poy

3 0 0
                                        

xix. poy
date written: april 15, 2026


~•~

Medyo nahihilo na ko sa malilikot na ilaw na kumikislap-kislap, unti-unti na ring dumadami 'yung tao sa paligid kaya lalong umiingay.

"Clara, game na!" Sigaw ni Jugs sa akin.

Kumunot ang noo ko, kanina pa nila ako dinedare na makipag-'5 seconds walang malisya' sa stranger. Kanina ko pa rin iniikot ang mata ko sa paligid nitong iniinuman namin, pero wala pa rin ako nakikitang perfect target.

Wala bang pogi dito?

"LF: Pogi. Wala ba diyan?" Biro ko pa tsaka muling tinagay 'yung alak na nasa shot na inabot ni James.

"Hahahahaha. Pogi lang ba hinahalikan mo, Clara?" Tanong ni Minnie.

"Kung gagawa na lang rin ako ng kagagahan, edi sa pogi ko na lang gawin diba?" Sagot ko sa kanya.

"Pogi lang pala hanap ni Cla 'e!" Inakbayan ni Sean si Adler. "Lalayo pa, nandito naman 'tong kaibigan kong number 1 fan ni Justin Bieber." Siniko siya ni Adler.

"Lasing ka na, Sean! Uwi ka na hanap ka na ng Mama mo." Inis na sagot ni Adler sa kanya.

Tumawa kaming lahat, tsaka ako lumapit kay Adler tapos inabot siya kahit sobrang tangkad niya kesa sa akin.

"Poy payag ka ba 'nun, 5 seconds walang malisya tayo?" Natawa ng malakas si Jugs sa tanong ko kay Adler.

"Taena, ang lupit!" Humalagpak pa si Jugs kakatawa.

"Bakit, Poy? Kaya mo?" Hamon rin ni Adler sa akin.

Napalunok ako dahil sa tanong niya.

Taena, tama ba 'yang naririnig ko?

Sobrang intense ng titig ni Adler sa akin na para bang any moment ay magdidikit ang hindi dapat magdikit. Napapansin ko rin na pabalik-balik ang tingin niya sa mga mata ko at sa labi ko, mali atang biniro ko siya.

Mukhang tama nga sila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa gwapong 6'3. Anong connect?

"Gago kayo, baka maghalikan 'yang dalawang 'yan ha!" Singit ni Keo bigla.

Doon na ako napabalik sa reyalidad, pati si Adler ay biglang napaiwas ng tingin sa akin sabay napatagay ng alak na nasa kaliwang kamay niya.

"Wag 'yan si Poy." Biglang sabi ni Adler. "Baka sirain ni Auntie Grazie 'yung buhay ko kapag hinalikan ko 'yan." Tumingin siya sa akin, awkward akong napangiti.

"Tama.." Sagot ko. "Hindi ako humahalik ng best friend mga pre. Off limits 'yan si Poy." Sagot ko pa.

"Korni!" Biglang sigaw ni Sean.

"Isa lang 'e!" Hirit pa ni James.

"Wag nga si Adler pagtripan niyo, tignan niyo namumula na oh!" Sabi ni Minnie tapos tinuro si Adler.

"Hoy gago, hindi ha!" Sabi naman ni Adler tapos kinapa 'yung mukha niya. "Ang init kasi, tanga!" Sabi niya tapos hinubad 'yung black leather jacket niya.

"Poy, tinatamaan ka na?" Mahinang bulong ko sa kanya.

"Tanga hindi!" Sigaw niya. "Hindi kita papatulan, Poy!" Depensa niya pa.

Para naman akong dinurog sa sinagot niya. Kahit kailan parang bobo kausap 'tong si Adler, kaya minsan hindi ko alam paano ko natitiis 'tong kausapin eh!

Pero ginugulo niyan ni Adler 'yung mundo ko.

Ang unpredictable lang talaga ng universe. Nakakainis!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon