Akala ko masama lang ang loob niya kaya nabitawan niya ang ganong mga salita but I was wrong. Matapos niya akong ihatid sa bahay, hindi na ako nakatanggap ng message o kahit call mula sa kaniya.
Isang linggo na mula nang di siya nagpaparamdam. Sa mga araw na iyon, inabala ko ang sarili sa pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin ko pauwi ng Pilipinas.
Kung hindi niya gustong umuwi ako ng Pilipinas, bahala siya. Wala nang makakapigil sa aking umuwi kahit na sino pa!
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang kirot roon. Kinurap kurap ko ang mga mata ko upang pigilan ang pamamasa niyon.
Ayokong iyakan.
Bakit ang hilig niyang makipag-break kapag hindi niya nakukuha ang gusto niya?
Bakit hindi niya ako naiintindihan?
"Ma'am Kate, aalis na po ba talaga kayo?"
Nahinto ako sa pagtutupi ng damit at tipid na nginitian si Manang Flora, kasambahay namin rito sa France.
Here in France, we have our own house. My father is French, and we've been living here since I was four years old. Sa Pilipinas ako pinanganak pero sa France lumaki. Naiwan lang ako rito sa France nang maglabing dalawang taon ako. Kalaunan kasi ay pinili na rin ni Mommy na sumunod kay Daddy na bumalik Pilipinas. Nasa Pilipinas kasi ang kumpanya at kapwa silang may malaking responsibilad roon.
Naiwan nila ako rito kasama si Manang Flora. They want to finish my study at a top university here in France. Gusto nilang dito ako grumaduate ng kolehiyo bago sumunod sa kanila sa Pilipinas.
I used to like that because that's what they like for me. Ngunit habang tumatagal na malayo sila sa akin, hindi ko mapigilang malungkot at mag-alala. Sunod sunod na din ang nababalitaan kong problema sa kalusugan ni daddy.
Hindi man ako close sa mga parents ko, hindi ko naman matataim pa na magtagal rito habang nasa malayo sila at pabalik balik sa hospital.
"Opo, manang Flora, tutuloy na po talaga ako ngayon," sagot ko sa ginang.
Umupo siya sa tabi ko at nakitulong sa pagtutupi. "Nasabi mo na ba sa mga magulang mo?"
Umiling ako. "Hindi pa po."
Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon sa mukha niya
"Sasabihin ko rin naman po," pagsisinungaling ko.
I need to lie about this. Hindi ako magpapaalam dahil alam kong pipigilan nila ako.
Makailang beses ko nang binalak umuwi ng Pilipinas pero sa tuwing magpapaalam ako sa kanila, napipilitan akong hindi tumuloy dahil tutol sila. It's hard to disobey my parents.
Kaya eto ako, buo na ang desisyon. Hindi na lang magpapaalam para hindi nila ako matutulan.
I roamed through my cellphone again to see if Jay messaged me. No text messages, no calls, no voice messages, nothing.
Tapos na nga.
We've already broken up and he disappoints me. I just can't believe he chooses to end our 5-year relationship because of my decision.
***
I book my flight and decided to go back to the Philippines on my own. First time ko pa naman magbiyahe mag-isa kaya anxious ako sa mga plinaplano kong gawin.
Wala akong tulog. At kahit nasa himpapawid na, nanatiling gising ang diwa ko. Hindi rin ako makakain. Ang daming tumatakbo sa isip ko: ang magiging reaksyon ng mga magulang ko, si Jay at ang pag-aaral ko.
Fourteen hours passed and I am coming off the plane.
Nasa Pilipinas na ako.
Nagsimula akong ipamilyar ang sarili sa paligid habang pinagmamasdan ang kabuuan ng airport at ang mga taong palakad lakad.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...