KATE
'Hindi ako galit, Kate.'
Hindi ako galit sayo, Kate pero gusto na kita ngayong iwasan...
Ganoon ba ang ibig niyang sabihin?
'Kate, ano ba tayo?'
'Ano bang gusto mo, Kate?'
Biglang bumalik sa alalala ko ang mga tanong niyang iyon.
'We're friends, right?' and that was my answer.
Nagpanic ako sa mga oras na iyon at hindi alam ang sasabihin.
Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa alalang iyon.
Tama ba?
Napabulagta ako sa aking kama at sinabunutan ang sarili out of frustration.
Bakit niya ako tinanong ng ganon?
Hindi ba't dapat ako ang nagtatanong sa kaniya kung ano kami?
Are we more than friends but less than lovers?
Napailing ako.
We're just friends.
Bakit ko nga naman nalimutan, sa simula ganon naman talaga kami. I ask him to be my friend, pumayag siya.
Napahawak ako sa dibdib kong bumibilis na naman ang tibok. Pero bakit parang hindi...
Ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito?
"Ma'am Kate!" rinig kong tawag kasabay ng katok sa pinto ko.
"Yes po, Rosita!" sigaw ko at nanatiling nakahiga.
"Ma'am, pinapatawag po kayo ng mommy nyo. Si sir Jay po nasa living room."
Nangunot ang noo ko sa narinig.
Nakabalik na siya?
I mentally count the days he left. Five days lang? Hindi siya umabot ng isang linggo.
Bumangon ako sa aking kama at pinagbuksan si
Rosita."Nandito si Jay?" tanong ko rito.
"Opo ma'am. May kutob rin po ako na dito siya manunuluyan sa inyo. May mga dala pong maleta e."
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Hindi na ako nag-abala pa na magbihis o mag-ayos, dali dali akong bumaba ng hagdanan.
I am wearing oversized shirt and cotton shorts, ni wala man lang akong sapin sa paa.
Naabutan ko nga si Jay sa sala pero mas natuon ang mga mata ko sa mga dalawang maleta malapit sa pintuan.
"Adie.."
"Kamusta si tito?" tanong ko agad.
Jay looks tired. Dito ba agad siya dumiretso?
"He's fine now. He just got some bruises. Wala namang nakitang problema sa kaniya after siyang i-laboratory test."
Nanatili akong nakatayo malayo sa kaniya. Malapad ang ngiti niya na nakatingin sa akin kahit halata sa mata niya ang pagod.
"Kate, you're here." Napalingon ako kay mom nang biglang lumabas ito mula sa kusina.
"Can you please accompany Jay to one of our guest rooms?"
Kunot noong bumaling uli ako kay Jay. Mula sa pagkakaupo sa sofa, tumayo siya.
"Rosita!" rinig kong tawag ni mommy. "Please call the other maids to carry these suitcases."
Nagtataka na sinunod ko na lang ang sinabi ni mommy. Sinamahan ko si Jay patungo sa isang guest room namin.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...