Alas-niyebe na ng gabi nang umalis si Jay ng bahay. Sa bahay ito nagdinner.
Pagkatapos akong sabihan na bigyan ng second chance si Jay, halos hindi ako nakapagsalita buong gabi dahil napunta na sa negosyo't kumpanya ang usapan nila.
Sinubukan kong magpaalam sa kanila upang makapagpahinga na, pero pinigilan ako ni mommy.
"Ilang buwan kayong hindi nagkita, gusto mo nang matulog?" tanong nito sa akin.
"Ayos lang po tita," sabat naman ni Jay. "Baka pagod na po si Adie, magkikita pa naman kami sa susunod.. at sa school niya."
Umalis na ako sa kinauupuan ko sa dining area. "Magpapahinga na po ako," paalam ko sa kanila.
Napabuntong hininga na lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Nandito nga si Jay sa Hamilton University. Kumuha ito ng isang subject para lang ma-check niya kung saan ako nag-aaral.
Pero alam kong hindi lang iyon ang dahilan niya.
Nandito siya para bantayan ako. Seloso si Jay at laging gusto niya na kilala niya ang lahat ng nasa paligid ko.
Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit mga kaibigan niya rin ang kaibigan ko sa France. Samahan pa na hindi ako magaling makipagkaibigan.
"Lalim ng iniisip, nakakalunod," nakangiting puna ni Shannon sa harapan ko habang kumakain.
Napakurap kurap ako at muling bumalik sa reyalidad. Nasa cafeteria ako ngayon kasama si Shannon. Lunch break namin.
"Sorry," nakangiting hingi ng tawad ko habang pinapanood ko siyang kumain ng spaghetti. Paubos na ang pagkain niya, samantalang tatlong subo pa lang ata ang nababawas ko sa carbonara ko.
"Nasaan pala ang kaibigan mo?" usisa ko. Napapansin ko kasi na parang madalang silang magsabay na kumain.
Madalas si Shannon lang ang nakakasama ko kapag wala si Tyler.
"Shifter kasi si MD at kaklase ko lang siya sa mga minor subjects ko. Magkaiba kami ng schedule ngayon," sabi niya. "Maiba nga tayo, ayos ka lang ba?"
Natigilan ako sa tanong niya na iyon.
"Mukhang malalim kasi ang iniisip mo kanina pa. Dahil ba yan sa mga kaklase mo ulit? Pwede kang magshare, makikinig lang ako kung kailangan mo ng masasabihan. Hindi ba maganda ang trato nila sayo?"
Nginitian ko siya.
Minsan nakakalimutan kong mas matanda ako sa kaniya.
Kahit ilang linggo ko pa lang siyang kakilala, pinapakita niya na concern siya. Para bang natural sa kaniya ang pagiging ma-alagain.
Wala na siyang ina at siya na ang tumatayong ina sa pamilya nila. Hindi rin sila ganon kayaman pero kahit ganon, parang ang positibo at ang gaan gaan ng buhay niya.
"May iniisip lang pero okay lang naman ako," sa huli ay nakangiting sagot ko.
Tumango tango siya. "Sigurado ka? Sige, di kita pipilitin pero kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako."
Lumapad ng ngiti ko sa sinabi niya. "Thank you."
Habang patuloy kami sa pagkain, napansin ko ang pagpasok ng Student Council President sa cafeteria. Agad na bumati ang mga estudyanteng nadaanan nito at palihim na naghagikgikan nang tanguan sila ni Kuya Gus.
Bigla ko tuloy naalala ang nakwento sa akin ni Tyler. Bumaling ako kay Shannon.
"May tanong ako, ayos lang ba?" kuha ko sa atensyon niya.
She smiled. "Yep, ano ba iyon?"
"Uhmm, may boyfriend ka ba?" nag-aalangan kong tanong.
Alam kaya niya na gusto siya ng Student Council President namin?
BINABASA MO ANG
THWM 2: Love Under Pressure
RomansaShe glows with great value, just like the sparkle of an expensive diamond. She goes through growth and reveals her deepest wishes, similar to the gem, needing both time and pressure. ~~~ Caught off guard by an unexpected breakup, Kate de la Fontaine...