14. The reason of his determination

394 9 0
                                    

Art's POV

Noong huling pag-uusap namin ni Belle hindi ko na ulit sya kinulit. Alam kong nasaktan ko sya. Aminado ako doon dahil kasalanan ko lahat. Naging kampante ako noon na hindi kami maghihiwalay kaya hinayaan ko na lang na iparamdam sa kanya at hindi sabihin ang nararamdaman ko.







Hindi pala totoo na sapat na ipakita mo lang kailangan mo ring maging vocal sa nararamdaman mo. Because sometimes she or he needs to hear you say you love her or him in order for them to hold on.








Sa mga araw na akala ni Belle ay sumuko na ako ang hindi nya alam palihim ko syang sinusundan at pinagmamasdan sa malayo. Ang laki ng nagbago sa kanya bukod sa naging determinado at palaban ay di hamak na mas gumanda at sumeksi sya. At mas lalo kong pinagsisihan na hinayaan ko syang umalis at pumunta ng London dahil malamang sa malamang marami ang umaaligid sa kanya noong nasa London pa sya. Iniisip ko pa lang ang bagay na yun ay gusto ko ng manira ng mukha ng mga nagtangkang lumigaw sa asawa ko. She is my wife, she's mine and I dont share what's mine.






At ngayong may basbas na ng papa nya na magkabalikan kami mas lalo akong naging determinadong makuha sya at ang mga anak namin. Nalala ko pa kung paano ko nakumbinsi si Papa.






FLASHBACK

Nasa tapat ako ng bahay nila Papa ngayon at hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako dahil sobrang kinakabahan ako sa gagawin ko. Alam kong galit pa rin sila sakin sa mga nangyari noon.





Bumaba ako ng kotse at nakita ko ang kuya ni Belle.





"Kuya!" Tawag ko sa kanya. Pero pagkakita pa lang nya sakin ay agad na ako nitong kinuwelyuhan.




"Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sakin. Gusto mo na ba talagang mawala sa mundo ha Santillian" galit na sambit nya sakin habang nakahawak pa rin sa kwelyo ko.





"Hindi ako nagpunta dito para nakipag-"






"Carlo tama na yan. Papasukin mo yan dito sa bahay" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dumating si Papa



.

Papa pa rin ang tawag ko sa kanya dahil kahit kailan hindi ko tinanggap ang pakikipaghiwalay sakin ni Belle at tinuring ko na rin syang parang ama ko.






"Pero pa-" tangkang pagtutol ni kuya Carlo pero sa huli binitiwan nya ako at pinaunang pinapasok sa bahay.







Pagpasok ko katahimikan ang namayani samin. Nasa loob din ang mama ni Belle at ang dalawa pa nyang kapatid na lalaki.






"Anung kailangan mo at nagtangka kang tumapak sa pamamahay ko?" Walang emosyong tanong ni Papa sakin na bumasag sa katahimikan.






Tiningnan ko sya sa mata bago magsalita. "Nandito po ako Papa para humingi ulit ng tawad sa mga nagawa ko noon at gusto ko rin pong humingi ng paalam dahil gusto ko pong makipagbalikan kay Belle." Paliwanag ko sa kanya.






"Ang lakas din ng loob mong magpaalam na makipagbalikan sa anak at tawagin akong Papa, hindi kita anak." ngumiti sya ng mapait "Alam mo bang hindi alam ng anak kong alam namin ang lahat ng nangyari sa inyo. Hinihintay lang namin sya ang magopen noon pero mas pinili nyang hindi na lang sabihin. siguro dahil ayaw nyang magmukha kang masama samin. Hanggang sa huli ikaw pa rin ang iniisip ng anak ko pero ano ang ginawa mo? Hindi ko pinaubaya ang nag-iisang babaeng anak ko para lang masaktan ng isang katulad mo." Mahabang litanya nya na tumagos sa kaluluwa ko. Ako ang may kasalanan.





His Unwanted Wedding (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon