"Bakit ang tagal niyo? Nasa pool na sila," salubong sa 'min ni Aurea.
"May konting aberya lang," sagot ko at tumango lang siya.
Dumeretso siya sa fridge at kumuha ng tubig. Kami naman ni Margaux ay nilagay na ang mga pinamili.
Naglakad na pabalik si Aurea papunta sa pool at hindi sinasadyang sinundan ko siya ng tingin. Napahinto siya sa may pinto dahil nasa hamba ng pinto si Millicent. Nginitian siya ni Millicent at tango lang ang ginanti niya.
Minsan nagtataka ako kung bakit bihira lang siyang ngumiti. May bayad ba ang ngiti para sa kaniya o masyado lang talagang malaki ang problema niya na kahit simpleng ngiti ay hindi niya magawa.
Napaiwas ako ng tingin nang makitang nakatingin din sa 'kin si Millicent.
"Tara na, let's celebrate!" sigaw nito "Bakit nga pala ang tagal niyo?" dagdag niya pa.
Hindi na ako sumagot dahil alam kong si Margaux naman ang sasagot at tama nga ako, siya ang sumagot sa tanong ni Millicent.
"May gustong makipagkilala kay Mildred pero hindi niya naman ata gustong makipagkilala. She even thanked me dahil dumating ako agad. You knew her, parang takot sa tao, especially to a stranger."
Dahil sa sinabi ni Margaux ay napatingin sa 'kin si Millicent na para bang nagtatanong kung totoo ang sinasabi nito. Nagkibit balikat lang ako at iniwan na sila sa loob upang sumunod kay Aurea na nasa pool kasama si Boss D.
Si Boss D lang ata ang nag eenjoy sa paglangoy simula pa kanina. Hindi naman kasi pwedeng lumangoy si Aurea. Si Margaux naman ay hindi pa sumusunod dito, mukhang may inaasikaso pa siya.
Nakaupo lang ako at nakalubog ang mga paa sa tubig. Pinagmamasdan ang mga tao na nasa paligid ko.
"Pistanthrophobia..."
Napalingon ako dahil kay Millicent. Nagulat ako dahil bigla na lang itong nagsalita. Umupo siya sa tabi ko at nilubog din ang kanyang mga paa pagkatapos ay lumingon siya sa 'kin.
"You have a phobia and it's Pistanthrophobia," sabi niya.
Wala naman akong alam kung ano 'yong mga phobia na iyan kaya nagtatakang tiningnan ko siya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"I've been watching and observing you since I came here. Pistanthrophobia is the fear of trusting people due to bad past experience."
Napalunok ako dahil sa sinabi niya at umiwas ng tingin.
"Pain changes people, it makes them trust less," sagot ko naman habang nakatingin sa kabila kung saan naroon na si Margaux at Aurea kasama si Boss D. "Trust gets you killed," dagdag ko pa.
Dahil sa sinabi ko ay siya naman ngayon ang napalingon sa 'kin. Hindi na siya nagsalita at binigay na lang sa 'kin ang dala niyang beer. Hindi ko napansin na may dala siyang beer nang lumapit siya at tumabi sa 'kin kanina.
"I do not know your past but let me say this to you. Yeah, the past can hurt, but you can either run from it , or learn from it, it's your choice."
Wala na ulit sa 'min ang nagsalita. Pareho lang kaming nakatingin sa malayo at may kaniya kaniyang iniisip.
Siguro nga choice ko kung ano man ang nangyayari sa 'kin ngayon at mangyayari pa lang sa kasalukuyan.
Hindi ko man masabi ay sobrang thankful ako na mayroong Aurea, Margaux at Millicent na dumating sa buhay ko unexpectedly. Isama na rin si Boss D at syempre lalo na si Aleli dahil kung hindi dahil sa kaniya siguro ay nasa lansangan na ako ngayon at pakalat kalat o baka naman nakulong na ako.
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomanceLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...