"Rhys..."
He looked at me with a confused look. Hindi niya ata ako nakilala dahil sa suot kong aviators kaya dahan dahan kong tinanggal iyon.
"Potang—" tanging nasabi niya na nanlalaki ang mata at napahawak pa sa bibig niya dahil sa gulat.
"Mika?!"
Overacting.
"Gago! Ano? Kasama ka nila?!" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. Tumango lang ako.
'Yong kaninang gulat na reaksyon niya ay biglang napalitan ng saya. Mood swing real quick?
"I know you guys are tired, kaya tara na." sabi nito at kinuha ang bagaheng dala ko. Nauna na rin siyang naglakad papunta sa van na magdadala sa 'min sa hotel.
I'm wondering kung alam ba ni Rhys kung anong klaseng trabaho ang mayroon ako o ang trabahong pinasukan niya. Pero hindi naman siguro siya papasok sa ganitong trabaho kung hindi niya alam kung anong mayroon dito at kung paano ito tumatakbo 'di ba? Kung alam niya... ano namang dahilan niya at sumali siya rito? He must have a reason, right? Ang tanging tanong lang ay kung ano iyon.
"Ihahatid ko lang kayo sa CCV Hotel tapos bahala na kayo kung anong gagawin niyo. If you guys want to relax, punta lang kayo sa malapit na bar katabi ng tower at hotel." pagod kaming lahat kaya wala kami sa mood makipag usap o makipagchismisan ngunit si Rhys ay hindi matigil ang bibig kakasalita.
"Will you please shut the fuck up? We're here for work, not to relax. You can relax on your own, anyway." iritadong sagot ni Margaux.
Napanguso na lang si Rhys dahil kay Margaux. Tumingin rin siya sa'kin na para bang naghahanap ng kakampi.
Huwag ako ang hingian mo ng tulong.
"Arte, pinapagaan lang ang loob. Baka kasi mamaya ma-depress ka kakatrabaho." Inirapan lang siya ni Margaux at hindi na ulit nagsalita. Mukhang pagod na pagod talaga si Aurea at Millicent dahil pareho itong walang imik na nakaupo sa van.
"Two presidential suite ang kinuha ko, it's up to you kung sino ang gusto niyong kasama." dagdag niya pa ulit.
Tumigil lang siya noong napansin niyang wala ni-isa sa amin ang interesadong kausap siya. Napakadaldal kasi nonsense naman mga pinagsasabi. Hanggang sa makarating kami sa hotel kung saan kami mag-istay.
Ang ganda... ngayon lang ako makakapasok sa isang hotel na ganito ka ganda. Sa lahat ng hotel na napuntahan ko ito na siguro ang pinakamaganda at masasabi kong pinakamahal na rin.
"I'll go with Millicent," sabi ni Aurea habang kinukuha na ng ibang mga lalaki ang bagahe namin at dinadala na sa itaas. Hindi na namin kailangang magcheck in dahil inasikaso na raw lahat ni Rhys.
"Rhys, sure ka ba na naayos mo na lahat? Baka mamaya hindi pa, ah. Mapaalis pa tayo rito ng wala sa oras." tanong ko sa kaniya nang mapalapit siya sa tabi ko.
"Ano ka ba? Ngayon ka pa ba mawawalan ng tiwala sa 'kin? Don't worry, kilala mo si Connor 'di ba? Siya ang may ari ng hotel na ito kaya walang problema." sagot niya at ngumiti lang sa 'kin.
Connor? 'yong friend niya na kasama niya noong unang pagkikita ulit namin? Oh... mayaman naman pala 'yon kaya naman pala parang matapobre kung makatitig.
"You’re so talkative, can you just please zip your mouth for once?" reklamo na naman ni Margaux. "Where's our room?" tanong niya.
Sa halip na sagutin siya ni Rhys ay hindi siya nito pinansin at dumeretso sa pwesto ni Millicent na kasama si Aurea. Margaux looked at me with perplexed eyes. Nagkibit balikat na lang ako dahil kahit ako mismo ay hindi alam ang inaasta ng kaibigan ko.
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomansaLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...