Nakatingin ako sa kaniyang mga mata. He's smiling but I saw other emotions in his eyes, he's concern.
Pilit akong ngumiti.
"A-ayos lang ako, ano ka ba?!" I tried to sound energetic.
Tumingin ulit ako sa gawi ni Connor kanina. He's looking at me intently.
"Alam kong hindi ka okay, Mika. You can fool other people but you can't fool yourself. Kahit isang beses lang, isang beses lang, Mika. Subukan mo namang dumepende sa'kin."
Unti unting uminit ang gilid ng mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha.
Gusto kong ngumiti upang itago ang nararamdaman ko ngayon. Walang sapat na dahilan kung bakit ko 'to nararamdaman. Isang bagay lang ang gusto kong gawin upang hindi maging mahina sa harapan ng mga tao, iyon ay ang ngumiti.
For me, smiling is the best way to force every problem, to crush every fear and to hid every pain. Gusto kong ngumiti ngunit hindi ko magawa.
"Mildred..."
Boses ni Connor ang narinig ko sa likod ni Rhys at papalapit siya sa'min. I don't want him to see me like this. I don't want him to see how broke I am.
Lumapit ako kay Rhys at ibinaon ang mukha sa kaniyang dibdib, pinalupot ko rin ang mga braso ko sa kaniyang bewang. It's the least I can do upang hindi makita ni Connor ang luha sa mga mata ko.
I don't want him to see me like this. I don't want him to see how weak I am. I don't him to pity me. I don't need anyone's pity.
Rhys caress my hair. "Hush... that's okay. Mildred, I'm here, you can lean on me anytime."
I embraced Rhys tightly, not because I wanted it but because I don't want anyone to see me in this situation.
Ayokong isipin nila na sobrang hina ko. No, I'm not.
"Tss. Tara na nga, ililibre kita ng fishball."
Inangat niya ang mukha ko at siya na mismo ang nagpunas ng luha sa mga pisngi ko.
Nilingon ko kung nasaan si Connor kanina, wala na siya roon at wala na rin ang babae na kasama niya. Hindi ko alam kung bakit nadismaya ako noong makitang wala na siya. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis na makita siyang may kasamang iba.
Sabay kaming lumabas ni Rhys at sumakay sa kaniyang sasakyan, it's a black sedan.
Akala ko'y sa isang fishball-an kami pupunta ngunit nagkakamali ako. Isang bahay ang hinintuan namin at hindi ko alam kung kaninong bahay iyon.
Nagtatakang tumingin ako sa kaniya. "Bakit tayo andito?" tanong ko.
"Bahay ko 'to, magbibihis lang ako saglit."
Tumango naman ako.
Pagpasok namin sa loob ay pinagmasdan ko ang buong disenyo sa labas ng bahay. Maganda, hindi mahahalatang lalaki ang nakatira rito.
"Pumasok ka na lang sa loob, magbibihis lang ako, madali lang 'to." paalam niya sa'kin at tumango naman ako.
Abala ako sa pagtingin sa bahay at mga nakalagay dito nang makita ko sa gilid ang isang motorbike. Nasa pinakadulo ito at halatang sinadyang doon ilagay sa halip na ilagay sa tamang parking area.
Memories came into my mind. Parang nakita ko na ito, or should I say nakita ko na talaga ito. Ito 'yong laging ginagamit ng mysterious guy pero bakit andito ito? Hindi kaya... this can't be.
I trusted him, hindi niya magagawa sa'kin 'yon. Baka naman nagkataon lang, coincidence. I can't absorb all the thoughts that came into my mind. This can't be. Alam kong hindi magagawa ni Rhys sa'kin 'yon.
YOU ARE READING
Mildred (La Equipé Series 1)
RomanceLa Equipé is a group of woman with innocent face. Innocent yet deadly. The purpose of this group is to kill all criminals and that make them become a criminal too. Don't underestimate woman just because they're woman. You don't know what they're cap...