6. Flashback 1

467 9 0
                                    

6 years ago

Bago maganap ang kasal ilang beses kong sinabihan si Art kung ayaw nya talagang magpakasal libre syang umurong at hindi sumipot sa kasal.





Tama arranged lang ang kasal namin. Pero hindi katulad ng iba na dahil sa pera kaya ka ikakasal. Hindi kami mayaman simple lang ang pamilya ko. Napagtapos ako ng maayos ng papa ko sa isang simpleng paaralan at pinagmamalaki ko yun.







Mayaman ang pamilaya ni Art at hindi ko alam kung bakit ako ang napili ng pamilya nyang ipakasal sa kanya. Ang sabi ni papa dati nyang matalik na kaibigan ang daddy ni Art na si Tito Enrique at napagkasunduan nilang ipakasal ang mga anak nila pagtungtong sa edad ng 20 ng kanilang mga anak kaya eto ako ngayon ikakasal sa kanya. Pumayag ako dahil pangako ko sa sarili ko kung wala pa akong boyfriend at may pinili para sakin ang mga magulang ko ay susundin ko sila.






Buong akala ko hindi pupunta si Art sa kasal pero nagkamali ako natuloy ang kasal namin at eto kami ngayon sa iisang bahay na ngayon nakatira.




"Art hindi ka ba kakain muna bago umalis?" Tanong ko kay Art na papaalis na. Hindi sya sumagot at tuloy tuloy sa pag alis. Sanay na ko sa kanya simula nung kasal ay ganyan na ang pakikitungo nya sa akin alam ko naman na ayaw nya sa arrangment na ito pero hindi ko alam kung bakit sya pumayag.





Apat na buwan na simula nung ikasal kami may improvement naman sa kanya pinapansin na nya ko at sumasabay na rin sya minsan sa pagkain bago pumasok sa opisina. Minsan niyayaya nya akong lumabas. Iniisip ko siguro gusto nya naring iwork out ang marriage namin kasi wala nanaman kaming magagawa we are already tied with each other.




"Belle" tawag sakin ni Art sya lang ang tumatawag sakin sa second name ko ang sabi nya para daw iba sya sa ibang taong nakakakilala sakin at tumatawag sakin. Minsan naiisip ko nadedevelop na kaya to sakin. Hay asa naman ako alam ko naman na may girlfriend sya bago pa kami ikasal at yun ang mahal nya at napilitan lang syang magpakasal.






"Oo anjan na" magdadate daw kami yun ang sabi nya kaya heto ako ngayon nag ayos ng maayos. Hindi kasi ako pala ayos sanay na ko sa simple lang pero para hindi naman mapahiya si Art nag ayos at nagbihis ako ng maayos. Naka pink dress ako na above the knee at wadge saka ko nilugay ang buhok ko at konting make up na din.




"Ang ta.......gal mo naman." Medyo natulala ata hehehe.




Naging maayos ang dinner date daw namin. Nagkwentuhan kami ng kung anu ano. Feeling ko naging mas close kami ngayon dahil nag share sya ng tungkol sa happenings sa buhay nya.





"Art una na ako pumasok sayo ah. Medyo napagod ako eh saka medyo inaantok na rin." Pagkatapos kong sabihin yun naglakad na ako papuntang kwarto.





Magkahiwalay kami ng kwarto kasi yun ang gusto nya. Okay lang naman sakin yung ganong set up kahit na gusto kong sabihin sa kanya na kung pwede ayusin na namin ang pagiging mag asawa namin. Hindi naman sa gusto ko syang katabing matulog hindi naman kasi pwedeng ganito kami habang buhay nuh. Pero nagulat ako sa bigla nyang pag hawak sa braso ko tanda ng pagpigil nya saakin.






"Ah Belle kanina ko pa gustong sabihin to. Ah.... pwede bang iwork out natin tong marriage natin?" Nabigla ako sa tanong nya. Pero nakabawi agad ako.





" okay lang naman sakin ang marriage na ito ikaw lang ang hinihintay ko para maging maayos ang pagsasama natin." Sagot ko sa kanya.






"pasensya kana sakin noon kasi hindi ko matanggap na nakatali ako sa isang bagay na hindi ko gusto. Wag ka sanang maoffend sa sinabi ko." Inaasahan ko na ito sa kanya kaya hindi na ko nagulat sa sinabi nya pero parang nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib ko.





"alam ko naman yun. Alam kong napilitan ka lang dahil may gusto kang ibang babae na gusto mong makasama sa habang buhay. Pero nagtataka lang ako sayo sinabihan kita na pwede kang umatras pero bakit hindi mo ginawa?" Tanong ko sa kanya.





"Wag mo na lang alamin. Basta ang mahalaga ngayon ay tayo, itong pagsasama na ito. Wala rin naman tayong magagawa eh nakatali na tayo sa isat isa." Parang sinaksak ako sa bawat salita nya




Hindi ako pamilyar sa mga naradamdaman ko. Bakit ako parang nabuhayan nung sinabi nya na iwork out namin ung pagsasama namin at para naman akong sinaksak ng sinabi nyang napilitan lang sya at wala ng magagawa dahil nakatali na sya sakin.




"Bilang simula pwede bang sa iisang kwarto na tayo matulog.?" Tanong nya na ikinabigla ko.

To be continue......

His Unwanted Wedding (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon