Ilang araw mula nung magdinner kami kasama ang family ni Leigh ay mas naging busy na ako dahil dalawang na lang ay yung mismong araw na ng Anniversary Celebration ng company namin at sa mismong araw din na yun ang Ramp ng new clothing collection ng ZS Wear. Kasama ko ngayon sa office ko si Line at ang assistant ko.
"Summer, meron pa ba akong nakalimutan? We can't afford to have a single mistake." Tanong ko dito habang iniisa-isa ko pa ang bawat detalye sa Anniversary.
"Yung main model po natin biglang nagcancel last minute. Hindi pa po nakakahanap yung PR team natin ng papalit." Sagot nito sakin. Napahawak na lang ako sa sintido ko sa bad news na yun. Bakit naman sa dinami dami ng magcacancel ay si Eleanor pa.
"Bakit daw?" Seryosong tanong ko dito.
"May shooting daw po siya ng bagong movie niya sa Europe." Mabilis nitong sagot tila kinakabahang mali ang maisagot.
"Not that. Bakit hindi pa sila makahanap ng main model? That is a very important role sa ramp." Seryosong sagot ko sa kaniya. Sobra na ang stress ko sa Anniversary na ito halos hindi na ako makatulog ng maayos kakaisip dito.
"They couldn't find the perfect model to fit in the role lagi din pong hindi tinatanggap ng Head designer ang mga options na binibigay nila. We need a sophisticated with a classy features yan ang sinabi ng design team natin." Inis akong nagstomp ng kamay ko sa mesa.
"Zelle, let me take care of this. I have one person in mind actually." Suhestiyon ni Line. Napatingin lang ako sa kaniya at sinenyasan lang siyang magpatuloy.
"I think you should fit in the main model. You're the perfect image tulad ng sinabi nila sophisticated in a classy feature." Napaturo ako sa sarili sa suhestiyon niyang yun.
"Yes, you. You own this celebration and I couldn't think of anyone na babagay talaga dito. What do you think, Summer." Nakangiting tanong nito sa assistant ko.
"Tama po si Ma'am Zeline. Bagay na bagay po kayo sa main model hindi lang dahil anak kayo ng Chairman ng company but I think deserve niyo po ito." Dagdah komento nit at dahil sa kakapusam sa oras ay wala na akong nagawa.
"Problem solved, then. Is there anything else na may problema pa?"
"We've got it covered. By the way, tomorrow po ang venue visit nyo for finishing touches with the coordinator para kung may ipapabago daw po kayo ay magagawa na nila agad." Pagpapaalala nito sa akin na tinanguan ko lang at hinihintay pa kung may idadagdag pa siya.
"Aside from that ay wala na po at nasa ayos na po ang lahat." Napapalakpak naman ako at sa wakas ay ayos na ang lahat. Maging si Line ay masaya din.
"I want you to add one more thing, at the same day I want the official announcement of the company's investment sa company ni Line. Ofcourse, Dad will be the one to exchange toast. I can't be the one to announce that. Showbizz thing." Isinulat niya lang ito sa mga checklist niya.
"If there's nothing else, you can go home and get enough rest. Tomorrow will be the last day of our preparation. It will be stressful." Nagpaalam na siya at inayos ang mga nakakalat na mga files sa lamesa tsaka siya tuluyang lumabas ng office ko.
"You deserve a rest, Zelle. Don't stress yourself out too much." Nag-aalalang payo niya. Nginitian ko lang siya tsaka inilingan. I can't afford to rest at this time. Andami kong inaayos isabay mo pa ang studies ko.

BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
RomanceHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?