Nagising ako sa alarm ko. Yung pakiramdam ko ay parang pagod na pagod ako at antok na antok. Hindi na ako magtataka dahil mag-uumaga na rin ako ng makatulog dahil pinanood ko pa ang mga CCTV footages na nakuha ni Andy kagabi dun sa club sa Timog at kinuha ko ang mga mahahalagang footages at naisave ko sa flash drive ko.
Mabilis akong bumangon at dumiretso na sa bathroom sa loob ng kwarto ko. Nagbabad lang ako saglit sa bathtub ng isang oras bago tuluyang naligo. Isinuot ko na lamang yung isang silver dress na hanggang bago magtuhod, ito yung isa sa mga collection ng Montecarlos Clothing Line. Itinerno ko na lamang ang isang 5 inch stiletto ko na regalo ng isang fan ko.
Nagmake-up lang din ako ng very light at sinugurong takpan ang maitim kong eyebags ko tsaka ko ipinusod ang buhok ko into a simple bun. Minasdan kong muli ang aking sarili sa salamin at ng makunteto ay kinuha ko na ang flash drive ko at ipinasok ito sa clutch bag ko.
Nang makababa ay naabutan kong magsisimula pa lang mag-almusal sina Daddy at Mommy. Binati ko lang ng magandang umaga ang mga magulang ko at humalik sa mga pisngi nito at naupo. Perfect for my mood French toast, bacon and egg na pinarisan ng black coffee.
Tumikhim si Daddy bago nagsalita "Before you go to your presscon, would you mind telling us what truly happened, Zelina?" tanong nito kaya naman ay napatigil ako sandali sa paghigop ng kape at napatingin sa gawi niya.
"It's a long story. Parang hindi niyo naman kilala ang journalist na si Raffy Jimenez. He's good at making stories and sobrang interesado sa aking buhay." Komento ko dito tsaka ako humigop ng kape at nagtuloy sa pagkain.
Sandali pang natigilan si Daddy bago nagsalita ulit. Naramdaman ko ding nagpapalit-palit ng tingin si Mommy sa aming dalawa.
"Why don't you make it quick and simple?" pag-uusis pa nito sa akin. Wala na akong nagawa at naikwento ko sa kaniya ang nangyare ng gabing iyon.
"I just know that he is some kind of Casanova in town. That's all I know about him." Dagdag ko pa dito matapos ikwento ang nangyare ng gabing iyon. Tumango-tango pa siya at para bang naghihintay pa ng susunod kong sasabihin.
"He's pervert and a heartless jerk. Well, I assume na lahat ng babae ay maglalaway sa kaniya at magmamakaawa na makasama siya kahit na isang gabi lang pero ibahin niya ako sa mga babaeng yun hindi ganun ang type kong lalaki at kinakasukluman ko ang mga tulad niya. Wag siyang magkakamali dahil sigurado akong pagsisihan niya yun." Dire-diretso ko pang dugtong at this time tumawa si Daddy na ikinakunot ko ng noo at asar siyang tinignan.
"What? You're something, anak. I didn't know na coldhearted ka tulad ng Mommy mo nung nililigawan ko pa lang siya." Natatawa nitong tugon at ng tignan ko si Mommy na nagblublush siya.
'Really Mom? You're too old to blush in front your daughter and husband' asik ko sa utak ko.'
"You were a playboy?" nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.
"Ofcourse not! Habulin lang ako ng babae pero Mommy mo lang ang hindi naghabol sa akin kaya nga hooked na hooked ako sa kaniya hanggang ngayon." Matamis niyang tinignan si Mommy at hinalikan ang buto ng kaniyang mga kamay. Napaawang ang labi ko
'You are too old for this!' muling asik ko sa isipan.
Hindi ko na pinansin pa ang kakornihan nilang dalawa sa harap ko at nagtuloy na lang akong kumain.
Sandali pa kaming nag-usap ni Mommy sa salas pagkatpos naming kumain at siniguro ko na wala lang ang issue na ito at madali lang ito malusutan dahil wala rin namang katotohanan ang bintang ni Raffy sa akin. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa at dumiretso sa parking naming na maabutan si Andy na naghihintay.
BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
RomanceHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?