KATE
Today is the last day of our class for the school year. Naka-uniporme na ako at kasamang nag-aalmusal ang mga magulang ko at si Jay.
Napabuntong hininga ako.
Jay is staying with us for almost a week.
At sa loob ng isang linggo na iyon ay palagi akong pagod sa pakikipagsalamuha at pakikisama sa kaniya.
I try to avoid him, but he always manages to create situations that force me to interact with him. Ayokong paulit ulit kami pero masyado siyang makulit.
"Kumusta kayo mga anak?" biglaang tanong ni mommy sa tahimik na pag-aalmusal naming lahat. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Jay. "Nagkakamabutihan na ba ulit kayo?"
"Mukhang may tampo pa rin po si Adie sa akin," rinig kong sagot ni Jay sa tabi ko kaya salubong ang kilay na nilingon ko siya.
"Pagpasensyahan mo na iho ang anak namin ah?"
"Okay lang, tita."
"At siya nga pala iho, I spoke with your mother this morning. She'll be fine if you join us for Christmas."
"Thank you po, tita and... tito"
Sinilip ko ang mukha ni dad.
Tipid na ngumiti ito at tumango tango.
Napabuntong hininga ako.
"Tapos na po akong kumain. Alis na po ako mom and dad." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at bumeso para magpaalam sa mga magulang ko.
"Hindi pa tapos kumain si Jay. Hintayin mo at siya ang maghahatid sayo." sabi ni mommy.
"Hindi na tita, busog na rin po ako," sagot naman ni Jay. Napansin kong binitawan na nito ang kutsara at tinidor na hawak.
Umiling agad ako. "Hindi na Jay, kay kuya Ruben na ako magpapahatid." I smiled at him. Iyon na lang kasi ang naiisip kong paraan para wag siyang mangulit. "Tapusin mo ang breakfast mo."
"No-"
"Nagkikita naman tayo araw araw rito sa bahay," putol ko sa kaniya.
I saw my mom nodded. "Oh yes, I agree. Hindi ka namin family driver iho. Ngayong rito ka na tumutuloy sa amin, di mo na kailangang ihatid sundo si Kate sa school. Trabaho yun ni Ruben."
Sa wakas!
Masasakal na ata ako na kung pati sa paghahatid sundo, si Jay pa rin ang kasama ko.
Hindi na tama na lagi siyang nakabuntot sa akin. Daig pa namin ang dating kami. Noong kami pa sa France, halos thrice to twice a week lang kami nagkikita.
"Maam, bag nyo po," sabi ni Rosita nang makalabas ako ng bahay.
Nginitian ko siya. Mula nang dumating si Jay hindi na rin kami gaanong makapagkwentuhan.
"Salamat, Rosita."
"Walang anuman ma'am," nakangiti niyang sabi. Lumapit siya sa akin na parang may sasabihin.
Bahagya akong yumuko. "Ano yun?"
"Si sir Tyler po ma'am, kumusta?"
Napakurapkurap ako sa tanong niya.
"Hindi ko alam. Baka busy," sagot ko na lang na may pilit na ngiti.
Tumango tango naman siya. "Sana ligawan ka na niya para tigilan ka na ng makulit mong ex."
"Imposible yan, Rosita," sagot ko. "Una na po ako."
"Ingat po ma'am!"
Nakangiting tumango ako sa kaniya bago pumasok ng kotse.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...