Kabanata 8

40 12 9
                                    

Nilingon ko ang dalawang kagrupo ko upang makita kung ayos lang sa kanila na sumama si Tyler sa amin. Bahagyang kumunot ang noo ng dalawa pagkatapos ay nagtinginan.

"Tutulong naman ako sa inyo," dagdag pa ni Tyler.

Umiling ako. "Hindi na kailangan, Tyler, tatlo na kami."

"Okay, edi sasamahan na lang kita."

Nangunot ang noo ko. "Bakit?"

Nagkibit balikat siya bilang sagot. "Bawal ba?" Lumingon siya sa dalawang lalaki na kasama ko. "Can I?"

Halatang npipilitan na tumango ang dalawa.

"Wala ka bang gagawin?" tanong ko sa kaniya.

He smiled at me. "Wala na."

Hindi na ako umangal. Iba rin kasi ang kutob ko sa dalawang lalaking ito. Pumayag lang naman ako dahil naiisip ko rin ang paaalala ng professor ko sa akin. Kailangan kong makigrupo, kailangan kong makisama.

Nagtungo kami sa library. Wala namang awat ang pagkwe-kwento ni Tyler sa akin patungkol sa kung ano anong bagay kaya mataman naman akong nakikinig sa kaniya.

Napatitig ako sa kaniya habang masaya siyang nagkwekwento tungkol sa araw niya. Malapad ang ngiti niya na tila pinapakita ang mapuputi niyang ngipin. He has also this habit of using his hands while telling his story.

Just like I always describe him. He looks kind. He looks fun to be with.

May mangilan ngilang students pa nga kumakaway sa kaniya. May nakiki-high five. May nakikipagbungguan ng braso.

Lahat iyon ay nasaksihan ko sa maikling minuto, habang patungo sa di namang kalayuan na library.

Sa dami ng kakilala at kaclose niya, buti may time pa siya na samahan ako.

Ang dalawang lalaki na kagrupo ko naman ay nasa likod namin. Parehong tahimik.

Nang sa wakas ay makarating, naupo kami sa pang-apatang mesa sa library. Tsaka ko lang napansin na ang awkward pala. Nag-iisa akong babae at pinagtitinginan kami ng ibang estudyante.

O baka si Tyler lang?

Binuksan ko sa laptop ang canva namin sa subject ni Ma'am Cruz upang alamin kung ano bang activity ang pinapagawa. Pansin ko naman ang pagsilip ni Tyler roon na para bang siya ang kagrupo ko.

'Choose a partner and make a comparative diagram on the gothic and baroque archutecture. Create a digital art that shows an image of your interpretation of a modern architecture' -yan ang nakapost. Bale dalawa pala ang gagawin.

Napangiti agad ako. I am good at creating digital art. Isa iyon sa mga hobby ko kaya madali lang ito sa akin.

"Ako nang gagawa ng digital art," maliit ang boses na pagbo-volunteer ko. Kitang kita naman ang kasiyahan sa dalawang kagrupo sa pagboboluntaryo ko.

"Tama pala na kinuha natin si Kate e! Mukhang magaling," komento nung Noel.

"Pero kailangan ko ng idea nyo," dagdag ko.
"Lalo na rito sa comparative diagram."

Binalingan ko si Tyler sa tabi ko. Nakatingin siya sa akin. Humalumbaba sa mesa pagkatapos ay ngumiti. "Leader," komento niya na bahagyang kinainit ng mukha ko.

"Hindi," sagot ko. 

Muli akong bumaling sa mga kagrupo ko nang mapansing wala silang imik. Tila nag-uusap ang mga ito sa mata.

Unang tumingin sa akin yung Ed or Edie.

"Kate, bigla naming nakalimutan ni Noel, may kailangan kaming puntahan."

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon