FLORENCE
Para akong nang hihina sa ginawa nung Vail na yun. Pota ano ba kasi porblema nun? Alam ko lang naman ay hinanap ko lang si Ryu tapos nagalit na.
Hindi na din ako nakapag libot dahil nanghina ako bigla. Sumasakit pa yung braso ko na hinawakan nya. Akala ko mahahati na ang braso ko.
Naging halos kulay Violet na ang kalahati ng braso ko at nag karoon pa nga ito ng sugat. Ginamot ko na kaagad to, Hindi ko alam kung ipapaalam kopa ba yung ginawa ng kapatid nila sa akin.
Nang matapos ako sa pag gamot ay iniligpit kona ang First aid kit at inilagay ko sa drawer. Nagulat naman ako ng biglang bumukas ang pinto at ini luwal non si Ryu. Napa tingin naman ako dito na ngayon ay papalapit na sa akin.
Naka uniform ito kaya parang nag iba ang tingin ko sa kanya. Ibang iba ang mukha nya at para ngang hindi sya ito dahil nag mukha syang isang Ordinaryong estudyante at hindi isang istriktong tiga pamahala ng Mansion.
"Ah, bakit?" Takang tanong ko.
Dumiretso naman bigla ang tingin nito sa may braso ko. Hawak hawak ko yung braso ko na may bansa na ginamot ko. Pilit ko na itong itinago at inilagay sa likod ko.
"What happened?" Biglang tanong nito.
"Huh?"
He pointed my armed. "That" wika nya.
I shook my head. "Nothing" sambit ko dito tsaka ngumiti. "Anong ginagawa mo nga pala dito?"
"Oh right. You need to dress up" Sambit nito.
Napa taas naman ako ng kilay. "Bakit?" tanong ko.
"Did you already forget?" Wika ni Ryu. "This is your first day" dag dag nya.
Oo nga pala nakalimutan ko, eto nga pala ang unang araw ko sa pag pasok sa school nila.
"O-oo nga pala hehe. Sorry nakalimutan ko" napa pakamot sa batok na sabi ko sa kanya.
"That's fine" nakangiting wika nya.
Lumapit ito sa kama ko at tsaka ibinaba nya ang dala nyang naka plastic na uniform. "Eto ang uniform mo. Dress up immediately, mala-late na tayo" sambit niya.
"Okay"
Tumango lang naman si Ryu at nag lakad na paalis. Pinanood ko lang naman itong mag lakad hanggang sa makalabas ng aking kwarto.
Kinuha ko naman ang uniform na na inilagay sa kama, kaagad na dumiretso ako sa Cr. Nang makapasok ako ay inihubad kona ang damit ko, hindi ko planong maligo dahil mukhang nag mamadali na kami.
Parang pang japanese ang uniform ko, yung mga napapanood ko sa Anime na movie na sinusuot ng mga tao doon. Isang white na shirt na may blazer ang sa pang itaas at may ribbon pa, isang skirt naman na kulay black din ang pang ibaba.
Nang matapos ay lumabas na ako ng Cr. Tinignan ko muna ang mukha ko sa salamin na andidito sa loob ng kwarto ko. Buti na lang at bagay sa akin yung uniform nato.
Tinali ko ang mahabang buhok ko napa pony tail, Ribbon ang ginamit ko sa pag tali ng buhok. Nang matapos ako sa pag tali ay tinignan ko muli ang mukha ko sa salamin.
Grabe, mukha akong isang inosente na walang kalokohan na gagawin.
RYU
"Why is she taking so long?" dinig kong reklamo ni Lux.
Andito na kaming lahat at si Florence na lang ang hinihintay namin. Kanina pading nag rereklamo si Lux na sobrang tagal daw ni Florence.
"Sinabe moba sa kanya na malate na tayo?" Tanong pa ni Lux.
"Easy, lux" Natatawang sambit ni Rei. "You know she's a woman kaya kelangan nyang mag ayos"
Tumango naman ang iba. Rei is right, babae sya kaya siguradong nag aayos pa yon.
"Tsk"
Ilang minuto lang ang lumipas ng biglang pumasok ang kanina pa naming hinihintay.
"Halika na" Wika nito. Nakangiti itong lumapit ito sa amin.
Wow, just wow she looks......different but classy.
"Babe!" Rinig kong sigaw ni Rei.
Nakita ko naman na napaawang ang mukha ni Florence. Lumapit ito na nakataas ang dalawang kamay nya na parang yayakap. Kaagad kong ini harang ang braso ko kaya naman napa daukdok dito si Rei, sinamaan nya lang naman ako ng tingin.
"Let's go" Rinig kong wika ni Lux.
Nagpa unang mag lakad ito na nakapa mulsa. Sumunod naman kaming lumabas ng living room. Nang makalabas kami ay nakaparada na ang Limo nasa sakyan namin papuntang school.
Isa isang pumasok kami sa loob ng limo. Sa gilid umupo si Jacob, Calix, Vail, at ako. Sa dulo namang bahagi si Florence, Rei, at Lux. Expected ko na talagang tatabi ito kay Florence.
Ini start na ni Preston ang Engine ng kotse tsaka pina andar na. Inilabas ko ang libro na binabasa ko, plano kong magbasa ngayon habang asa byahe.
Wala namang nag salita sa amin si Rei lang talaga na mukhang kinukulit si Florence.
"Gusto mo ba samahan kita?" Tanong ni Rei.
"Ah hindi na"
"Sige na. Ako bahala sayo" Wika ni Rei.
"Huh? Hindi, hindi mo naman kelangan gawin" Natatawang sambit ni Florence.
Nag patuloy pa ang pangungulit ni Rei dito hanggang makarating kami sa school. Halos 30 minutes ang binyahe namin galing sa Mansion papuntang school.
"You sure?"
"Oo naman" Sambit ni Florence.
Ini hinto na ni Preston ang kotse sa harap ng School namin. Nang makababa kami ay dinig na namin ang bulungan at hiyawan ng mga babaeng naka paligid saamin.
"Omg, girls they're here na"
"Oo nga"
"Parang mas gumwapo sila ngayon"
"Tanga, dati pa silang gwapo"
"Whatever, basta ang gwapo nila"
salo salong bulungan ng mga babae na dinig na dinig ko naman. Hindi ko naman pinansin yon.
"Girl look may kasama silang babae?"
"Oo nga"
"Who is she?"
"I dont know"
"Nako ang swerte naman nya"
"Nako lagot na, this is surely a disaster"
"Yea right"
Wika ng mga babae na asa paligid namin. Nag patuloy na kami papasok sa loob ng Campus at ganon padin ang tema ng mga babae na asa paligid namin.
"Go to your class" wika ko sa kanila.
Tumango lang naman sila at nag hiwa-hiwalay na. Naiwan naman kaming dalawa ni Florence, sasamahan ko syang pumunta sa Dean's office para makita ang Schedule nito.
YOU ARE READING
His Bite
VampireAn Human and immortal? There are two kinds of lives in the Earth . An human and immortal. They ate, they hid, they can smell you from Afar. They sucking blood. The immortal, unhuman 'Vampire' What if Florence meet the six hot vampires men that can...