We just arrived here in NAIA. Hindi pa alam ng mga magulang ko na babalik na ko. Ano pang bago hindi ko nga sinabing aalis ako noon nalaman na lang nilang umalis ako ay nasa London na ko. Wala akong pinagsabihan kung nasaan ako kahit ang pamilya ko walang alam kung nasaan ako. Nagkakausap lang kami through skype. Hindi na sila nagtatanong at hinayaan na lang nila ako sa naging desisyon ko. Noong una nagalit sakin si papa pero kalaunan naintindihan din nya ang naging desisyon ko.
Walang alam sina Papa sa totoong nagyari samin ni Art, kung bakit kami naghiwalay at kung bakit ako nagdesisyong umalis. Hindi na naman ako pinilit ni papa na sabihin ang totoong mga nangyari siguro naramdaman nyang nahihirapan na rin ako sa mga nagyari noon kaya hinayaan na nya ko.
Ngayon nga nandito na ko sa Pilipinas at napagpasyahan kong tumira muna kami sa condo na pagmamay ari ko at ng mga kaibigan ko. Hindi lang si zands ang bestfriend ko nagkataon lang na sya ang nakasama ko sa London. May condo kaming magkakaibigan noong nag aaral pa kami hati hati kaming anim sa pagbabayad noon. Kahit mahirap nabayaran namain. At sila ang susundo sa amin ngayon.
Sa katunayan pansamantala lang kami sa condo dahil hindi lubusang natatapos ang bahay na pinagagawa ko. Nag pagawa ako ng bahy para sa pamilya ko. Isa yun sa nga pangarap kong gawin noong nag aaral pa ko at ngayon matutupad ko na. Saka ko na sasabihin kina papa ang tungkol sa bahay pag tapos na itong gawin.
"Caroline, Zandra!" Nawala ako sa pag iisip ng may Tumawag samin na isang pamilyar na boses. Si Marisse kasama sina Jane at Joey.
"Bestfriends!" Sigaw ni zands sa kanila. Tsk hindi na talaga nagbago tong babaeng to lagi na lang kumukuha ng atensyon.
"Welcome home sa inyong.... dalawa?" Alanganing bati ni Joey.
"Mga bakla sino yang dalawang bata na yan?" Tanong ni Joey habang nakatingin sa mga bata na nasa tabi ko. confirm guys isa sayang dyosa sabi nya.
"Ah...eh..." sagot kong nag aalinlangan kung sasabihin ko ba.
"Hello po I am Rain Caraline and this is my brother Winter Andrei." Pagpapakilala ni Rain. Madaldal na bata talaga. Ang lakas ng impluwensya ni zands sa mga anak ko.
"Ah guys mga a...anak ko nga pala" nauutal na singit ko sakanila.
"Anak? Kailan pa? Bruha ka sinong tatay nyang mga yan?" Ang bibig talaga nitong si Joey.
"Ah almost 5 years na. Hindi ko sasagutin ung pangalawang question mo."
Nagyayang kumain si Winter dahil hindi daw nya nagustuhan yung pagkain sa eroplano kaya hindi nya kinain.
Habang nasa restaurant umorder lang ang kambal ng paborito nila at walang kasawaang spagetti.
" Rain, Winter baby I haven't introduce then to you right oh well this is ninong joey, this is ninang Marisse and the lady over there is your ninang Jane. They are mommy's bestfriends." Pagpapakilala ko sa kanila.
"And guys this are my lovely kids. Limang taon ang utang nyo jan sa dalawa ah." Pagbibiro ko sa kanila.
"Utang ka jan hindi naman kami mag kakautang kung sinabi mo agad na may inaanak kami. Hmp" nagtatampong sambit ni Jane.
"Oh sige na wala na kayong utang. Pero guys secret nyo muna ang tungkol sa dalawang bagets na to ah. Kahit kasi sila papa hindi pa alam eh." Pakiusap ko sakanila.
"Kahit sila? Eh yung Fader ng mga yan alam ba?" Ni Joey.
"Guys ayan na yung pagkain" pag-iwas ko sa tanong nya.
Hanggat maaari ayoko munang pag usapn ang bagay na yun. Mukhang nakuha naman nila kaya hindi na ulit sila nag tanong.
Pagkatapos kumain Dumeretso kami sa condo hindi muna ko ininterview ng mga baklang yun sabi nila kailangan ko daw munang magpahinga para may lakas akong makipagchikahan sa kanila bukas. Hmp kala ko pa naman lusot na ko. Si Zands naman dumeretso na sa kanila. Good thing binigyan kami ng isang linggong break bago kami magsimula ni Zandra sa pagtatrabaho. Mas may oras ako para ayusin ang mga kailangan namin ng mga anak ko sa pagtira namin dito sa Pilipinas.
Nakatulog na ang mga anak ko dahil na rin sa pagod sa byahe. Pero bago sila matulog tinanong nila ko kung kailan daw kami pupunta sa lolo at lola nila. Hay buhay pano kaya to. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin sina papa. At mas lalong hindi ko alam ang gagawin ko kung magkita Kami. Hindi imposibleng magkita kami pero gagawin ko ang lahat para lang hindi na kami muling magkita. Ayoko nang magulo ang buhay na inayos ko sa London mas mabuti ng ganito.
Kinuha ko ang phone ko at tumawag sa amin nakapagdesisyon na ko sasabihin ko na kina papa bukas.
"Hello" sagot sa kabilang linya matapos ang tatlong ring.
"Ah hello pa? Si Caroline to."
"Oh anak napatawag ka saka bakit iba ang number na gamit mo?"
Tanong ni papa.
"Ah pa kasi nandito na ko sa Pilipinas nakauwi nako kanina lang hapon." Kinakabahang sagot ko kay papa. Patay talaga ako nito."Ano?! Bakit hindi mo kami sinabihan pambihira ka talagang bata ka. Nasaan ka na ngayon bakit hindi ka dumeretso dito sa bahay. Malilintikan ka na talaga ka saking bata ka." Gulat na sambit ni papa na may halong pagbabanta.
"Pa bukas po ako pupunta jan. Dito na po muna kami sa condo ng mga kaibigan ko tumuloy." Sagot ko.
"Kami? May kasama kang umuwi sino?" Tanong ni papa.
"ah pa bukas ko na lang ipapaliwanag sige bye see tomorrow " bago pa makasagot si papa binaba ko na ang telepono.. hay Patay na talaga ako nito bukas.
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wedding (ON-HOLD)
General Fiction"Art do you know the reason why I keep asking you to back out if you're not sure about this marriage many times before we get married?" I tried not to cry as I ask him that question. Hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin sakin. "Because Im afr...