KATE
I tried to make us work but as the days and weeks passed by the answer inside me became clearer.
Huling linggo na ng Marso at patapos na rin ang napagkasunduan namin ni Jay.
Ito na ang huling araw na pagsalba kung kaya pa ba naming ibalik sa dati ang lahat, kung kaya pa bang ituloy ang limang taong relasyon.
Malinaw na ang sagot sa akin.
Hindi na.
Natigil ako sa pag-iisip ng malalim nang biglang abutin ni Jay ang kamay ko para pagsaklupin iyon.
Nasa Bayleaf Hotel kami sa Intramuros. Ang lugar kung saan akong inaya ni Jay lumabas.
Maganda ang lugar. Isa itong restaurant sa roof top kaya habang kumakain, tanaw na tanaw namin mula sa kinauupuan ang papalubog na araw.
"Mukhang kahit papaano makikita natin rito ang paglubog ng araw…" rinig kong sabi niya kaya nalipat sa kaniya ang tingin ko.
Nakatingala siya langit. Nakangiti pero hindi kasama ang mga mata niya.
I know that he knew.
I know that he knew my decision.
Napatingala rin ako sa langit.
Malapit na ngang lumubog ang araw…
Parang kami…
Ramdam kong tumingin sa akin si Jay. "This is our last day, right?"
"Sorry…"
He smiled. "Alam ko. Ang mahalaga sinubukan natin. At least ngayon, mabibitawan kita na buo ang loob."
Nakagat ko ang sarili kong labi ng sabihin niya iyon. Nagsimula na rin ang pamamasa ng mga mata ko.
Ang kalmado niya ngayon.
For the last three days, I have been blaming myself for not making our relationship work. Jay did his best. Jay treated me well. Treated me even better than we're in a relationship.
'Ayaw ko siyang saktan.' paulit ulit na sabi ko sa isip ko.
"Sorry…" ulit ko lang.
Nakakainis. Wala akong ibang masabi para mapawi lahat ng sakit ng magiging desisyon ko.
"It's fine Adie. Naramdaman ko naman na hindi na nga talaga tayo kagaya ng dati. Maybe those two months we broke up and we're far from each other really changed us, our perspective, our lives and our feelings." He paused. "Alam kong si Tyler na…"
Bakit ang sakit na marinig sa kaniya?
He smiled. "Naiintindihan ko kaya wag ka nang magu-guilty sa nararamdaman mo."
I smiled back while tears started dripping down my cheeks.
Jay is the person that has the greatest character development I know. I don't know what happened to him while he was in France but I am happy how he became considerate and understanding with my feelings, with my decision.
"Bukas babalik na rin ako ng France…" dagdag niya na kinakuha ng atensyon ko.
"Bukas na agad?"
He nodded. "Our company needs me. Tapos na rin ang laban ko rito."
Damn.
Bunch of tears started to drip down again.
Hindi na ba ako titigil kakaiyak?
Gumalaw si Jay sa kinauupuan nito at lumapit sa upuan ko. Nanatili akong nakatingin sa kaniya habang pinapanood ang susunod niyang gagawin.
Nakangiti niyang binuksan ang mga bisig niya.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...