Chapter Sixteen:Savior

41 16 3
                                    

A/N: pakinggan yung kanta habang nag babasa para feel ang scene hehe.


------------------


FLORENCE

Alam nyo literal na gusto kong manapak ng lalaki may sapak. Hindi ko alam na lahat sila ay siraulo, si Ryu at jacob na lang ata ang matino sa kanilang mag kakapatid.

Hindi ako inform na dumadaloy na pala sa dugo ang pagiging isang baliw at siraulo.

Takteng galaw yon, sarap upakan. Gusto ko syang sapakin, sampalin, sabunutan, tadyakan, balibagin. Basta lahat ng pwedeng makasakit don sa lalaking yon.

'Anyways, ang lambot ng labi mo'

Hindi maalis sa utak ko ang mga sinabe nyang yon. Hindu ko alam kung kung anong problema nya at bakit nya ako hinalikan. Baliw ba sya? May sapak ata sa ulo ang gung gong nayun, Nakaka inis talaga. Bakit ba nya ako hinalikan. Ano bang nasa isip non?

"Bwiset, ayoko na. Nakakainis! "

Malakas kong sinipa ang maliit na bato na asa daan ko. Basta kung anong makikita ng mata ko ay sisipain ko.

May nakita naman akong dahon kaya malakas ko tong sinipa, may isa pang bato at ganun din ang ginawa ko. Patuloy lang ako sa pag sipa ng mga bagay na nakikita ko sa daan.

Isang sipa pa sana ang gagawin ko ng bigla namang naalis sa paa ko ang tsinelas na suot ko. Lumipad ito sa ere at bumagsak naman sa kung saan.

Malakas ang pag kakasipa ko kaya nahubad sa paa ko ang tsinelas, hindi ko din alam kung saan lumanding yon. Asa naba yun?

Kaagad akong dumiretso kung saan ko nakitang bumagsak ang tsinelas ko. Sa talahiban bumagsak yun kaya dun ako pumunta. Nang makarating ako ay nakita ko agad na may nakatayo doon at hawak nito ang tsinelas ko.

"Kanino bato"

Lumapit ako dito at ng mapag tanto kung sino ang lalaking to ay parang gusto ko isa pang tsinelas. Yes, andito si Lux na baliw.

"Akin yan" sigaw ko dito ng makalapit ako sa kanya.

Nakataas noo naman akong tinignan nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Naka taas noong tanong nya.

"Namamasyal" Maikling sagot ko.

"Are you stupid?" Tanong niya.

Ano daw stupid? Parang kusang nag pintig ang tenga ko sa sinabi nito.

"Ano!?" Nakataas na kilay na wika ko.

"I said you're stupid"

Aba't ang lakas talaga ng loob na ulitin pa ang sinabe. " Oo, nadinig ko" inis na sambit ko dito.

"Sa tingin moba pasyalan ang gubat" Wika nya.

"Hindi syempre"

"Don't you know how dangerous forest are?" Tanong nya.

"Alam ko"

"Para sa mga tanga at maliit lang ang utak ang mag sasabing pasyalan ang gubat" Ani nito.

Gusto ko nang sipain ang lalaking to dahil sa kalalait sa akin.

"Alam moba na sobrang daming mga mababangis na hayop dito sa sinasabe mong pasyalan" Ani nya.

Napa irap na lang ako. "Oo na, oo na. Alam ko yan. Blah blah blah daming mong sinasabe" inis na wika ko dito. "Aken na nga yang tsinelas ko, baka kuhain mopa yan" inis na dagdag ko pa dito. Mabilis ko namang kinuha sa kamay nya yung tsinelas ko.

His Bite Where stories live. Discover now