"I told you, kailangan pa natin ng oras. We can't just rush things, Rhys."
Ngayon ang huling araw namin ni Connor na magkasama.
Kakagising ko lang at naabutan ko siyang may kausap sa cellphone. Base sa pagkakarinig ko, si Rhys iyon. Hindi ko lang alam kung ano ang pinag uusapan nila.
Pinagmasdan ko ang likod niya habang nakatingin siya sa labas ng bintana at kinakausap si Rhys.
"Yeah, I know that. Hindi naman pwedeng sabihin agad natin sa kaniya, I need more time."
Kinusot ko ang aking mata at dahan dahang umupo sa kama.
"What do you want me to do, then? Do you want me to tell her na siya ang pumatay kay papa?"
Alam kong nasabi niya sa 'kin na aboy kamay niya lang ang pumatay sa papa niya. Siguro ay nag iisip na siya ng plano kung paano niya mapapanagot ang gumawa noon sa papa niya.
Good for him, nahanap niya na ang may kasalanan samantalang ako, patuloy pang hinahanap kung sino ay may gawa noon sa mama ko.
Dahan dahan akong tumayo at inayos ang kamang hinigaan namin.
He looked at me.
"I'll call you later, yeah..."
Nagpaalam na ito at dahan dahang lumapit sa 'kin. Sakto namang kakatapos ko lang ayusin ang kamay kaya roon na siya umupo.
"Sorry... did I wake you up? K-Kanina ka pa ba gising?" tanong niya.
Umiling ako.
"H-Hindi, ayos lang... "
Ayos na rin na nagising ako baka kasi tanghali na naman akong magising.
Dumeretso ako sa banyo upang mag ayos ng sarili. Hindi ko alam kung may niluto na bang pagkain kaya kailangan ko pang magluto kung wala pa.
After ko mag ayos ng sarili ay lumabas na ako, wala na roon si Connor. Bumaba na siguro ito. Sumunod na lang din ako pababa.
Expected ko na wala pang pagkain na nakahain dahil wala namang kasambahay doon ngunit pagbaba ko ay may mga pagkain na sa hapag.
I looked at Connor, he's looking at me too. Ngumiti ako at ginawaran niya rin ako ng ngiti.
"Sino nagluto? Pinabalik mo na ba ang mga kasambahay mo?" tanong ko.
Umiling siya at tumayo upang ipaghila ulit ako ng upuan.
"I cooked it, hindi na kita ginising. Kaya ko namang magluto kaya hindi na kita inabala pa," sagot niya.
Tahimik lang kaming kumain hanggang sa natapos. Walang nagsalita sa 'ming dalawa. Napapansin kong hindi siya makatingin sa 'kin ng deretso at nagtataka ako kung bakit.
I voluntered to wash the dishes. Akala ko ay pipigilan niya ulit ako ngunit hinayaan niya lang ako. He didn't say anything.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang nilalagay niya sa lababo ang mga hugasin.
Tiningnan niya muna ako ngunit agad niya ring binawi ang mga iyon. He gulped and he licked his lip.
"I-I'm okay..." sagot niya.
'Yon lang ang sinabi niya at umalis na sa kusina. Nagtataka man sa mga kinikilos niya ay pinagpatuloy ko na ang paghuhugas ng pinggan kahit napakaraming tanong sa utak ko.
Galit ba siya sa 'kin? Nagalit ba siya kasi hindi ako gumising ng maaga? O galit siya dahil hindi ako nagluto? Alin sa mga 'yan ang maaaring rason niya?
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomanceLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...