Habang nagkakatuwan kaming magkakaibigan sa pagkukwentuhan may biglang tumawag kay Zandra.
"Zandra" tawag ng lalaki na sobrang pamilyar ang boses sakin. Ayokong lumingin dahil natatakot akong tama ang hinala ko.
"ART!" gulat na bigkas ni Zandra sa pangalan ng lalaking tumawag sa kanya.
Biglang lumakas ang tibok ng puso ko ng bangitin ni Zandra ang huling pangalan na gusto ko ng marinig sa mga oras na ito.
Nangmakalapit siya samin Biglang tumunog ang cellphone ko number ni papa. Tumayo ako.
"Guys excuse lang tumatawag si papa." Humugot ako ng lakas ng loob para humarap sa kanila.
"Be....belle" rinig kong nauutol na bigkas nya sa pangalan ko.
"Oh hi. Excuse me for a while." Bati ko sa kanya na parang wala lang siya sakin. Na hindi kami naging mag asawa noon. Pagkatapos nun ay madali akong lumabas ng restaurant.
"Hello pa? Napatawag kayo, may problema ba?" Tanong ko kay papa sa telepono.
"Caroline pwede ka na bang umuwi? Si Winter kasi-"
"Winter? Anung nangyari sa kanya pa? " hindi ko na pinatapos si papa sa sasabihin nya dahil bigla akong nataranta at natakot pagkabigkas pa lang nya sa pangalan ng anak ko.
"Caroline huminahon ka. Ayos lang si Winter. Bigla kasing sumakit yung tiyan nya kanina pa umiiyak dito hindi naman namin mapatahan ayaw naman uminom ng gamot at ikaw ang hinahanap." Medyo nawala ang takot ko sa sinabi ni papa.
Hindi ko alam kung anung gagawin ko kung may mangyaring masama kahit sa isa sa mga anak ko. Sila ang buhay ko gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang sila.
Pumasok ulit ako sa loob at nagmamadaling nagpaalam sa kanila.
"Guys I have to go. Papa just called me and he said that Winter needs me." After I said those words I immediately left the place.
BAHAY
"Papa" tawag ko kay papa pagpasok ko pa lang ng bahay.
"Oh Caroline nanjan ka na pala."
"Pa si Winter kamusta?" Tanong ko kay papa.
" ayos na sya nasa loob sila ng kwarto, Natutulog. Napilit naming painumin ng gamot si Winter at dahil sa kakaiyak ayun nakatulog pati si Rain nakatulog din." Hayy salamat ayos na si Winter.
Pumasok ako sa kwarto nakita ko ang kambal ko na mahimbing na natutulog. Nakayakap si Winter kay Rain. Ganyan sila matulog pagmagkatabi niyayakap ni Winter si Rain na parang pinoprotektahan to kahit natutulog sila. Nakakatuwa silang pag masdan. Nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang nangyari kanina.
Tumabi ako kay Winter sa gilid ng kama.
"Babies you know what I just saw your father and his features never changed ganun pa din ang itsura nya except that he looks more mature but it adds more to his charm. He really looks just like you Winter. Im sorry if mommy deprived you to have a father. I maybe selfish, because one of the reasons why I dont want you to see him is that Im still hurting. The pain that i thought is gone is here again" turo ko sa bandang puso ko.
"Ang akala ko lang nawala pero ang totoo tinago ko lang at nung makita ko ulit sya kasama ng babaeng totoong mahal nya ay bumalik lahat ng sakit at mas lalong lumalim." Hindi ko napigilan ang mga luhang tumulo sa mga mata ko habang kinakausap ko ang mga anak kong tulog na tulog.
"Another thing is that I dont want the both of you to be hurt. To feel what I felt for longing to something that I will never get fully at the end. ayokong maramdaman nyo ang mga yun. Alam kong darating ang panahon na mararamdaman nyong may kulang sa inyo but one thing is for sure that I will always be here in every step of your way. I hope someday the two of you will understand my decision" and by that I dozed off to sleep beside my strenght, my twins.
Kinabukasan.
Hindi na kami umuwi sa condo at nagpalipas na lang kami ng gabi kina papa. Gusto rin naman nila papang makasama sina Rain at Winter dahil ilang taong hindi nila alam na may apo pala sila. Nangonsensya pa nga sila para lang mapapayag ako.
Habang kumakain kami ng agahan napaisip ako. Kinakabahan ako sa mga susunod na mga araw na darating. Nagkita kami ng hindi inaasahan natatakot akong magkita kami ulit at hindi lang ako ang makita nya kundi pati na rin ang kambal. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun.
"Caroline ayos ka lang ba?" nawala ako sa pag-iisip nang tanungin ako ni mama.
"Okay lang ho ako may iniisip lang po." Sagot ko kay mama.
"Mommy can we go out today? Gusto po namin ni Winter na mamasyal dito sa Philippines." Pangungulit sakin si Rain.
Anu pa nga ba ang magagwa ko kapag sila ang kausap ko. Im just an obidient mother hahah.
"Sure baby, where do wanna go today?" Pagpayag ko. Siguro dapat ilabas ko naman sila its been 3 days since we arrived here and I haven't tour my kids around the place where I grew up
"Mommy I wanna go to the mall." Sagot ni Rain. Mall? Malamang sa malamang gusto nanaman nyang magpabili ng sapatos. For a 4 year old kid she kind of obsessed with shoes.
"How about you Winter baby?"
"Mom stop calling me baby Im not a baby anymore." Hay nako bakit ba ganito ang mga anak ko mga matured ang isip.
"Fine. Sige na pagtapos nyong kumain aalis na tayo so you better prepare now." .
Pagkatapos magbihis ng dalawa dumeretso na kami sa mall. Si Rain ayun puro sapatos ang tinuturo. Hay anak ko nga talaga sa sobrang kakulitan. Si Winter naman sumusunod lang sa kapatid nya. Pero kahit hindi nya sabihin alam kong naiinip na sya. Ang pinakaayaw nya ay yung namimili muna bago bilhin. Gusto nya pagkapunta pa lang ay alam na ang bibilhin at dahil daw nakakapagod. Hmp mana saking mainipin pagdating sa ganitong mga bagay.
After sa mall pumunta kami sa isang restaurant para mag lunch masyadong nagenjoy maglaro ang dalawa sa arcade kaya halos late na kaming nakapaglaunch.
Habang kumakain ang dalawa nagpaalam ako sa kanila na mag-ccr lang ako at sinabihang wag sasama kahit kanino ipinagbilin ko din sila sa isa mga waitress para mabantayan.
Pagkabalik ko galing cr nakita kong may kausap na lalaki si Rain at si Winter ay nakatingin lang dun sa lalaki. Hindi ko makita yung mukha nung lalaki.
"Mommy" tawag sakin ni Rain habang nakangiti. Nakatingin pa rin sa kanya yung lalaki. Pagkalapit ko sa table namin ay humarap yung lalaki at hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito. Napatulala na lang ako sa kanya.
"Be...Belle?" Tawag nya sakin. At nagpalipat lipat ang tingin sakin at sa dalawang bata.
Tell me please this is not happening.....
BINABASA MO ANG
His Unwanted Wedding (ON-HOLD)
General Fiction"Art do you know the reason why I keep asking you to back out if you're not sure about this marriage many times before we get married?" I tried not to cry as I ask him that question. Hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin sakin. "Because Im afr...