The professor introduced me in front of the class. Habang ginagawa iyon ng professor, inikot ko ang tingin sa mga magiging kaklase ko, naghahanap ng grupo na pwedeng samahan. Pero sa tuwing nakikitang nilang nakatingin ako sa kanila, nag-iiwas sila ng tingin.
Mukhang malaking problema ito...
I am socially awkward and selective. Hindi ako agad nakakapag-adjust sa paligid lalo na kapag unfamilliar ako. Hindi ako approachable at halatang halata iyon sa itsura ko.
Hindi ako nasanay sa pakikiharap sa tao kahit pa sabihin na nagmula ako sa mayamang pamilya at laging sinasama sa mga bussiness events noong bata pa ako.
Sumapit ang second subject na wala akong nakausap ni isa sa mga kaklase ko.
Kinibit balikat ko na lang.
First day ko pa lang naman kaya ayos lang.
Pagkatapos ng second class namin, lunch break na pero kinakailangan ko munang dumaan sa faculty office upang lapitan ang ibang professor ko para sa mga hahabulin kong activities. Naging mabait sila sa akin at sinabihan pa ako na babawasan na nila ang gagawin ko para madali akong makahabol sa klase.
Laking pasasalamat ko dahil roon.
Pero nang tanungin nila ako kung kumusta si daddy, alam ko na kung bakit ganon na lang kagaan ang pinapagawa nila sa akin.
Connection.
Mukhang may connection si daddy sa university na ito.
"Okay lang naman po ma'am kahit marami akong hahabulin," bawi ko.
"No, Ms. de la Fontaine, naiintindihan namin kung bakit ka na-late mag-enroll. Galing kang France diba?"
Marahan akong tumango.
Wala na akong nagawa kundi pumayag. Gusto ko rin naman. Sino bang ayaw na mapadali ang gagawin? Nakokonsensya lang naman ako dahil hindi fair.
Pagkagaling sa office, napagdesisyunang kong magtungo sa cafeteria. Kanina pa ang lunch break kaya halos wala ng estudyante sa quadrangle.
Sa kasamaang palad, hindi ko rin alam kung saan ang cafeteria.
Muli kong binuksan ang digi map sa phone ko. Nagbabakasakali na maintindihan ko na...
Tumitig ako roon ng ilang minuto.
Natampal ko ang noo.
Hindi ko pa rin yun maintindihan!
What the hell?
Inikot ko uli ang tingin sa paligid, naghahanap ng matatanungan. May nakita naman akong grupo ng mga babae sa di kalayuan. Naghahagikan ang mga ito pero nang makita nila na nakamasid ako sa kanila, nagsitaasan ang mga kilay nito.
Inaano ba sila?
"Yes, Kuya Gus. Papunta na ako diyan sa cafeteria..."
Naagaw ng pansin ko ang litanyang iyon mula sa lalaking mabilis na dumaan sa harapan ko.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto nito. Medyo matangkad, palagay ko'y 5'9 ito. Nakalapat sa kanang tainga nito ang cellphone.
Papunta daw sa cafeteria? Tama ba ang dinig ko?
Sinundan ko ito at balak sanang tanungin pero mukhang busy ito katawagan sa cellphone.
"May dinaanan lang ako..."
Nanatili ako sa likod nito, nag-iwan ng malaking distansya para hindi halatang nakasunod ako.
Papunta rin naman siya sa cafeteria, edi makikisabay na ako...
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...