Chapter 10

29 11 0
                                    

"Oh shit! Needle!"

Hindi pa malinaw sa pandinig ko kung sino ang nagsasalita. Sobrang sakit ng katawan ko, para akong binugbog.

"Ang tapang tapang mo tapos hindi naman pala uubra 'yang yabang mo sa simpleng karayom lang, Margaux."

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakitang nasa tabi ko si Millicent may hawak na syringe.

Syringe? Para saan?

"Excuse me— ayan she's awake!"

Naguguluhan ako sa inaasta nila. Bakit kakagising ko lang? Then memories came into my mind. Oo nga pala! Galing kami sa party, kasama ko si Connor! Asan siya?

"Pasensya ka na, Mildred. Kinailangan ka naming patulugin dahil kung ano ano na ang ginagawa mo at kakailanganin mo ulit matulog," sabi ni Millicent. Bago pa ako makapagprotesta at makapagsalita ay lumapit na siya sa'kin upang iturok ang syringe na hawak niya.

Wala na akong nagawa dahil unti unti na akong hinihila ng antok. Ganoon ba kalala ang ginawa ko upang kailangan pa akong patulugin? Nakakahiya!

Nagising ako dahil sa iilang ingay ng nasa paligid ko.

"Wake her up, why me? You're the doctor." boses iyon ni Margaux.

Nilibot ko ang paningin ko, wala kami sa hospital kundi nasa suite lang namin ni Margaux. Paano nila ako nadala rito?

"You don't need a doctor just to wake her up. She's awake, anyway." si Aurea.

Dahan dahan akong bumangon kahit nanghihina ako. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila sa'kin bakit ang sakit sakit ng katawan ko. Anong klaseng gamot ba iyon?

Inabot sa'kin ni Aurea ang isang baso ng tubig. "Drink it, you need this." sabi niya. Uhaw na uhaw na rin ako kaya mabilis ko iyong tinanggap at ininom.

"As much as I want to know what exactly happened to you, I need to secure your health first. Eat and we'll talk later," dagdag niya pa at kinuha ang pagkain na nasa bedside table.

Nakatitig lang sila sa'kin habang kumakain ako. "A-ah... kumain na ba kayo?" tanong ko dahil nakakahiyang ako kumakain tapos sila nakatingin lang sa'kin.

"We're done, don't mind us." sagot ni Margaux.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Kailangan ko pang alamin sa kanila kung ano ang nangyari sa'kin pagkalabas palang namin sa venue.

Habang kumakain naman ako ay unti unti nilang sinasabi ang nangyari sa hotel.

"When I saw your text, I immediately told them about it and we hurriedly went there. We saw you in Connor's arms outside the venue. You're being touchy to him— like ew!"

Sa paraan ng pagkakasabi ni Margaux ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Ginawa ko iyon?

"Because of the effect of that drugs you became a maniac! You even want to remove your clothes because you said it was hot!" She hysterically said.

Halos hindi ko malunok ang ibang pagkain na nasa bibig ko dahil sa mga sinasabi ni Margaux. Nakatingin lang si Aurea at Millicent sa'kin at minsan ay tumatango sa mga sinasabi ni Margaux.

"And not just that, you even tried to kiss Connor inside the car that's why Millicent here," turo niya kay Millicent. "Needed to gave you a sleeping pills."

Halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sinubukan kong halikan si Connor?! Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kaniya.

"G-ginawa ko 'yon? S-sinubukan ko siyang... ano a-ahm halikan?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot.

Mildred (La Equipé Series 1)Where stories live. Discover now