"You're awake. Akala ko kung ano ng nangyare sayo." nag-aalala kong tugon ng magising na ng tuluyan si Lhor.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwarto na ikinakunot niya ng noo hanggang dumako ang paningin sa akin. Bahagya din niyang tinignan ang damit niya sa loob ng kumot na tumatabing sa katawan niya.
"Did we..."
"Ofcourse not! Kadiri ka Lhor!" bulyaw ko sa kaniya.
'Hindi ka nakainom para hindi mo maalalang umiiyak ka bago mawalan ng malay. Pisti!'
"Then, what am I doing in an unfamiliar room with unfamiliar clothes with a familiar woman?" masungit na aniya. Inirapan ko siya sa naiisip niya.
"I brought you here in an unfamiliar room because you lost consciousness last night. You are wearing unfamiliar clothes because you stink last night and my maids put those clothes on you. You are with a familiar woman because this is my house." paliwanag ko dito na dinugtungan ang mga sinabi niya tsaka ko siya tinaasan ng kilay
"I'm sorry." nagbaba siya ng tingin sa kaniyang mga palad.
"Nah" iwinasiwas ko ang hintuturo ko sa hangin na sinasabing wala yun "That's what friends are for."
"Thank you, Zelle. You're always there when we need you." pagpapasalamat nito. Nginitian ko siya ng napakatamis na ikinaiwas niya naman ng tingin.
"All I want is for all of you to feel that there is someone whom you can lean on anytime. I want all the best for you and you know that." malumanay ang pagkakasabi ko nun na ramdam kong alam niya ang aking mga tinutukoy.
"I know and I am very lucky to have such a good friend like you. You are very understanding." patuloy niyang papuri sakin na ginantihan ko naman ng ngiti.
Iniwan ko na siya sa loob ng guest room at ng makapag-ayos siya. Inilapag ko kanina sa ibabaw ng mesa sa loob ng guest room na yun ang pinalaba kong mga damit na suot niya kagabi.
"Can you manage to rehearse today? You can take a rest today if you want?" alok ko sa kaniya habang kumakain kami ng breakfast.
"I'm okay. Kailangan ko din libangin sarili ko instead na malungkot at magmaktol." seryoso niyang saad. Hindi na ako kumibo pa at baka may masabi pa akong iba.
"You have a very nice home" papuri niya sa bahay namin.
"Thank you. That's my mom's creation." itinuro sa aking ina ang papuring iyon.
"You have good eyes, hijo!" parang kinikilig na aniya ni Mommy ng biglang dumating sa likuran niya.
"It's such a pleasure to meet you, Maam." nataranta siyang napatayo at nakipagkamay at si Mommy naman ay hindi tinanggap ang pakikipagkamay nito dahil ay hinagkan niya lang ito ng sobrang saya.
"You're so handsome!" nakangiting pinagmasdan ni Mommy ang kabuuan ni Lhor.
"Thank you, Maam" alanganing ngumiti si Lhor kay Mommy. Natatawa ako ng bahagya dahil alam kong iba ang iniisip ng Mommy ko kay Lhor.

BINABASA MO ANG
The Casanova's True Love
RomanceHe's a heartbreaker and no one dares say no to him until one day he meet a feisty girl and he fell in love at first sight. Will that girl be the Casanova's True Love?