Kabanata 9

42 13 8
                                    

KATE

"Maam, anong oras po tayo magma-mall? Sasabihan ko na po si Kuya Ruben nang maihatid tayo."

Halata sa mukha ni Ate Rosita ang excitement.

Nakangiting umiling ako. "Hindi na, nagpresinta ang kaibigan ko na sasama. Siya na raw ang maghahatid-sundo sa atin."

Kumunot ang noo niya. "Yung Tyler po ba yan ma'am?"

I nodded.

"Ay hala, makikita ko na siya sa personal, ma'am?!"

She only knew Tyler by name. Si Rosita kasi ang madalas kong nakakausap rito sa bahay kaya makailang beses ko na ring nabanggit ang pangalan ni Tyler sa kaniya.

Si Tyler lang naman kasi ang natatanging kaibigan ko. At siguro si Shannon na rin pero hindi ko pa ito naikwekwento.

"Palagi siyang nandiyan para sayo ano ma'am? Knight in shining armor nyo po kumbaga." Makahulugan ang ngiti niya kaya napailing iling ako.

"Friendly lang po talaga siya," sagot ko.

Humaba ang nguso ni Rosita at tatawa tawang lumabas sa kwarto ko.

'Sa sobrang friendly niya, nalilito ako minsan'

I wore Baserenge orange halter crop top and Maison Margiela wide leg cut-out jeans. Pinaresan ko lang iyon ng puting flats dahil mag-iikot ikot kami sa mall. Tanging wristwatch lang ang sinuot kong accessories. Walang kwintas ni kahit earrings.

Mula nang sabihan ako ni Sandra na mayabang, binawasan ko na ang pagsuot ng mga mamahaling jewelries. Hanggat maaari rin ay iniiwasan kong magsuot ng sobrang mamahalin.

Ang lumalapas ko naman na buhok sa balikat ay sinuklay ko lang. Balak ko kasing ipa-trim ang dulo nito mamaya sa salon kapag sinamahan ko na si Rosita na magpa-dye ng buhok katulad ng akin.

"Ay wow, grabe talaga ma'am. Mukha po kayong model," puri ni Rosita nang bumalik uli ito sa kwarto ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin. Suot na niya ang pleated dress na binigay ko.

"You look good too. Sabi naman sayo babagay at kakasya yan."

Humagikgik siya. "Magandang babae na ang nagsabi sa akin kaya maniniwala ako. Thank you po talaga ma'am!"

Matapos mag-ayos, umalis na kami ni Rosita. Pinayagan naman agad ako ng mga parents ko dahil kasama ko naman siya. Natuwa pa nga si mommy dahil paulit ulit na raw ang suot kong pambahay, dapat lang raw na magshopping na ako.

Nang malapit na kami sa bungad ng subdivision, natanaw ko agad si Tyler na nakatayo sa labas ng kotse. Malapad ang ngiti niya kaya ngumiti rin ako at kumaway kaway. Nagbaba agad ang tingin ko sa suot niya. He's wearing oversized sweatshirt paired with converse style shoes. Nakasuot rin siya ng beanie.

He's cute but our outfit didn't match.

"Hala! Maam, ayan ba yung Tyler mo?" tanong ni Rosita sa tabi ko. "Jusko po, ang gwapo naman masyado!"

Natawa ako sa eksaharada niyang komento.

"Hala seryoso, maam, napaka pogi!"

"Hello, señorita," bati ni Tyler nang makalapit kami. Bukas ang mga bisig niya kaya lumapit ako roon para salubungin ang yakap niya. Bumeso pa siya pagkatapos.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero habang tumatagal, nagiging mas komportable na kami ni Tyler sa isa't isa hindi lang emotionally kundi pati na rin physically. Naging normal na sa amin ang yakap at beso.

Normal nga ba? O sa kaniya lang?

Hindi na ako magsinungaling. Sa tuwing ginagawa niya iyon, alam kong may kung ano akong nararamdaman.

THWM 2: Love Under PressureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon