Kabanata 12

37 12 8
                                    

"Namumutla ka pa rin. Are you sure you are okay?" muling tanong ni Tyler nang makarating na kami sa pinakamalapit na carinderia sa Hamilton University.

Nakangiting tumango ako. "Ayos na ako. Ganito naman talaga ako diba? Maputla," biro ko.

Umiling siya. Hindi man lang ngumiti sa sinabi ko. "You look sick."

I sighed. "Wala sa aking masakit, promise," sabi ko sabay taas pa ng braso na parang nanunumpa.

Ganon naman talaga ako, matagal bumalik sa dating kulay kapag namumutla. Mabilis akong mamutla kapag kinakabahan at tensyunado.

Nilapat niya ang likod ng palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit."

"Dahil wala naman akong sakit," dugtong ko sa kaniya. "Order na tayo," pag-iiba ko ng usapan sabay turo sa mga nakadisplay na pagkain sa carinderia na iyon.

This is not my first time here in carinderia. Hindi naman ako kumakain sa ganito pero sinubukan akong dalhin noon ni Tyler nang malaman niyang hindi pa ako nakakakain rito. I actually like the food here.

Tuwing lunch time, kumakain rin kami sa gotohan, mamihan o kaya naman lugawan.

Isa sa mga dahilan kung bakit natutuwa akong kumain sa ganitong lugar bagaman maliit lang espasyo sa loob, ay dahil walang estudyanteng taga Hamilton ang kumakain. May privacy. Walang matang nakatingin dahil kasama ko si Tyler. Wala ring sumasabay sa amin dahil hindi naman kumakain sa ganitong mga lugar ang mga estudyante ng Hamilton.

Napahalumbaba ako nang may ma-realized. Noon kapag sasabay ako sa kaniya maglunch, lagi siyang may sinasamang ibang estudyante.

Bakit ngayon, wala na?

"Anong gusto mong kainin?" baling sa akin ni Tyler.

Tumingin ako sa mga nakadisplay na pagkain na hinaharangan ng salamin. Medyo kakaunti ang benta nila ngayon kumpara noon pero ayos lang.

"Yung adobo atsaka yung eggplant," turo ko.

Tumango naman si Tyler. Siya na ang nagsabi sa nagtitinda.

"At ate, pahingi rin kami ng sabaw, dalawa," pahabol niya pa bago ako dalhin hawak hawak ang kamay ko sa mesang napili niya.

"Saglit lang..." Binitawan niya ang kamay ko.

Tumango lang ako at pinanood siya sa gagawin niya.

Humahanap pala siya ng maayos na upuan dahil karamihan sa mga upuang nandoon ay butas o basag ang mismong inuupuan.

Napangiti ako sa pagiging gentleman niya.

They should replace those chairs. Baka may maaksidente.

"Here." Nilapag niya ang nahanap na upuan. "Bakit dito mo gustong kumain ngayon?"

"Namiss ko lang," sagot ko na may tipid na ngiti.

Madalas kasing sa cafeteria ako kumakain kasama si Shannon. Minsan may dala dala pa siyang niluto niya. Mas nagugustuhan ko na tuloy ang pagkain ng mga lutong ulam kaysa sa mga pagkaing restaurant.

Ngumiti lang si Tyler sa naging sagot ko.

Bumalot ang katahimikan sa pagitan namin habang pinapanood ang tindera sa pagpre-prepare ng order namin. This becomes our normal and I like it. It is a comfortable silence. Kapag siya ang kasama ko, hindi ko kailangan mapressure na magsalita para hindi maging boring.

Parang nagpapahinga lang.

Napansin ko ang biglang paggalaw ng kamay niya na nakapatong sa mesa. Pasimple niya iyong pinatong sa kamay ko. Iniharap ang palad ko sa kaniya at marahang pinisil pisil iyon na parang minamasahe.

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon