni lang ba ang lahat ng iyon? Am I hallucinating?
Paano nangyari iyon?
"Pero... narinig ko mismo, narinig niyo 'di ba?" baling ko kay Margaux at Millicent.
Tumango sila, bakas din sa mukha nila ang gulat at tulad ko ay hindi rin sila makapaniwala.
"Pero... paanong?" I can't believe it.
Hangga't walang paliwanag si Aleli kung paano niya nasabi ang ganoong bagay ay hindi ko muna iisipin ang lahat ng iyon.
"You misunderstood everything, Mildred," sambit bigla ni Boss D na nakatingin na sa 'kin ngayon.
I misunderstood everything? How could I misunderstood everything?
"Pero narinig ko mismo 'yong sinabi ni Casper, 'yong pag uusap ni Connor at Rhys, narinig ko lahat ng iyon at narinig din nila. Nakita mismo ng dalawang mata ko na sila ang nag uusap kaya paanong misunderstood?" tanong ko.
Umayos ng upo si Boss D at tinitigan ako ng mabuti. He's weighing my expression.
"Hindi lahat ng nakikita at naririnig natin ay iyon na ang totoo. Minsan kailangan mong iwaglit ang pinaniniwalaan mo at subukang kausapin ang taong mas may alam ng totoo kaysa sa 'yo."
I can't understand. Kailangan kong makausap si Aleli.
"Mildred listen, you need to understand na hindi lahat ng theories natin sa utak ay totoo. Just like Margaux, pinaghinalaan ako at inakala niyang ako ang nagpapadala ng kung ano ano sa 'yo dahil lang nawala ako bigla."
Dahil sa sinabi niya ay napayuko si Margaux. Naaalala ko iyon, pinaghinalaan nga siya ni Margaux.
Ngumiti si Boss D. "Pero andito ako ngayon at pinapatunayan lang noon na mali siya ng theories."
Pansin ko ang pagiging awkward ng atmosphere dahil sa sinabi ni Boss D. Alam kong nahihiya sa kaniya si Margaux ngayon dahil sa nangyari.
"Ito naman si Boss D hindi mabiro, it was just a joke 'no," bawi ni Margaux.
Napairap naman si Millicent dahil sa sinabi ni Margaux. "Ayan, dami kasing theories, feeling magaling."
Humalakhak lang si Boss D dahil doon.
"Wala na iyon sa 'kin, kalimutan na natin ang nakaraan and let's face the future."
Hindi ko ata kaya ang sinasabi ni Boss D, ang nakaraan ko ay sobrang hirap kalimutan. Kung hindi dahil doon ay baka wala ako rito ngayon, hindi ako si Mildred ngayon kung kinalimutan ko ang nakaraan ko.
Iwinaglit ko sa isipan ang lahat ng nalaman ko ngayong araw. Kailangan kong ipayapa ang sarili ko.
Ang lahat ng tanong sa isipan ko ay pinahinga ko na lang. I need to refresh my mind. Saka ko na lang iisipin ang mga iyon kapag ayos na ang pakiramdam ko. Kapag handa na akong malaman ang mga dahilan at kung paano iyon nangyari.
Noong tanghalian na ay bumaba na ako. Ako ang magluluto ngayon dahil baka mamaya kung ano na naman ang lutuin ni Margaux at baka pati ang buong mansyon ni Aleli ay masunog niya pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/272215631-288-k116066.jpg)
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomanceLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...