"Mika, anak, halika ka rito upang makilala mo ang tito Leandro mo."
Gusto na naman akong ipakilala ni mama sa bago niyang nobyo. Talo niya pa ang isang teenager kung paano magpapalit palit ng jowa.
Wala naman akong pakialam dati kung sino ang maging jowa niya ngunit iba ngayon. Hindi ko gusto ang presensya noong lalaking 'yon. Kilos at pananamit niya pa lang ay halatang mayaman ito. Ngunit kilos niya pa lang hindi na ako mapalagay. May kakaiba sa kaniya na hindi ko alam kung ano.
"Hi, Mika, call me tito Leandro," sabi niya habang nakalahad ang kamay.
Napatingin ako kay mama na nakangiting nakatingin sa 'kin. May pag aalinlangang kinuha ko ang kamay niya.
Kahit sa pagsasalita ay halatang mayaman ito. Hindi ako magaling mag ingles pero nakakaintindi ako. Hindi kasi natuloy ang pag aaral ko dahil hindi kinaya ni mama ang paaralin ako. Simula kasi noong namatay si papa ay nawalan na rin ako ng pag asang makakapag aral pa.
"M-Michaela po... tawagin niyo po akong Michaela," sabi ko habang hawak niya pa rin ang kamay ko.
Ayoko kasing may tumawag sa 'kin sa palayaw na bigay ni papa, lalo na ang lalaking ito.
Ngumisi naman ito at tumango. Hindi ko alam kung hindi ko lang talaga siya gusto pero kahit ang mga ngiti niya ay hindi ko kayang tingnan. Pilit kong tinatanggal ang kamay ko na hawak niya dahil hindi niya pa rin ito binibitiwan.
"'Yong... 'yong kamay ko po." Napa 'ow' naman siya at agad binitawan ang kamay ko.
"Anong gusto mong ulam anak? Naggrocery kami ng tito Leandro mo kanina, baka may gusto kang ipaluto." Nakangiti si mama habang sinasabi niya iyon. Halata sa mukha niya ang tuwa.
Napatingin ako sa nobyo niya na nakatingin sa'kin at hinihintay ang sagot ko.
Mabilis akong umiling. "Kahit ano na lang po," sagot ko.
Sa totoo lang gustong gusto ko talagang makatikim ng fried chicken. Mahirap lang kami kaya hindi ako laging nakakakain noon. Ngunit hindi na ako nag abalang sabihin pa iyon kay mama.
Bata pa ako, seventeen pa lang ako.
Days that turned into weeks, and weeks that turned into month.
Akala ko ay hindi sila magtatagal ngunit mas lalo lang silang naging sweet sa isa't isa."May lakad ka anak?" tanong ni mama habang nakangiti nang maabutan ko sila ng nobyo niya sa sala at nanonood ng movie.
Binibinyagan nila ang bagong TV na binili ni Leandro. Binili niya ito upang hindi raw kami mainip. Napa irap nalang ako.
"May kukunin lang po ako kay Rhys," sagot ko.
Akala ko ay nakatakas na ako sa kanila lalo na sa lalaki niya ngunit mali ako. Mali ako dahil bigla itong nagsalita na parang close kami.
"Aalis na rin naman ako kaya sumabay ka na sa 'kin. Ihahatid na lang kita kung saan ka pupunta," sabi ni Leandro at mabilis na tumayo.
Akala ko ay magagalit si mama dahil hindi pa nila tapos ang pinapanood nila ngunit nakangiti ito habang nakatingin sa 'kin.
"Oo nga, anak. Mapapabilis ka pa tsaka upang maging malapit na rin kayo sa isa't isa ni tito Leandro mo. Magiging parte na siya ng pamilya natin at hindi magandang hindi kayo okay."
Sa huli pumayag na lang din ako. Sa likod sana ako sasakay ngunit pinalipat niya ako sa unahan. Wala akong nagawa kundi ang sumunod dahil andoon si mama. Masama raw tingnan dahil magmumukhang driver si Leandro.
Hindi ako mapakali habang nasa loob kami ng sasakyan. May namumuong pawis sa noo ko. Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan.
Mabilis akong sumiksik sa pinakagilid ng sasakyan dahil sa tuwing nilalapat ni Leandro ang kamay niya sa kambyo ay laging dumadampi ang kamay at daliri niya sa hita ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba iyon.
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomanceLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...