3. Farewell London

545 10 0
                                    

Its confirmed that we will be assign permanently in the main office which is based in the Philippines. What luck do I have huh? (Insert sarcasm here) Ang sabi ng mga boss namin kami daw ang napili dahil sa performance at pagiging competent namin sa trabaho at isa pa ay mga Pilipino kami. They said that the main office only accept Filipino employees isa sa mga naging basehan ng pagpili ng ipapadala. Just great! Nakiusap ako na iba na lang ang ipadala nila pero hindi talaga pwede. Grabeng buhay naman to.




Ayoko na sanang bumalik sa Pilipinas dahil tahimik na ang buhay namin ng mga anak ko dito. Malayo sa kanya at sa sakit na maaaring maramdaman ng mga anak ko kapag nalaman nilang ang ama na wala sila ay mas pinili ang iba kaysa sa sarili ni lang ina.




"Hoy Caroline Belle Forteza ano na tunganga ka nanaman" nga pala kasama ko ang very supporting bestfriend ko (wew).




"Wag ka ngang magulo may iniisip ako" palusot ko.




"Anong iniisip mo ha? Ang muli nyong pagkikita?" nang aasar na tanong ni zands. Kainis talaga tong babaeng to eh.




"hoy babae akoy tigiltigilan mo ha. Iniisip ko kung papano ako haharap kina papa kasama ang mga anak ko. Di ba nga hindi nila alam na nagkaanak ako." Yun nga ang pinoproblema ko. Walang alam ang pamilya ko tungkol sa mga anak ko o kahit na sino sa Pilipinas ay hindi alam ang tungkol sa kanila, hindi ko alam kung papano ipapaliwanag sa kanila. Bago pa ko umalis ng bansa nalaman ko na buntis ako pero nung araw din nyon nagdesisyon akong umalis at wag ng ipaalam sa kaniya ang tungkol sa pinagbubuntis ko




" oo nga pala nasabi mo na ba sa dyosa at hearthrob kong mga inaanak na babalik na tayong Pilipinas? Tanong nya. Tsk hindi man lang magbigay ng advise. Maasahan talaga.



"Oo nasabi ko na" nasabi ko na kay rain at winter na lilipat na kaming Pilipinas wala namang naging problema sa kanila natutuwa nga sila makikita na daw nila ang lolo at lola nila saka daw mga tito nila. Hmp buti sila excited ako parang gusto kong magbigti na lang.



"Buti naman, eh kay super dakila mong suitor nasi Troy nasabi mo na?" Intrigera talaga kahit kelan



"Ilang beses ko bang sinabi na kaibigan ko lang yun at tumigil na sya sa panliligaw."






"Ewan ko sayo Caroline" kainis talaga to.





Si Troy minsang nanligaw pero pinatigil ko rin sapagkat wala akong balak magkaroon ng kahit anong relationship dahil sa mga anak ko. Kahit sinabi pa nyang tanggap nya ang mga anak ko ay hindi parin ako pumayag ayoko ko na ng mga complication nakakapagod na. Kaya noong sinabi ko sakanyang babalik na kami sa Pilipinas aba gusto ba namang sumama kung hindi ba naman baliw. Maghihintay daw sya hanggang ready na kong may papasukin sa puso ko. Pero ako mismo hindi alam kung magbubukas pa ba ang puso ko eh.







"Caroline eto seryosong tanong to ha." Seryosong sambit ni Zands. wow ha may serious side pala tong babaeng to.





"Anu naman yang seryosong tanong na yan aber? sagot ko sakanya.





"Anung gagawin mo kapag nagkita kayo ulit? tanong nya sakin.






Nawala ang ngiti ko sa pang-aasar sa kanya. "Honestly, hindi ko alam kung pwede lang wag na kaming magkita eh."






"alam mong hindi imposibleng magkita kayo" -zands





"alam ko naman yun eh. Pero hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magyari yang sinasabi mo"





"eh pano yung mga bata? wala ka ba talagang balak na sabihin sa kanya na nagkaanak kayo?" tanong nya. Nakakainis naman tong babaeng to pagnagseryoso. hayyyy






"hindi ko alam. pero mas gusto kong hindi na lang sabihin. ayoko ko ng magulo pa ang buhay namin ng mga anak ko"





"panong magugulo Caroline? lumalaki na ang mga inaanak ko bukas makalawa magtatanong na ang mga yan kung bakit ang ibang bata mayroong mommy at daddy at sila ay may mommy lang." saad nya.





"Talagang tinanong mo ko kung papano magugulo ah. Malamang sa malamang may sarili na syang pamilya kasama ang totoong mahal nya at ayokong manglimos ang mga anak ko ng konting atensyon na maaari lang ibigay ng lalaki na yun." sagot ko sa kanya. medyo naiinis na ako dahil sa lahat ng tao sya ang nakakaalam ng lahat ng nangyari sakin kung bakit ako umalis.





"karapatan ng mga bata ang makilala nila ang ama nila wag mong ipagkait yun sa kanila Caroline. Isipin mo munang mabuti ang mga desisyon mo" mahinahon pa rin nyang sambit.





"alam ko yun. Ayoko rin namang ipagkait sa kanila ang magkaroon ng ama pero hindi ko rin naman hahayang maramdaman ang mga sakit na maaari nilang maramdaman kapag pinapasok ko sa buhay namin ang ama nila. Hindi mo ko masisisi Zandra kung takot akong maramdaman ng mga anak ko ang sakit na naranasan ko. paliwanag ko sakanya. Pinigilan ko ang maluha habang sinasabi ko ang mga salitang ito sa kanya."






After one week

ngayon na ang lipad namin pabalik ng Pilipinas at pagkatapos ng pag uusap namin ni Zandra ay hindi na muli syang nagtanong tungkol sa bagay na iyon. Alam kong nag-aalala parin sya dahil sa lahat sya ang nakakita ng paghihirap ko para lang maitaguyod ko ang dalawang anak ko.

His Unwanted Wedding (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon