"Hindi kita sinipot nakaraan," paliwanag niya nang mapansin ang pagtatanong sa mukha ko. "Galit ka?"
Nangunot ang noo ko roon. "No. Of course, not"
Does he still remember that?
At bakit naman ako magagalit? I am sad because, yes, I expected him to arrive, but being angry about it is too much, right?
Hindi naman niya obligasyon na samahan ako.
"I was in the meeting that day. Late kaming natapos kaya late rin kaming nagbreak, hinanap kita sa cafeteria, but you weren't there. Naisip ko nauna ka na."
"Meeting, saan?" kuryoso kong tanong.
"Student Council."
"Officer ka?" tanong ko.
He showed me his small smile. "Yes. I'm the vice president."
"Kaya mo?" kunot noo kong tanong "You are 4th year, right?"
"Ganon talaga walang gustong tumanggap ng responsibilidad," nakangiti niyang sagot.
Tumango ako.
"Hindi na bale, babawi ako."
Nakuha non ang atensyon ko. "Kahit hindi na. Ayos lang naman sa akin."
"Nga pala, bakit ka naglalakad kanina?" pagbabago niya ng usapan, binalewala ang pagtanggi ko.
Napabuntong hininga ako.
Naalala ko na naman ang panghihinayang ko na makasakay ng jeepney.
"Balak ko sanang magjeep papuntang school pero hindi ko yata namalayan ang oras habang naglalakad."
Lumingon siya sa akin pagkatapos ay tiningnan ang kabuuan ko.
What's that?
"Nakasakay ka na ba ng jeep?"
Muling nangunot ang noo ko sa tanong niya.
Halata bang hindi?Nasa appearance ba makikita kung nakasakay na sa jeep o kung hindi?
"Bakit?" imbes ay tanong ko pabalik.
Lumawak ang ngiti niya. "Lumagpas ka sa terminal."
Natigilan ako roon. Bigla siyang tumawa kaya nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan.
Again?
Naligaw na naman ako!
At nakita na naman niya!
Nag-iwas na ako ng mukha dahil sa kahihiyan.
Ilang beses na bang nagmukha akong stupid sa harap ng taong ito!
"So..it's your first time," sambit niya pero nanatili na lang akong tahimik habang nag-iinit ang pisngi.
"Bakit ka magco-commute? At bakit jeep?"
Muli akong tumingin sa kaniya.
He's laughing at me but I don't know why I am not offended.
This guy is chill and easy going. I always chose to be quiet whenever I am shy or even just infront of the stranger but this guy is different, he keeps on initiating the conversation.
It's just weird that I am the one here who needs friend. Pero siya pa itong nag-aapproach sa akin.
"Our family driver was away so I decided to take a public transportation. I am also fascinated with jeepneys so I thought it will be great if I experience for me."
Muling tinuon nito ang tingin sa daanan, nakangiti pa rin. "Rich kid," komento niya.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng school. He parked his car on the school parking lot and he even helped me out of it.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...