"Anong strand ang kukunin mo, Mildred?" tanong ni Boss D habang nasa hapag kami at kumakain.
Kasama ko ang tatlo pang babae, lahat kami ay tahimik lang at walang imik na kumakain.
"TVL," maikling sagot ko.
He nodded. "How about you, Margaux?"
Ang atensyon na nasa akin kanina ay biglang nalipat sa isang babaeng nagngangalang Margaux. Mukhang mataray ang babaeng 'yon.
"I don't know yet," sagot nito.
Ngayon naman ay tumingin siya sa isang babae na mukhang mataray din. She looks intimidating.
"Ako? STEM, gusto ko magdoctor."
Hindi pa siya tinatanong ni Boss D ngunit sumagot na agad siya. I sighed.
"How about you, Aurea?"
Ngayon naman ay napatingin kami sa babaeng may salamin. May salamin siya pero hindi naman siya mukhang nerd. Mukhang normal pa rin naman siya.
"Criminology," maikling sagot niya.
Sobrang boring sa loob ng mansyon dahil wala naman akong ibang nakakausap bukod kay Boss D.
Nahihiya kasi akong kausapin ang iba pang narito baka kung anong isipin nila. Baka sabihin pa nila, feeling close agad ako.
Lumabas ako sa upang pumunta sa pool at magpahangin saglit.
Ilang buwan na rin simula noong mawala si mama at hindi ko pa rin alam kung ano ba talagang nangyari sa kaniya.
Masaya kaya siya kung nasaan man siya ngayon? Binabantayan niya kaya ako tulad ng sabi niya na mananatili siya sa tabi ko?
"Anything wrong?" biglang taong noong babaeng nagngangalang Aurea.
Nilingon ko siya at nginitian lang, pagkatapos ay bumaling ulit ako sa harapan.
"Wala naman, nabo-bored lang ako rito. Gusto ko na bumalik sa dati kong buhay," sambit ko.
Gusto kong bumalik na sa dati ngunit alam kong imposible iyon. It's like reaching the moon in the middle of the day.
"Pwede ka sa 'kin magkwento, I won't judge. Alam mo ba? I can't remember how many times I said I was fine just because I didn't want to bother someone with my problems. Nothing feels heavier than the unsaid words, ilabas mo 'yan."
Nagkibit balikat ako. "Namimiss ko na ang Mama ko pero alam kong malabong magkasama kami ulit."
She tapped my shoulder. "Kaya mo 'yan, lahat ng nangyayari may purpose."
Isang katahimikan ang namutawi. Tanging tunog lang ng paligid ang naririnig namin.
"Alam mo ba? I lost myself trying to please everyone. And now I'm losing everyone while trying to find myself," sambit niya at lumingon sa 'kin. There's a pain in her eyes. "But... yeah, I'm broke but I won't give up. I cried but at least I'm trying. There are a lot of problems but at least we keep going. We're all tired, down, and confused afterall. The important is that we keep going and we continue," dagdag niya pa.
Masaya ako na mayroon na akong nakakausap ng ganito sa loob ng mansyon. Kahit papaano ay gumagaan ang loob ko.
Dahan dahan siyang tumayo at tinapik ang balikat ko. "Kaya mo 'yan, kakayanin natin..."
That was our first encounter pero tumatak sa utak ko ang mga sinabi niya sa 'kin. Nagsilbing lakas ko 'yong mga sinabi niya na 'yon.
Gaya nga ng sinabi ni Boss D ay pinag aral niya ako, pinag aral niya kami.
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomanceLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...