Because of my presence, everyone appears to be in a panic.
"Ma'am, gutom po ba kayo?" tanong ng isang kasambahay, na siyang nagbukas ng gate para sa akin kanina. Napatitig ako sa mukha niya. Mukhang ka-edaran ko lang.
Umiling ako. "Hindi po. Kumain na po ako."
"Sigurado po kayo ma'am?"
Nakangiting tinanguan ko siya. "Opo."
Tumikhim ito at muling humarap sa akin. "Ahm ma'am, ako nga po pala si Rosita. Dalawang taon na po akong naninilbihan sa pamilya ninyo. Kilala po kita ma'am, nag-iisang anak po kayo ng mga amo ko. Nakikita ko po kayo sa larawan pero grabeng ganda nyo pala sa personal. Para po kayong anghel."
Kiming ngumiti ako sa papuri niya
"Nice meeting you Rosita. Drop the 'po' na lang at kahit Kate na lang din po ang itawag nyo sa akin."
Giniya niya ako papasok ng bahay. Iginala ko ang tingin sa kabuuan niyon.
Everything in this house is in neutral colors. Beige, cream, white, tan and gray. The house is clean and elegant. Tanging mga paintings lang ang nagsisilbing disenyo ng bahay.
Humahangang pinasadahan ko ang mga painting na iyon ng tingin isa isa. Karamihan sa mga iyon ay abstract paintings na gawa pa mismo ni mommy.
Despite our opposing personalities, we both like the arts.
Muli nabaling ang tingin ko kay ate Rosita nang maramdaman ang braso niya sa likuran ko na para bang prinopretektahan ako. Masyado niya akong inaalalayan sa paglalakad na parang madadapa ako kada hakbang na gagawin ko.
Kanina ko pa rin napapansin, grabeng special treatment ata ang natatanggap ko. Hindi ako sanay.
"Nasa second floor po si Ma'am Amelie, nasa kwarto kasama po ang dad niyo," pagbabalita niya na kinakuha ng atensyon ko. "Wala pong nasabi sa amin si ma'am na dadating kayo kaya pasensya na po kung hindi po kami nakapaghanda."
"Dahil hindi po ako nagpaalam." usal ko.
"Talaga po?" takang tanong niya. "Bakit naman po? Biglaan po ang pag-uwi ninyo kung ganon?"
Bago ko pa man sagutin iyon, kapwang natigilan kami nang makarinig ng yapak ng takong mula sa may hagdanan.
Napabuntong hininga ako.
"Si ma'am Amelie na yan."
Inipit ko ang iilang nagkalat na buhok ko sa likod ng aking tainga. Pinunasan ko rin ang pawis sa noo at tuwid na tumayo habang may alanganing ngiti sa labi.
"Mommy..." tawag ko.
Napalingon agad siya sa gawi ko. Nagsalubong ang kilay. She looked shock as my expected.
"Kate?"
Agad akong lumapit upang salubungin siya ng yakap. Sinalubong niya iyon at mahigpit akong niyakap pabalik.
Nakahinga ako nang maluwag dahil roon.
"Bakit hindi ka nagsabi na dadalaw ka?" tanong niya nang humiwalay sa yakap. Pinagmamasdan pa niya ng tingin ang kabuuan ko.
"Mom, hindi ako dadalaw lang," pagtatama ko.
Her expression is befuddled. Mas lalo pang lumalim ang kunot ng noo niya nang ipasok ng dalawang kasambay ang mga maleta ko.
"What do you mean by that Kate?"
"Dito ko na po itutuloy ang pag-aaral sa Pilipinas. I'd like to live with you and my dad," nakangiti kong pagpapaliwanag, nagbabakasali na positibo ang makukuha kong reaksyon mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomanceShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...