Chapter 22

12 3 0
                                    

"Ano bang nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong ni Millicent.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay tinawagan ni Connor si Rhys upang sunduin kami. Akala ko nga si Rhys lang ngunit nagulat ako dahil kasama si Margaux at Millicent sa pagsundo.

"Ayos lang ako, mabuti na lang natapon agad ni Connor sa pool," sagot ko.

They looked at Connor. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa pinaglamayan si Connor dahil sa mga titig nina Margaux at Millicent.

"Kilala niyo ba kung sinong gumawa noon?" tanong ulit niya.

Gusto kong sabihin kung sino ang may gawa ngunit hindi ko iyon masabi sa harap ni Connor at Rhys. Alam kong para kay Connor 'yong bomba na iyon at hindi para sa 'kin. Panlalaki ang relo na naroon at imposibleng sa 'kin 'yon.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit pinapadalhan siya ng ganoon ng taong 'yon?

Ayokong sabihin kina Margaux at Millicent na 'yong taong laging nagpapadala sa 'kin ng kung ano ano ay siya rin ang may gawa noon kanina.

"We need to go, may aasikasuhin pa kami ni Rhys. Don't worry, I'll double the hotel's security."

Tumango lang ako, alam kong gagawa siya ng paraan upang malaman kung sino ang may gawa noon.

Nauna na siyang umalis at naiwan saglit si Rhys. Tumingin siya sa 'kin at naglakad papalapit sa pwesto ko.

"A-Are you okay?" tanong niya.

Tumango ako.

He smiled at me and he patted my head.

"You'll be safe, trust me," sabi niya.

Pagkatapos ay lumabas na siya upang sundan si Connor.

Hindi pa ako nakakaupo ay pinaulanan na agad ako ng tanong ng dalawa. Tinatanong ulit ako ni Millicent dahil hindi ko nasagot 'yon kanina.

"Si Askal, 'yong taong laging nagpapadala sa 'kin ng kung ano ano ay s'ya rin 'yong may gawa noon sa 'min."

Nagtataka nila akong tiningnan na dalawa. Hindi makapaniwala ang mga mata nila habang nakatingin sa 'kin at tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"Paano niya nakilala si Connor? At ano ang ginawa ni Connor sa kaniya na hindi maganda?" tanong ulit ni Millicent.

Umiling ako kasi hindi ko rin alam. Isa rin iyon sa mga tanong na pumapasok sa utak ko.

"So, it means that Connor is on our side?" tanong naman ni Margaux.

Nagkibit balikat ako. Hindi ako sigurado roon at ayokong siguraduhin. Ayokong pilitin siya na sumama sa 'kin dahil lang pareho ang tao na hinahanap namin.

Napailing na lang ako dahil sa mga nangyayari sa 'kin. Bakit kailangang sunod sunod pa? Bakit kailangang madamay 'yong mga taong nasa paligid ko.

Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa Askal na 'yon. Hindi ko rin alam kung anong atraso ni Connor sa kaniya. Isa lang ang alam ko ngayon, kailangan ko na siyang mahanap sa lalong madaling panahon.

I need to end this. Hindi na maganda 'to.

"Wait..."

Napabaling kami kay Margaux na hawak ang cellphone ni Rhys. Nakalagay iyon sa sofa, naiwan niya siguro.

Tinaas niya iyon at ipinakita sa 'min.

"It is Rhys' phone, right?" tanong niya.

Sabay kaming tumango ni Millicent.

Mildred (La Equipé Series 1)Where stories live. Discover now