KATE
Tirik na tirik ang araw. Masakit sa balat ang init nito at ang hirap idilat ng mga mata dahil sa liwanag kahit ala-sinco na ng hapon. Malapit na ang summer at kasabay niyon ay matatapos na ang academic year.
Naupo muna ako sa bench at hindi muna tinawagan si Kuya Ruben upang sunduin ako.
Tinuon ko ang tingin ko sa mga fourth year na palabas ng kani-kanilang building. It was pleasing to the eyes to see their various colored t-shirts. They are not dressed in school uniforms. Ang department t-shirt na ang suot nila. Natapos na kasi nila ang mga ojt nila at nagprapractice na lang for graduation.
I smiled.
Sana lahat.
Ngayong pa-graduate na ang fourth years, marami na ang magbabago sa Hamilton University. May bagong mauupong student council officers dahil parehong bababa at gragraduate na si Kuya Gus at si Tyler.
Speaking of which, I noticed him from a distance conversing with Kuya Gus. They are dressed in black and blue polo shirts.
Si Tyler...
I heard he's running for Latin honors alongside Kuya Gus.
I am happy for him.
Pinilit kong iniwas ang tingin sa gawi niya sa takot na mahuli ako pero ang makulit kong mata ay laging wala sa sarili na napapatingin.
Paano kasi, napansin ko nitong mga araw, makailang beses ko siyang nakasalubong at makailang beses niya rin akong nginitian.
Hindi ko maintindihan.
Anong kahulugan ng ngiti? Bakit hindi niya na lang ako kausapin?
Kunot noong lumingon uli sa gawi niya..
At nahuli na nga ako!
Mabilis na nag-iwas ako ng tingin at tumingala, patay malisya na tinuon sa puno ng ilang-ilang ang atensyon
Uwi na nga ako.
Kinuha ko na sa bag ko ang phone ko upang imessage si kuya Ruben. Naging ugali ko na ata talaga ang magsinungaling sa oras ng uwi ko. I just like spending my time alone after class. Magmuni muni bago umuwi ng bahay.
Pero hindi ngayon lalo pa't nagkalat ang mga fourth years sa quadrangle.
"Hey," mula sa pagkakayuko sa phone ko, napukol ang tingin ko sa puting rubber shoes na nasa harap ko.
That voice...
Nag-angat ako ng tingin at natigilan nang makitang si Tyler nga iyon.
"Bakit mag-isa ka?" nakangiti niyang tanong na lalong kinagulat ko.
Nilingon ko ang kanan at kaliwa ko pati na rin ang likod. Baka hindi ako ang kinakausap niya.
"Wala si kuya Ruben?" tanong niya uli kaya napatingala ako.
That bright smile....
"Ahm ano..." Huminga ako ng malalim pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "Papunta pa lang siya."
Napansin kong humakbang pa siya palapit kaya napagsara ko ng mahigpit ang mga binti ko na tila pinaliliit ang sarili. Pakiramdam ko ay natigil ako sa paghinga nang ilapat niya ang kamay niya sa kanang side ng inuupuan ko.
"Can I sit too?" he asked.
Mabilis na umusod ako para makaupo siya.
Muli akong huminga ng malalim.
Ang bilis na naman ng pintig ng puso ko. Para na naman iyong tambol na inihahampas.
"Kumusta?"
Nakagat ko ang labi ko nang marinig ko ang tanong na iyon mula sa kaniya.
"Uhmm. Okay naman," sagot ko sa masiglang boses.
He smiled again. "Mabuti naman."
Anong nangyayari?
Bakit niya ako kinakausap?!
Hindi ako mapakali. Parang gusto ko nang umalis..
"Ano... nga pala, congrats," sabi ko.
"Saan?"
"Gra-graduate ka na."
Tumango siya. "Ah, oo. Thank you." Napansin kong gumalaw siya sa pagkakaupo at humarap sa pwesto ko.
Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay dumoble dahil roon.
"Take this," sabi niya pagkatapos ay may inabot sa aking card.
Tiningnan ko kung ano iyon.
Invitation card para sa graduation.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, nagtataka. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang mga mata namin.
"Pumunta ka. Gusto kitang makita sa graduation ko."
Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. "Hindi ka na galit?" naiiyak kong tanong.
Ngumiti siya sa akin. Gamit ang kaniyang kamay inalis niya ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. "Hindi ako galit. Ikaw, galit ka ba sa'kin?"
Mabilis akong umiling.
His smile becomes bigger. "Sorry for being an asshole." rinig kong sabi niya.
From my cheeks, I felt his hand move at my back. He leaned towards me and gave me a tight hug.
Lalo akong naluha.
Gosh, namiss ko siya.
"Babawi ako," bulong niya. "Hindi na kita uli papakawalan."
I was stunned by what I heard. Natauhan lang ako nang makarinig ako ng palakpak. Humiwalay ako kay Tyler at nakita ko si Kuya Gus at Shannon sa di kalayuan na pumalakpak habang nakangiting nanood sa amin.
"Congrats!"
.
.
.
.
.
'We may have made many mistakes and complicated things along the way, but as we overcome the pressures of love, we eventually find our way back into each other's arms.'
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...