KATE
Hindi pa man nakakabihis ng pambahay galing eskwelahan kumatok agad ako sa kwarto ng mga magulang ko. Agad na bumukas iyon at bumungad sa akin si mommy na nagsusuot ng hikaw sa kaliwang tainga. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang maroon ruffle sleeve dress. Nasilip ko naman sa loob ng kwarto si daddy na abala sa pag-aayos ng tie nito.
"You'll going out together? Saan po kayo pupunta?" taka kong tanong.
"Business meeting iha kaya baka gabihin kami ng daddy mo."
Bumaba ang tingin niya sa suot ko at ngumiwi. "Bakit naka-uniform ka pa? You look sweaty."
Bumuntong hininga ako dahil sanay na ako sa kaniya. She really hates sweat, dirt, or anything she finds gross.
"Mom, can I ask you something?"
"Importante ba yan at kailangan mong itanong ngayon?" tanong niya pagkatapos ay muling pumasok sa loob ng kwarto nila. "Pasok ka, wag kang uupo sa kama." Humarap siya sa vanity mirror at inayos ang make up.
I looked at my dad. Maayos na ang kalusugan niya dahil bumalik na ang mga laman niya sa katawan.
"What is that Kate?" tanong ni daddy nang mapansin ang tingin ko.
"Nagsabi ba si Jay sa inyo na pupunta siya ng Pilipinas?"
Nangunot ang noo nilang pareho.
"Nasabi niya sa akin nakaraan na magbabakasyon muna siya. Bakit iha, nagkita kayo?"
Nagbaba ako ng tingin habang nag-iisip. "I saw him at our school."
"Talaga?" Humarap sa akin si mom tila naging interesado. "Anong ginagawa niya roon? Nag-usap ba kayo?"
Umiling ako. "Nakita ko lang siya."
"Maybe he misses you," nakangiting sagot ni mom bago muling humarap sa vanity mirror. "Baka ang tinutukoy niyang bakasyon, ay ang makita ka."
I sighed. "He's already broken up with me, Mom. We're done," amin ko.
I expected them to be surprised, but they weren't. Ganon na lang ang pagtataka ko nang hindi ko man lang sila natigilan sa pag-amin ko.
"Misunderstanding lang iyan iha," komento ni mommy. "Mahal nyo ang isa't isa. Bagay kayo at mag-aanim na taon na kayong magkarelasyon, bakit kayo maghihiwalay dahil lang sa di pagkakaunawaan?"
"Mom, siya ang nakipaghiwalay-"
"So? Baka kaya pinuntahan ka niya rito para makipag-ayos. Give him a second chance anak," pagputol niya sa akin. "Tao lang si Jay, nagkakamali."
"Mom kasi-"
"Bakit ayaw mo na ba?" pagpuputol niya uli. "Ayaw mo bang ayusin ang limang taong pinagsamahan nyo?"
Napalunok ako sa tanong na iyon.
Ayaw ko na ba?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa halo halong dahilan, sa kaba, sa pagkalito, sa takot. Natatakot ako sa sagot sa tanong na iyon. Hindi ako sigurado.
"Go, change your clothes, iha. Pag-isipan mo nang maayos ang bagay na iyan. Kukumpirmahin ko rin kung nasa Pilipinas nga si Jay para matulungan natin. Kawawang bata, walang malapit na kakilala iyon dito sa Manila."
Nasa sahig ang tingin na lumabas ako ng kwarto nila patungong kwarto ko. Pagkaupo sa kama, binuksan ko ang messenger ko upang i-check kung may messsage ba si Jay sa akin na hindi ko nabasa.
'Sorry, Let's start all over again, Adie.' -basa ko sa roon na kinadagundong ng puso ko.
It was sent, a week ago.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...