Simula

226 14 34
                                    

"I heard the news on what happened to your dad." Nasa boses ni Jay ang pag-aalala.

We're in his car, driving through the Col de Turini, which is one of my favorite driving routes in France because of the breathtaking mountain scenery.

Maliban sa pagkain sa mga fine dining restaurant, hilig namin ni Jay mag-roadtrip. After a long week, we just want to relax and enjoy.

Tumango ako. "Sabi ni mommy, nakauwi na raw ng bahay si dad, nagpapalakas."

Nginitian niya ako. "So, he's all right now. You have nothing to be concerned about."

"Tutuloy pa rin ako. Gusto kong umuwi ng Pilipinas," usal ko.

Dumungaw ako sa bukas na bintana ng kotse, dinama ko ang preskong hangin at pinagmamasdan ang mga nadadaanang puno.

"Your mother assured me that your father is fine-"

"Pero gusto ko pa ring umuwi," putol ko kanya sa pinal pero mahinahong tono.

"Do you want to visit him?" tanong ni Jay na para bang hindi ko pa ito nasabi sa kaniya noon. "Ilang araw ba gusto mo? Sasamahan kita."

Bumaling ako sa kaniya at sinalubong ang asul niyang mga mata. Umiling ako. "No, I want to stay in the Philippines for good."

"Tutuloy ka talaga?" Nanimbang ang tono niya.

Tumango ako. "Yes, next month sana-"

"Seriously?" Unti unting nagsalubong ang mga kilay niya. "Paano ang pag-aaral mo rito? Hihinto ka? Dalawang taon na lang gragraduate ka na diba?"

"Pwede naman akong mag-aral doon..."

Nagtiimbagang siya. "Eh tayo? Paano tayo? Iiwan mo ako rito?"

Umiling agad ako. "Hindi ba't sabi ni tito, sa Pilipinas ka na rin mag-ii-stay pag ikaw na ang maghahawak ng kompanya nyo?"

Hindi makapaniwalang binalingan niya ako. "Gusto mo ng LDR?"

"Ilang taon lang naman..."

"BAKIT BIGLAAN, ADALAIDE?!" tanong niya sa mas mataas na boses na kinapitlag ko.
Gulat na tiningnan ko siya sa mukha at kitang kita ko ang frustration roon dahil namumula iyon.

Adalaide is my second name. Jay used to call me Adie. Kapag binabanggit niya ng buo ang second name ko, alam ko na.

Galit siya.

"Jay, dalawang beses nang inatake sa puso si Dad. Tumatanda sila ni Mommy. Hindi ko kayang magtagal dito habang nandoon sila!"

"Bumibisita naman sila rito taon taon diba?!"

"But I want to take care of them..." sagot ko sa mahinahon pa ring tono, kabaliktaran ng kaniya. "Namimiss ko na sila.."

"Hindi ka na ba talaga mapipigilan? 2 years na lang, Adie, Two years ka na lang dito!"

Bumaba ang tingin ko sa mahigpit na pagkakahawak niya sa manubela.

"Two years pa," pagtatama ko. "Paano kung may mangyari kay daddy? Kay mommy?"

Hindi siya sumagot. Namayani ang katahimikan. Nanatili naman ang tingin ko sa kaniya upang makiramdam. Bakas na bakas sa mukha niya ang inis. Matalim ang tingin niya na nakatuon sa kalsada.

"Naiintindihan mo ba ako, Jay?"

"Kung ganyan talaga ang gusto mong mangyari, maghiwalay na tayo. LDR didn't work for me. Kung gusto mong umuwi, sige umuwi ka!"

Natigilan ako sa narinig at nanlalaki ang mata na tinitigan siya. Hindi ko na naitago ang nararamdamang pagkagulat at pagkadismaya. Because my parents are involved, I was expecting him to support my decision. He's so close to them that I'm sure he understands my decision.

"Do you really mean that?" tanong ko nang makabawi.

"Ihahatid na kita sa inyo," imbes ay sagot niya.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang maihatid niya ako sa bahay.

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon