Kabanata 15

45 11 7
                                    

TYLER

Natuon ang lahat ng mata ng mga kaklase ko kay Jay Moreau nang bigla itong pumasok sa front door ng aming classroom. Dire-diretso siya naglakad patungo sa upuan niya, katabi ng upuan ko.

Ang professor ay bahagyang napanganga sa pagiging kaswal niya gayong 15 minutes na lang ang natitirang oras sa klase. 

"Pumasok ka pa," biro ko.

He just laughed.

Sa iilang araw na pumapasok ito sa isang subject na in-enroll-an niya, madalas talaga itong late. Wala sa utak niya ang mag-aral kundi puro ang ex na sinusuyo ang priority niya.

I know that because he tends to over shared.

Mukhang bibig nito ang babaeng nagngangalang Adie.

"Sinabay ko kasi ang girlfriend ko. Nine ang klase niya ngayon," sagot niya pagkatapos ay sinundan ng pagbubuntong hininga. 

"I thought she's an ex?" tanong ko. 

"Para sa akin, kami na ulit."  Nagkibit balikat ito. "After what happened that night, alam kong meron pa."

Napailing iling ako sa kaniya at tinuon na ang atensyon sa professor sa unahan.

Ayokong marinig pati ang parteng iyon ng lovelife niya.

"May gagawin ka ba mamaya?" untag niya.

Nangunot ang noo ko habang nasa professor pa rin ang tingin. "Bakit?"

"I am planning to do something. Kailangan ko ng assistant."

"Assistant? Ako?" sarkastiko kong tanong.

"Oo. Ikaw lang naman ang kilala ko rito."

"Ano ba yang plinaplano mo?"

"Wala pa."

Huh?

"Kung wala kang plano, paano kita tutulungan?

"Tulungan mo akong mag-isip ng plano."

Nangunot ang noo ko sa sagot niya at nag-iwas na ng tingin rito.

Magulo ang utak ng isang 'to

KATE

'Will fetch you after class. Can't wait to see you mon amour!'

Basa ko sa message na mula kay Jay matapos ang klase ko sa araw na ito. 

Akmang susukbitin ko na ang shoulder bag ko nang muling magvibrate ang phone ko.

'Lingon ka sa bintana.'

Lumingon nga ako sa bintana ng classroom namin. Napabuntong hininga ako nang makita si Jay ang naroon, may dala dalang bouquet ng peonies. Malapad ang ngiti niya sa akin.

Alam kong nakatingin na karamihan ng kaklase ko sa akin.

"Manliligaw mo ba siya?" usisa ni Sandra.

Umiling lang ako sa kaniya bilang sagot.

Dire-diretso akong lumabas ng classroom.

Hindi ako lumingon sa gawi ni Jay kahit nang makasalubong ko siya sa pinto nang magtangka siyang harangin ako. Nilagpasan ko siya.

"Adie, hintayin mo naman ako.."

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko ang pagsunod niya. Kahit maabutan man niya ako dahil sa malalaki niyang hakbang, wala akong pakialam.

"Adie naman…"

Wag makulit, please...

"Pansinin mo naman ako…" tawag niya.  "Adie... Mon amour."

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon