Chapter 7

24 11 0
                                    

"I'm sorry but I think... you need to leave for a moment. It's a girl's talk," baling ni Aurea kay Rhys na nakasunod pa rin sa amin hanggang sa labas ng room namin ni Margaux.

"Oh... sorry, sige sige." sagot niya pagkatapos ay bumaling siya sa 'kin. "Ayos ka lang? Alis muna ako, kailangan niyong mag usap." He's worried, I can see it in his eyes.

Paano ko naisip na konektado siya sa lahat ng mga nangyayari sa 'kin nitong mga nakaraang araw. Kaibigan ko siya at hindi ko dapat siya pinag isipan ng masama.

Si Margaux ang nagbukas ng pinto. Walang imik kaming lahat habang papasok. Alam kong lahat sila gustong malaman kung ano talaga ang nangyari.

"So, how did it happened?" paninimula ni Aurea.

Kinwento ko naman sa kanila kung ano talaga ang tunay na nangyari, simula sa gym, 'yong lalaki sa elevator, hanggang sa paglabas ko ng hotel, at 'yong pagsubok ng lalaking banggain ako. Iyon lang ang sinabi ko sa kanila, hindi ko na sinabi kung ano ang mga naiisip ko dahil baka guni guni ko lang ang mga iyon. Ayokong mang-judge ng tao.

"The guy who saved you earlier, do you know him?" si Millicent.

Tumango naman ako bilang sagot sa tanong niya. "I don't know him that much, siya ang may ari ng hotel na ito at kaibigan siya ni Rhys." sagot ko.

Ngayon naman ay si Margaux ang napatingin sa'kin. "If that's the case, maybe we can ask him to check the CCTV footages, right?"

Tama, kaso paano namin gagawin iyon. Hindi naman kami magkasundo noon.

"Did you even say 'thank you' to him? He saved your life, afterall." Dahil sa sinabi ni Aurea ay napayuko ako. Guilty consumed my face. Hindi na nga ako nakapagpasalamat, pinag isipan ko pa siya ng masama. Muntik na siyang mamatay dahil sa ginawa niya.

Hindi naman porque, nabanggit niya ang isa sa mga sinabi sa'kin noong mysterious guy ay paghihinalaan ko na na siya 'yon. Maraming gumagamit ng salitang iyon, baka nagkataon lang talaga. Si Rhys naman, baka nagkataon lang din na same sila ng damit noong lalaki. That's possible, karamihan sa lalaki hoodie ang bet kaya maaaring coincidence lang ang nangyari. Maraming nagsusuot ng ganoong klaseng hoodie. Maaaring nagkataon lang ang lahat.

"I... ahm, magpapasalamat ako sa kaniya.. ano, mamaya." sagot ko na lang. Ang rude ko naman kung hindi man lang ako magpapasalamat.

"Next time, huwag tayong basta makampante. Lugar nila ang pinuntahan natin, andiyan lang sila sa paligid, they're watching us."

Tama si Millicent, bakit ko ba kasi naisipang lumabas ng hotel.

"We can relax and be ready at the same time," sabi naman ni Aurea.

After ng pag uusap namin ay nagkulong lang ako sa kwarto. Lumalabas lang kapag tinatawag nila ako or kapag kakain na.

"When are you planning to make it up to him?" We're having a breakfast when Aurea asked me that question after she saw Connor in the hotel restaurant.

Nahihiya akong lumapit kay Connor. Pakiramdam ko kasi anytime p'wede akong mapahiya dahil sa pagsusungit niya. Kausap niya ang isa sa mga waiter ng restaurant, he probably giving some commands.

"I... I don't know, ahm, maybe later. Ano, kapag hindi na siya busy." sagot ko at napatingin ulit sa pwesto ni Connor. Paalis na siya nang nakasalubong niya si Rhys. Nag usap sila saglit at maya maya ay nagpaalam na rin.  Nahagip ni Rhys ang pwesto namin kaya naglakad ito papalapit.

Narinig ko pa ang bulong ni Margaux. "That annoying boy again."

Hindi ko alam kung bakit inis na inis siya kay Rhys, wala namang ginagawang masama sa kaniya 'yong tao.

Mildred (La Equipé Series 1)Where stories live. Discover now